Chapter 3

5 1 0
                                    

Xiana's POV

Samithy

Nagising nalang ako ng may bumato ng unan sa muka ko.
Aray masakit ahh.

"Ahh sino yan!?" Sigaw ko pa habang nakapikit at tinabunan ng kumot ang mukha ko.

"Tsk, tumayo ka na dyan at sabay sabay na daw tayong
Mag-bebreakfast." Isang pamilyar na boses.
Sumilip ako sa gilid ng kumot at
nakita ko si Zach, sabi na nga ba
siya yan ang cold niya gravey!
Nilalamig tuloy ako.

"Ahh oo sige mauna ka na bababa nalang ako." Nakatakip
parin sa kumot na sabi ko.
Sumilip naman ako sa kanya,
Blangko ang mukha niya.
Pero bakit siya ang sumundo
sakin dito, may gusto siguro siya
sakin tutal Maganda naman talaga ako at napakaganda ng boses ko hahahahaahah!

"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano, dahil inutusan lang
ako ni lola, bilisan mo na dyan
at hinihintay ka na nila sa baba
Tsk." Oh my goodness paano niya nalaman na may iniisip ako,
Oh my gosh this is so the eksayating.

"Pero---" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil tinalikuran niya na ako " Che! Walang
modo kinakausap pa nga eh."
Mahinang bulong ko pa.

Nagmadali akong pumasok sa CR
Saka naligo at nagtoothbrush,
bumaba na ako at naabutan ko
silang nakaupo sa malaking lamesa, nasa may dulo si Granny
nasa kabilang side si Zach kaharap niya naman si Cyde.
Saan kaya ako uupo, pumunta sa gilid ni Zach at umupo pero
take note ha! May isang space na
upuan sa pagitan namin.

"Oh hija! You're here!
Kumain ka na hija, tutal bakasyon naman ngayon
Let's have a vacation.Wala naman nang problems sa Company,
Diba Zach?" Masayang sabi pa ni Granny.

"Yes lola." Seryosong sagot ni Zach.

"Then let's have a vacation!
Do you like my Idea Xiana hija?" Tanong ni Granny sakin.

" Ahh kung papayag po si Zach at si Cyde lola, papayag narin
po ako." Ani ko.

"Sasama ka Zach?" Masayang tanong ko sa kanya habang ipinatong ang kamay ko sa space na upuan.

"Malamang, I have no choice."
Sagot niya ng Hindi nakatingin sakin. Humarap naman ako sa ibang direksiyon at saka nag make-face, tsk kahit kailan
talaga ang sowngit.

"Eh ikaw Cyde? Sasama ka?"

"Mmm, since boring naman dito sa Mansion, I'll go." Nakangiting Ani niya pa.

"Sige Granny sasama narin ako!" Pagpayag ko.

"Ok! It's settled then, Zach ikaw ang maghanap ng vacation place natin, Cyde ikaw naman ang mag check kung safe ang lugar na napili ni Zach
Is that ok with the both of you?" Tanong ni Granny sa kanila.

"Yes lola." Sabay nilang sabi.

I am so the eksayated! Ano kayang pwedeng magawa sa isang bakasyon?
Malamang mag eenjoy.

Natapos na kaming kumain,
Pagkatapos nun ay umakyat ako sa kwarto ko at nagsipilyo.
Bumaba na ako sa kwarto ko at
Pumunta sa room ni Cyde.
Kumatok ako at walang sumagot
Kumatok ulit ako pero wala paring sumasagot, pumasok ako at nakita ko si Cyde na nakahiga
sa bed niya na may 'HEADSET!'
kaya pala di niya ako narinig.
Nakita niya ako at bigla naman niyang natanggal ang headset sa tenga niya.

"Hi Cyde." Bati ko sa kanya.

"Hi, bakit ka nandito?"

"Ahh kasi may gusto akong malaman Cyde."

♡FOUNDED LOVE♡Where stories live. Discover now