Chapter 17

9 1 0
                                    


Xiana's POV

Kiss

Nagising ako dahil sa silaw ng araw na nanggagaling sa bintana
ko, iminulat ko ang mata ko
saka nagbanat ng buto agad akong umupo at ngumiti.

Naalala ko tuloy yung pagyaya sakin ni Zach.

'May pupuntahan tayo bukas.'

'May pupuntahan tayo bukas.'

'May pupuntahan tayo bukas.'

Kinilig ako sa naalala ko tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, pumunta ako sa
side table ng kama ko at kinuha ang Cellphone kong naka charge at tinignan kung anong oras na
6:00 AM na pala lalabas sana ako
nang makita ko sa harap ng pinto ko ang mga pinamili namin sa mall kahapon.

"Dinala na pala ni Cyde." Sabi ko pa at ipinasok ang mga ito sa dressing room ko.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa harap ng pinto ni Zach bahagya kong binuksan ang pinto niya at sinilip kung tulog pa ba siya, nakita ko siyang natutulog at ang gwapo niya parin.

Pumunta ako ng kusina at nakita ko si Manang Ally siya ang cook namin, hinahanda palang niya ang mga ingredients para sa mga lulutuin niya, agad akong lumapit sa kanya.

"Manang ako na po ang magluluto." Nakangiting sabi ko at nagulat naman siya sakin kaya bahagya akong natawa.

"Nako Ma'am ako na po, mapagalitan pa ako ni Madam Flores." Nahihiyang tugon ni Manang.

"Sus Manang! Hindi yan, akong bahala, magpahinga nalang po kayo at mukhang pagod na pagod pa naman kayo Manang." Pag-pilit ko kay Manang at agad naman siyang ngumiti sakin.

"Naku! Maraming salamat Ma'am." Masayang sabi niya.

"Walang anuman Manang!" Nakangiting sabi ko at agad nang umalis si Manang para magpahinga.

Sinumulan ko nang mag luto ang inuna ko ay ang Adobo na paborito ko, I love Adobo!
Kaya nga ako nagpaturo kay Mama kung paano magluto nito
Si Mama kasi ang sikat sa probinsya namin pag-dating sa pagluluto kaya namana ko ang galing niya, nalungkot naman ako bigla dahil namimiss ko na si
Mama, pero dapat akong maging masaya dahil isa sa mga itinuro
sakin ni Mama ay 'kapag nagluluto dapat masaya ka dahil papangit ang lasa ng niluluto mo kapag hindi ka masaya'.

Natapos ko nang lutuin ang Adobo at agad ko itong tinikman.

"Mmm ang sarap!" Sabi ko at inilagay ko na ang Adobo sa lalagyanan dahil ihahain ko na ito maya maya sa lamesa pag gising na ang lahat.

Sunod kong niluto ay ang Chicken curry, nung bata pa ako una kong natikman ito noong kaarawan ko nilutuan ako ni Mama ng Chicken curry
nung una ayaw ko pang kainin
dahil nagtataka ako kung bakit kulay dilaw ang sabaw nito, pero
nung matikman ko ang Chicken curry na gawa ni Mama ay nasarapan ako sa lasa, kaya nagpaturo ako kung paano rin ito lutuin, noong mga panahon na yun kasama pa namin si papa
nakakalungkot lang na sa edad kong onse ay nangulila ako sa Ama, mula noon ay kaming dalawa nalang ni Mama ang magkakasama sa mga dumaang
kaarawan ko, pero ngayon iniwan na ako ni Mama at kahit may Granny ako hindi ko parin nararamdaman yung saya na naidudulot sakin ni Mama dahil
napaka busy rin ni Granny sa kompanya nila.

Tapos ko nang lutuin ang Chicken curry at agad kong niluto ang pancakes at sunny side up, tapos ko nang lutuin ang lahat kaya tinawag ko na si Manang Ally para ihain na ang
mga niluto ko.

Pumunta ako sa kwarto ni Zach at kumatok, walang sumagot kaya pumasok nalang ako, pagpasok ko ay walang tao at rinig na rinig ko ang mga patak ng tubig mula sa CR ni Zach,kaya
napagtantu kong nandun siya sa loob, hinintay ko siyang matapos
sa pagligo.

♡FOUNDED LOVE♡Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz