(3) #PLSTampo

1K 64 0
                                    

Kainisssssss to the highest level! Araw-araw akong inaasar ni Mr. Abnormal. Kailan ba siya titigil?


Super stress na talaga ako.


"Gwapo naman si Mr. Williams ah. Ang swerte mo nga eh dahil lagi ka niyang pinapansin. Sa dami ng nagkakandarapa sa kanya including me ay ikaw pa ang pinili niya." sabi sa'kin ni Ms. Cruz. Tapos dumagdag pa 'to.


"Ha? Ako? Pinili niya? Niloloko mo ba ako Ms. Cruz?" tanong ko sa kanya.


"Hindi kita niloloko Ms. Anderson. Ikaw ang pinili niya dahil ikaw ang lagi niyang pinapansin. And I think he's in love with you." - Ms. Cruz


he's in love with you.


he's in love with you.


he's in love with you.


he's in love with you.


he's in love with you.


Bakit parang totoo ang sinabi ni Ms. Cruz na in love sa akin ang abnormal na iyon?


Waaaa! Ano ba Nika. Inaasar ka lang ni Ms. Cruz, okay?


"Sus, imposible iyon." sabi ko kay Ms. Cruz.


"Paano kung posible iyon?" tanong sa'kin ni Ms. Cruz.


Oo nga, paano kung posible iyon?


Waaaaaa! Ano ba Nika. Anong nangyayari sa'yo? Tandaan mong imposibleng ma-in love sa'yo yang abnormal na yan. At hindi ka rin mai-in love sa kanya.


"O, nandyan na pala si Mr. Williams." sabi ni Ms. Cruz sabay turo kay Mr. Abnormal.


Nakita ko namang palapit na siya sa amin. Ang lapad ng ngiti niya.


"Good morning ladies." nakangiting bati sa amin ni Mr. Abnormal.


"Good morning din Mr. Williams." bati ni Ms. Cruz kay Mr. Abnormal with matching pa-cute pa. Ano ba yan! Bakit maraming nagpapaganda at nagpapa-cute sa abnormal na 'to?


"Hi Ms. Anderson." bati sa'kin ni Mr. Abnormal.


"Uyyyy! Nakakadalawa ka na Ms. Anderson. Ayyiiee!" pang-aasar sa'kin ni Ms. Cruz. As always.


"You look gorgeous today Ms. Anderson." pambobola sa'kin ni Mr. Abnormal.


"Yieeeee! Nakakatatlo na siya." sabi sa'kin ni Ms. Cruz.


"Pwebe ba tigilan mo na ako bwiset ka! Sana mawala ka na sa buhay ko!" sigaw ko bigla kay Mr. Abnormal.

Professor's Love StoryWhere stories live. Discover now