(6) #PLSAnnAndZeus

1K 63 4
                                    

Simula nang maging pormal kaming magkaibigan ni Stevie ay mas lalo ko pa siyang nakilala. May pagka-isip-bata rin siya eh. Minsan kasi ay nahuhuli ko siyang nanonood ng cartoons sa phone niya. Akala ko nga ay porn ang pinapanood niya.


Tapos ay napaka-gentleman din niya dahil lagi niya akong hinahatid papunta at pauwi sa DGUP.


Habang mas lalo ko pa siyang nakikilala ay hindi ko naman mapigilang ma-fall sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa kanya? Maliban sa pogi siya ay napakabait din niya at maginoo. Siya yung tipong gagawin ka talaga niyang isang prinsesa.


Pero ang nakakalungkot lang ay wala siyang nararamdaman sa akin. Hanggang ngayon ay friends pa rin kami ni Stevie. Siguro kung magka-girlfriend na siya ay makakalimutan na niya ako. Feeling ko ay iiyak na ako nang wala sa oras.


Ano ba 'tong iniisip ko. Masyado na akong advance. Iniisip ko agad ang babaeng mamahalin ni Stevie in the future. Wala pa nga siyang nililigawan eh. Pero wala nga ba?


Kailangan ko nang maghanda para sa trabaho.


Pagkatapos kong maghanda ay nagpaalam na ako kay Nanay.


"Sige, mag-iingat ka anak. Pero wala pa diyan ang future son-in-law ko para sunduin ka. Nakapagtataka nga eh." sabi sa akin ni Nanay.


Grabe rin 'tong si Nanay eh. May pa-future son-in-law pa siyang nalalaman. Pero wala pa si Stevie? Araw-araw niya akong sinusundo papuntang DGUP at wala siyang ni isang araw na hindi niya ako sinusundo. Siguro ay paparating na iyon. Mukhang na-delay yata ang dating niya.


Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin siya. Malapit nang magsimula ang first subject na tuturuan ko kaya mag-isa na lang akong pumunta sa DGUP.


Pagkarating ko sa DGUP ay hindi ko pa rin siya makita. Nasaan na kaya siya?


"Good morning class." bati ko sa mga estudyante.


"Good morning Ms. Anderson." tugon nila sa akin.


"Good morning din class."


Napatingin naman kami sa nagsalita.


Si Stevie.


Pero hindi siya nag-iisa.


May kasama siyang isang napakagandang babae. So kaya pala niya ako hindi sinundo dahil may kasama siyang iba.


"Good morning Mr. Williams." bati sa kanya ng mga estudyante.


Napatingin naman ako sa babaeng kasama niya. Ang ganda naman niya. Sino kaya siya?


"Sir, sino po siya?" tanong ng estudyante sa kanya.

Professor's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon