Sa mundong ibabaw ay may mga bagay na hindi maipaliwanag
may mga bagay na hindi nakikita ng mata
at may mga bagay tayung pilit hindi pinapansin pero nakakapagpakilabot sa atin.
minsan ang totoo ay nagiging imahinasyon
ang imahinasyon ay nagiging tot...
nakita ko nman si Karla na nakaupo sa tapat ng salamin at nagsusuklay
"goodnight Karla" lumingon naman siya sa akin at ngumiti
"goodnight grace"
nagising ako sa kalagitnaan ng gabi
pagmulat ng aking mata ay nakatayo na ako sa gitna ng pasilyo
nagtaka ako
napatingin ako sa aking kamay
may hawak din akong lampara
napakadilim
may narinig akong kumalabog
lumingon ako sa aking likod at dahan dahang inangat ang ilaw na siyang tanging meron ako
walang tao
maya maya pay may bumulong sa tenga ko
"grace"
napalingon ulit ako sa likod ko
wala pa ding tao
dahan dahan akong naglakad
may naaninag akong pulang pinto
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ngunit kahit anung gawin ko ay di ako makalapit doon
parang lumalayo pa ito
sinubukan kong tumakbo
pero lumalayo lang talaga ito
hinihingal na ako
"grace" may tumawag ulit ng pangalan ko ngunit kahit anung ikot ko ay di ko makita ito
paulit ulit niya akog tinatawag
napahawak na ako sa aking tenga
"tama na please" pag mamakaawa ko
tumigil ito
napamulat ako ng aking mata
matinding takot ang naramdaman ko ng makita kung ano ang nasa aking harapan
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
mga kamay
naglalabasan sa mga pinto
unti unti akong paatras
"grace" tumigil ako sa pag atras
paglingon ko ay isang matandang babae ang nakatayo sa aking harapan
napaka amo ng kanyang muka
ngumiti siya sa akin
palawak ng palawak ang kanyang ngiti hanggang sa mapunit na ang kanyang bunganga
ang maamo niyang mga mata ay naging pula
umaagos ang dugo dito
tumakbo sya papalapit sa akin
sinakal niya ako
nahirapan na akong huminga
sinusubukan kong sumigaw ngunit walang lumalabas na tinig sa aking bunganga
hanggang sa bigla akong napabalikwas
hingal na hingal ako
pawis na pawis
panaginip lang pla
nahiga ako ulit
sinubukan ko ulit matulog
pag pikit ay naramdaman ko ang pagbukas at sara ng cr
naglakad ito papalapit sa kama ko
pinakiramdaman ko ito
hanggang sa mahinang umalog ang hinihigaan ko
umaakyat ito sa taas ng kama ko
baka si Karla nag cr sa isip ko
tumagilid ako ng higa
hindi pa din ako makatulog
malikot din kasi si Karla sa taas
pinagpapawisan na din ako kaya napagdesisyonan kong buksan saglit yung bintana
pero naudlot ang sana gagawin ko ng makita kong nakahiga si Karla sa sakabilang kama
nakatalikod ito sa akin
patuloy pa din sa pag galaw ang kung sinong nasa taas ng kama ko
tumayo ako
dahan dahan kong sinilip ang taas ng kama
ngunit laking hilakbot ko ng wala akong makitang tao doon
tumakbo ako sa higaan ni Karla
at tumabi saknya
nag kumot ako
mahimbing pa din ang tulog niya
nag dasal ako ng ilang ulit hanggang sa makatulog na nga ako
kinaumagahan ay bumangad sa akin ang liwanag na nagmumula sa bintana
wala na din si Karla sa tabi ko
bumangon na ako at dumretsyo sa cr upang mag hilamos at mag toothbrush
pag labas ko ng pinto ng cr ay siya ding pag bukas ng pinto ng kwarto
si Karla
halatang kagigising din nito
"passensiya kana Grace ah hindi na ako nakapag paalam kagabi, malalim na kasi ang tulog mo"bagamat nagtataka ay napalingon ako sa knya "nakitulog pala ako ke Trisia jan sa kabilang kwarto" dagdag pa nito