Kulam 1

88 7 1
                                    

May isang babaeng nakaupo sa isang bench ng paaralan

Mag isa itong tahimik na kumakain

Pasado alas dose na iyon ng tanghali

Siya si Melissa

Grade 10 student

May suot siyang makakapal na salamin

Lagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase

Isusubo na sana niya ang pang huling kutsara ng kanyang pagkain ng makaramdam ng isang malamig at malagkit na tubig

Binuhasan pala siya ng isang baldeng tubig na galing sa fishpond ng mga kaklase

Pinagtawanan pa siya ng mga ito

Ng hindi pa nakuntento ay pinagbabato pa si Melissa ng itlog at lupa na siyang kumalat sa puti niyang yuniporme

Hindi umimik si melissa

Ni hindi man lang siya umiyak

Tahimik lang siyang tumayo

Pinunasan niya ang kanyang salamin

Inayos ang kanyang lunch box at pinagpag ang kanyang damit

Sanay na siya sa araw araw na pang bubully saknya

Dirediretsyo lang siyang pumunta sa cr upang magpalit

Habang nag lalakad ay pinagbubulungan siya at saka pinagtatawanan

Ngunit kapapasok niya palang ng cubicle ay binuhusan na naman siya ng tubig

Mapanghi

Galing sa inudoro

Nakarinig siya ng mga hagikgik sa kabilang cubicle saka mga yabag na animoy nag tatatakbo na papalabas

Ng maramdaman niyang nag iisa nalang siya ay dahan dahan siyang umupo sa sahig

tahimik siyang umiyak

niyakap niya ang kanyang mga tuhod

At Ng mahimas masan na ay saka siya nag hugas at nagpalit

Hindi na siya pumasok sa kanyang pang huling subjects at naisipang umuwi nalang





Pag kauwe niya sakanyang bahay

Ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina

Ngunit napaatras ito sa amoy ng kanyang katawan

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan nito

Alam kasi ng nanay nya ang pambubully sakanyang anak

Minsan na din niya itong nireklamo ngunit paulit ulit pa ding nangyayari

Hindi din nila siya mailipat ng paaralan dahil nasa liblib silang baryo malayo sa kabihasnan at iisa lang ang tanging iskuwelahan

"Pumasok kana sa kwarto mo at maligo anak" agad namang tumalima si Melissa at umakyat upang maligo





Maagang pumasok si Melissa ng araw na iyon

At tulad ng dati

Isang malulutong na panlalait at tawanan na naman ang kanyang natanggap

Wala siyang kaibigan

Walang nagtatangol sa knya

Uupo na sana siya ng mapansin ang mesa sa kanyang upuan na punong puno ng sulat at dumi

Weirdo

Pangit

Anak ng impakto

Mukang tikbalang

Compilation Of Horror StoriesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ