1 am na nang matapos ang party. We both thanked each other before we headed to our home. Si Blaire ay tinawanan pa ako sa pangyayari kanina na ikinailing ko lamang.
"I'll talk to you later. I'm so sleepy na kasi. Napapagod din ang maganda." biro ni Blaire bago siya sumama sa mga Pangilinan. Nagngitian lang din kami ni Janina bago siya sumama sa mga magulang niya. Nagiguilty din ako sa nangyari sa amin ni Donato. He cheated on her because of me.

Si Ricci naman ay umuwi na din. Nag rent siya ng condo malapit sa amin. Hindi niya naman sinabi sa amin kung hanggang kailan siya dito. Sinabi niya lang na baka dito na daw siya titira at doon siya magtatrabaho sa clinic namin. Anong vacant position ang ibibigay ko sa kanya? Kabaliwan ng isang yun.
Nang makarating kami sa bahay, agad kong hinubad ang sandals at dress ko at naghalf bath na rin. Nang makalabas ako ng banyo, nagbathrobe nalang ako dahil matutulog lang din naman ako. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at biglang napangiti nang maalala ang halikan namin ni Donny sa CR. Pero bigla akong nalungkot nang mapagtanto kong may inaapakan pala kaming tao. Janina, I'm so sorry.
Napabuntong-hininga ako. Nilagyan ko ng lotion ang katawan ko. Naaamoy ko ang vanilla scent napapikit kong nilalanghap ang kamay ko. Naalala ko kasi siya kapag naaamoy ko ito.
Nabigla ako ng marining ko ang kalabog mula sa bintana. Bigla akong kinabahan. May magnanakaw!
Dali-dali kong pinatay yung ilaw. Hindi siya masyadong madilim at nakikita pa rin ang paligid ng kwarto ko dahil sa liwanag ng buwan. Naghanap ako ng ipapamalo sa kanya. Kumuha ako ng walis sa may pintuan banda at handa na akong lumabas ng kwarto nang marinig ko ang kalabog ng sahig. OMG! Andito siya. Nakikita ko siya papalapit sa akin.
"Tulooooooong! Tulooong-hmp!" naputol ang sigaw ko nang higitin niya ako at takpan ang bibig ko.
Hindi ko maaninag ang itsura niya dahil sa dilim. Binuksan niya yung ilaw.
"D-Donny?" paano niya nagawang akyatin ang bahay? Ngumiti siya at niyakap ako.
"Grabe. Ang sakit ng katawan ko. Muntik pa akong mahulog." natatawa niyang saad habang hinahaplos yung buhok ko. Napatigil kami nang may kumatok sa pintuan.
"Okay ka lang ba, anak? Bakit sumisigaw ka?" tanong ni Daddy mula sa labas ng kwarto. Buti nalang nakalock yan baka makita pa siya dito.
"Okay lang po ako, Dad. May ipis lang po na nakapasok. Napatay ko naman din po." sabi ko.
"Akala ko kung napano kana. Sige na. Matulog kana. Good night." sabi niya.
"Good night din po." sabi ko.

"Muntik na tayo doon." sabi ko ng mahina. Napatawa naman siya ng mahina at halos mapatili ako ng buhatin niya ako pahiga sa kama at tinabihan ako. Ginawa niya pang unan yung braso niya sa akin.
"Ano bang pumasok sa kokote mo at pumunta ka pa talaga dito?" tanong ko.
"Hindi ako mapakali." sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko.
"Bakit?" tanong ko at niyakap siya niyakap niya din ako. Gusto ko ang ganitong sitwasyon. We're just cuddling each other.
"Ayos na ang lahat eh. Pumasok pa sa eksena yung unggoy na yun. Bakit kasi nagpaligaw-ligaw ka doon?" tanong niya na parang naiinis.
"Hindi naman ako nagpapaligaw. Nagulat lang din naman ako eh. I thought he treated me like his sister." sabi ko.
"Sister? May pakiss pa at holding hands. Tsk! Pag talagang napikon ako, babalian ko yan ng buto." sabi niya.
"Donny!" suway ko.
"At talagang kinakampihan mo talaga yung unggoy na yun." sabi niya at tumalikod sa akin.
"Love naman. Syempre ayoko namang mag away kayo." sabi ko. Hindi siya umiimik.
"Hey." malambing na bulong ko sa kanya. Pinaikot ko siya upang humarap sa akin. Hindi ko alam pero parang namumula siya.
"Namumula ka ba?" tanong ko. He caressed my face.
"Pakiulit nga ng tinawag mo sa akin kanina." sabi niya.
"Ano yun?" tanong ko na nacurious.
"Kakasabi mo lang. Sige na." pamimilit niya.
"Alin doon?" tanong ko. He looked so frustrated.
"Just say it. Pleaaaase."
"Love." sambit ko.
"Damn! I waited for this moment. Ang sarap parin pala sa pakiramdam. Pakiulit, please!" pakiusap niya.
Ngumiti ako ng matamis.
"I love you, love." sabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"God! I love you even more, love." sabi niya. Gusto kong makilig pero parang may pumipigil sa akin.
"How about your girlfriend?" biglang tanong ko na ikinatigil niya. He looked at me.
"I'm planning to break up with her." sabi niya.
"Pero..."
"Sshhh." malambing na pagpigil niya at niyakap ako muli.
"It was just for a show. Alam ko kasing pauwi kana nun. I asked her to pretend as my girlfriend. My family doesn't even know about that, not even Blaire. They thought we are in a relationship because we've been friends for a long time." sabi niya na ikinagulat ko.
"Wait...what? You mean, everything is just fake?" tanong ko.
"Well...the truth is, she's my ex. We've dated for almost 1 year. Hindi iyon alam ng mga magulang namin kasi baka isipin nila na panakip butas ko lang siya. Ready na sana kitang kalimutan and decided to be with her instead baka sakaling makalimutan na kita kasi sobrang nasasaktan na ako that time na makita kitang masaya kana kahit wala ako habang ako, nagpupursige na makapagtapos para may mapatunayan sayo. I know it sounds selfish pero ayokong iba ang nagpapasaya sayo. Gusto ko ako lang." sabi niya.
"No. Hindi madaling maging masaya. I was depressed that time kasi sobrang nangungulila ako sayo. Tita Kath's helped me. Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko nung wala ka." sabi ko na naiinis na ikinaalarma naman niya.
"Don't be mad, love. Please...I'm sorry, okay?" paglalambing niya. I just hugged him.
"So tell me everything about your relationship with Janina." sabi ko.
"Hmm...so yun nga, I decided to court her kahit wala akong feelings nun sa kanya. Sabi ko, 'bahala na, mahuhulog naman na siguro ako sa kanya.'. Pumayag naman siya hanggang sa naging kami. Tinago namin kay lola iyon dahil I'm sure magagalit yun at  baka malaman din ng parents namin especially niya dahil bawal pa siya magboyfriend nun. I told her everything about you. Kaya alam niya yung lovestory natin. 1 month before ng anniversary namin, she broke up with me. She told me that you're still the one. She felt that. Ang totoo kasi for almost 1 year na relationship namin, ikaw pa rin yun iniisip ko. Hindi ka nawala sa isip at puso ko. Kapag kasama ko siya, ikaw yung iniisip ko. Mga ngiti at halik mo ang hinahanap ko. I felt bad and guilty for her. Para kasing pinaglalaruan ko lamang ang damdamin namin. So I let her go and waited for you. We decided to be friends until we pretended to have a relationship again because of you." kwento niya.
"Pero I think, she's still love you." sabi ko. Mga tingin niya lang kay Donny, alam kong mahal pa niya ito.
"I don't think so. It doesn't matter anyway. Basta ang importante, akin kana ulit at wala ng may mang-aagaw pa kahit yang unggoy mo na manliligaw." he said and kissed my forehead. I hugged him tightly.
"Matulog kana, love." sabi niya.
"How about you? Dito ka matutulog? Baka makita tayo dito." sabi ko.
"I don't care. Mas mabuti para hindi kana nila ipupush sa unggoy na yun." sabi niya.
"Love!" suway ko. He just laughed. Bumangon siya at pinatay yung ilaw. Tumabi ulit siya sa akin at ginawa na namang unan yung braso niya humikab ako.
"Good night, my love. Happy birthday. " sabi niya at hinalikan ako sa labi bago sa noo.
"Good night." sabi ko at niyakap siya.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now