CHAPTER 21 (Annoying Girl)

13.1K 172 15
                                    

CHAPTER 21

(Annoying Girl)

(A/N: paistorbo po ulit ang AN ko ha? haha. Sobrang thankful ako kay God kasi natapos na rin ang thesis namin at nakapasa na rin ako. :D i-congratulate nyo naman ako. lol. XD kaya nakapag UD aketch ngayon. :D haha. ang saya! kaso busy pa rin ako dahil sa thesis Documentation ko. :P nemen oh! haha. by this december start daw ng aming OJT. Which is, sa manila daw. lol. See you there guys! :P )

(Alex's POV)

A bouquet of red roses. I know this is not enough. Pumunta ako sa isang shop which is puro stuff toys, teddy bear etc. 

Ang hirap pumili kasi ang dami. Pero alam ko naman kung ano ang mga gusto nya. May nakita akong isang zombie na Michael Jackson. I know this one, zombie to sa plants vs. zombies e. Nag iisa na nga lang sya na klase e. Nung pagkahawak ko dun sa zombie may biglang humawak din.

Nagkatinginan kaming dalawa. As in nagkasukatan kami ng tingin.

Bigla nyang hinila yung zombie na hawak ko papunta sa kanya pero hindi ko pa rin yun binibitawan.

Tapos hinila ko naman yung zombie palapit sakin, parang ginaya ko lang sya. Pero katulad ko, hindi rin niya binibitawan.

Ano ba naman Miss, I need this stuff for the girl I so much loved. Ayoko munang magpaka gentleman ngayon please? Kahit ngayon lang? Para lang sa babaeng mahal ko?

Hinila nya uli yung zombie. Hindi kami nagsasalita, basta nagsusukatan lang kami ng tingin.

Sa unang tingin maganda naman sya. Ang cute nga ng mata nya e, kaso parang may something sa kanya. Kakaiba ang fashion niya at bukod don parang may pagka childish pa ang aura nya. Naka suot nga sya ng bonet na panda e, tapos mini bag na rabbit, sneakers na color pink yung kabila tapos color red naman yung kapares, 

Hindi na ko nakatiis, nagsalita na ko.

"Miss, I need this please. Just pick other stuff nalang, marami pa namang ibang zombies e."

Hindi sya nagsasalita. Pero ilang sandali lang..

Bigla syang..umiyak? What the!

"Uwaaa! T___T"

At ang malala pa, naglupagi pa sya sa sahig at nagpapadyak. Sh*t that! Baliw ata tong babaeng ito?!

Nakakahiya. Ang lakas pa ng ngal-ngal niya kaya rinig na rinig sa buong shop. Tapos nagtinginan pa sa aming dalawa yung mga customers at sales lady sa loob. Naman, daig ko pa ang nagpaiyak ng five years old na bata. -___- Kalmado lang naman ako habang naka kunot ang nuo ko, kaso nagiging center of attraction kaming dalawa dito.

Nakakainis, saan naman kayang mental hospital nakatakas ang babaeng ito?

Pero seriously, lumuluha sya. -__-

Paano ko ba patatahanin ang isip-batang ito? Asar lang e, nakakahiya talaga.

"Ibigay mo na sakin yang..*hikbi*..zombie na yan. Kasi..uwaaa..nasa stage na ko ng plants vs. zombies na kalaban ko na si MJ. Tapos..*hikbi*..sya na lang ang natitira dito at madami na akong..*hikbi*..tindahang napuntahan. Uwaaaa! TT___TT"

Eer? Yun lang? Ibig nyang sabihin balak nyang bilhin ang lahat ng klase ng zombies sa plants vs. zombies na game? Weird. -__-

Tumalikod na ako sa kanya at pumunta sa counter. Binayaran ko na yung zombie at narinig ko pang lumakas lalo ang iyak nya. Anuba naman. -__-

Wala naman na akong balak kunin ang zombie na to e. Heto na nga at babayaran ko na para sa kanya para tumigil lang sya sa pag ngalngal dyan kasi sobrang nakakahiya.

I Love That Weird Girl (Completed)Where stories live. Discover now