CHAPTER 21 (Annoying Girl)

Depuis le début
                                    

"Oh heto na. Sayo na to."

Nabigla pa ako dahil sa lakas ng ngalngal niya biglang tumahimik ang paligid. As in ang bilis nyang tumahan. Tapos biglang ngiti pa. Nakakaloko ata to ah.

"Talaga? Sakin na to?" ngiting ngiti talaga e. As in ngiting ngiti na kala mo e hindi galing sa pag iyak ng wagas.

Tumango na lang ako. Hinablot na niya sakin yung zombie tapos naglakad na sya palayo. Nung nasa pinto na sya ng shop para lumabas, humarap sya sakin at kumaway.

"Salamat pogi!"

Napangiwi ako. Alam kong gwapo ako. Pero ang lakas ng boses niya e. Nag echo pa sa loob ng shop. Napailing na lang ako.

Promise. Ang lala nang pagka weird niya sinasabi ko. -__-

Bumili na lang ako ng ibang zombie. Isang cute na zombie. Tapos pagkalabas ko ng shop nakita ko uli yung babaeng nakakainis.

Bumibili sya sa isang ice cream stand. Pagkatapos nyang magbayad at matanggap yung minimithi nyang ice cream na may kasama pang pagpalakpak..isusubo na sana nya yung ice cream kaso biglang may humablot nung mini bag niya. Naputol pa nga yung handle e tapos natumba sya.

Hinabol ko yung snatcher kaso biglang nawala dahil sa sobrang dami ng tao sa mall. Binalikan ko na lang si annoying girl. Nakita ko na naka upo na sya sa sahig at umiiyak na naman.

Nakita ko na nagkasugat pala sya sa tuhod. Shh, dumudugo pa. Tapos yung ice cream nya natapon na rin sa sahig. Kawawang bata naman nito.

"Miss okay ka lang?"

"Saan ka nakakitang okay na umiiyak? Kita mo namang may sugat ako sa tuhod tapos natapon pa yung ice cream ko sa tingin mo okay lang ako? Uwaaa!"

Sabi ko nga. -.- Pero heto na naman ang malakas nyang pag ngalngal. Argh, nakakabingi na sa totoo lang. -___- Asar lang, concerned na nga yung tao natarayan pa.

"Here." Nilahad ko sa kanya yung kamay ko.

"Ano yan?"

How slow she was.

"Helping you to get up."

"Ahh." then tinanggap na niya yung kamay ko at tinulungan ko na syang tumayo. Kaso paika-ika naman ang paglalakad niya.

"May first aid kit ka?"

"Yep. I have. In my car. Lets go."

"Parang di ko yata kayang maglakad?"

Tss. Ayaw pang sabihin na gusto magpa buhat. All right. -.-

Walang sabi-sabing lumuhod ako nang nakatalikod sa kanya.

"Hope in. Papasanin na kita."

"Yey! Piggy back ride!" tuwang tuwa pa ang bata. Naman. Tapos sumakay na sya sa likod ko. Langya. Feeling ko kabayo ako nito e. -__-

Ano ba yan, ang gaan naman nya. Ilang kilo kaya tong babaeng to?

Nakarating na kami sa car ko then nilabas ko na yung first aid ko. Nilinis ko yung sugat niya para hindi mainfection saka ko nilagyan ng bandage.

"Kaya mong umuwi?" I ask her.

"Hindi. Pero gusto ko bago ako umuwi.."

Sa hindi inaasahan..nakarinig ako ng pagkulog nang tiyan.

"Ahehe. Gusto ko munang kumain."

"Sige."

"Ah e..lulubos lubusin ko na tong tulong mo. Ano e.."

"Ano yun?"

"Pedeng mangutang? Gutom na kasi ako e. Ahehe."

-_____- Akala ko kung ano na. Tss. Ang weird din nya.

I Love That Weird Girl (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant