(4) #PLSBahayNiNika

1K 64 2
                                    

"Nay, si Stevie nga pala." pagpapakilala ko kay Stevie sa Nanay ko. Sumama nga pala sa akin si Stevie dahil sa nangyari. Gusto niya kasing siguraduhing safe ako at wala nang holdaper/rapist na lumapit pa sa akin.


"Siya ba yung lalaking lagi mong kinukuwento sa akin?" tanong sa'kin ni Nanay.


Patay! Buking na ako ni Stevie.


"Talaga po? Lagi po siyang nagkukuwento tungkol sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Stevie kay Nanay.


Nay, makisama po kayo sa akin.


"Oo iho. Lagi ka niyang kinukuwento sa akin..." - Nanay


"Ahm Nay, uuwi na po si Mr. Williams." pagpipigil ko kay Nanay sa pagkukuwento.


"Ano ka ba Anak. Papauwiin mo agad ang Prince Charming mo? Anong klaseng Prinsesa ka?" galit na sabi sa'kin ni Nanay.


Ano ba 'tong pinagsasabi ni Nanay? Prince Charming at Prinsesa? Ano 'to? Fairytale? Cinderella lang ang peg? Pero waaaaaaaaaa! Nakakahiya! Narinig pa talaga iyon ni Stevie.


*booooooooooommmm!*


(A/N: Sound effect po yan ng kidlat. Bomba lang ang peg. Hahaha!)


Nagulat kaming tatlo dahil sa pagkidlat. Narinig ko rin ang buhos ng ulan.


"Diyan lang kayong dalawa. Titignan ko muna kung ano ang nangyayari sa labas." sabi sa'min ni Nanay at iniwan niya kami ni Stevie sa sala.


"Pwede ka nang umuwi." sabi ko kay Stevie.


"Pinagtatabuyan mo ba ako?" tugon niya habang nakasimangot.


"Hindi naman sa gano'n. Baka maabutan ka kasi ng baha." pagtatama ko sa sinabi ni Stevie.


Bigla namang dumating si Nanay.


"Naku iho! Hindi ka makakauwi ngayon dahil sa lakas ng ulan. Malakas din ang hangin sa labas. Delikado para sa'yo ang umuwi. Dito ka na lang muna pansamantala." sabi ni Nanay kay Stevie. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.


"Gano'n po ba? Sige po." sabi ni Stevie kay Nanay. Waaaaa! Pesteng ulan yan. Bakit ka pa kasi nagparamdam? Ang wrong timing mo naman.


So no choice. Kailangan niyang mag-stay dito for the whole night.


"O ito iho, magpalit ka muna." sabi ni Nanay sabay bigay ng sando at short kay Stevie. "Sige, magluluto muna ako ng hapunan." dagdag pa ni Nanay at pumunta na siya sa kusina para magluto.


"Meron ba kayong kwarto na pwedeng pagbihisan? Magpapalit lang ako ng suot." tanong sa'kin ni Stevie.


"Wala kaming kwarto dito. Sa CR ka na lang magbihis." sagot ko sa kanya.


Professor's Love StoryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora