"Leia-"

Biglang dumapa naman ang dalaga. And from where Levi stood ay nasulyapan niya ang dibdib nito. Halos mapasapo siya sa mukha.

Hindi na sila mga bata but Leiana remained careless around him.

"Leiana-"

"Ano kaya'ng isusuot ko?" umupo na ito kaya parang nakahinga na ulit si Levi.

"I'm sure alam ni Tita Leilani," he sighed.

"I'm excited!"

Tumango lang si Levi.

"Ang dami ko nang na-s-share sa 'yo about sa crush ko! Ikaw? Sino ba crush mo? Sa school, classmate ba natin? Si Marie?" nagsimula siyang kulitin ni Leia.

Levi just shook his head. Bumalik na siya sa ginagawa kaninang homework.

"Bakit? Maganda naman si Marie. At crush na crush ka no'n!"

Natigilan si Levi at halos mabitawan ang hawak na ballpoint pen. Nasa balikat na kasi niya ang baba ni Leia at magkatabi na ang mga mukha nila. Dinungaw ng dalaga ang ginagawa niya. He can smell her sweetness.

"Next week pa 'yan? Ba't ginagawa mo na? Puwede namang sa weekends na gawin. Sa weekend ko pa rin gagawin 'yung akin."

They were classmates kaya alam din ni Leia ang ginagawa niya.

"Wala naman akong ginagawa kaya," he shrugged.

"Hmp! Ang sipag sipag mo talaga mag-aral." tumayo ito ng tuwid.

Nagbuntong-hininga si Levi.

"Mag-girlfriend ka na kaya para hindi lang school inaatupag mo?"

Tinigil ni Levi ang ginagawa at bumaling sa dalaga. She gave him a smile.

He sighed. "Mga bata pa tayo, Leia-"

"Hindi na kaya! Malapit na nga tayong mag-eighteen!"

Umiling lang si Levi.

The party came. Imbitado ng mga Samaniego ang mga Zobel maging ang mga Gozon. Halos magkasunod lang na dumating ang dalawang pamilya sa venue.

Leiana was stunning in her gown. She was beside her parents and sister habang nagbabatian ang mga nakatatanda.

"You have beautiful children." puri ni Gina Samaniego.

Leilani Zobel smiled a bit. "This is my daughter, Leiana."

Leia politely greeted Harry's Mom. Sinulyapan niya ang nakababatang kapatid na tahimik lang sa tabi nila. She smiled at Melody nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya. Ngumiti na rin ito sa kaniya.

The party continued. Mukhang nagkakasundo ang Daddy niya at si Harold Samaniego na nag-uusap. Leia turned to her Mom at nakitang ganoon rin ito sa Mom ni Harry.

"Daphne," tinawag niya ang nakababatang kapatid ni Levi nang makita ito. "Nasaan ang kuya mo?"

"Kasama lang si kuya nila Mommy at Daddy, ate."

Tumango siya at tinawag rin ang kapatid. "Gusto mong sumama muna kay Daphne?" tanong niya sa tahimik na si Melody.

Ngayon pa lang ito nakasama ng pamilya niya at hindi pa talaga napapakilala sa lahat. Isa lang ang kilalang anak at tagapagmana ni Gaudencio Zobel at siya iyon. But Melody is her sister. Hindi lang sila pareho ng ina.

Levi's sister smiled at her sister. Unti-unting tumango si Melody at natuwa si Leia. Gusto rin niyang magkaroon pa ng mga kaibigan ang kapatid niya. Hindi rin halos pinapalabas ng bahay si Melody. Kung hindi niya pinilit na isama ang kapatid ay maiiwan na naman ito sa bahay. Inisip niya lang na unfair iyon. Kahit pa nagalit ang Mommy niya ay deserved ni Melody ang makalabas at maipakilala rin.

Nang maiwan siyang mag-isa ay agad rin niyang nahanap si Harry at nilapitan ito. Ngumiti siya sa binata at sa mga kasama nito. Maagap din binalik ng mga ito ang ngiti niya.

Umalis sila doon at sumunod siya kay Harry.

"Thank you for inviting me and my family." she smiled at him.

"You're welcome." Harry simply said. Ni hindi ito ngumiti sa kaniya.

Pero pinanatili lang ni Leia ang magandang ngiti sa mga labi niya.

Naalala niya noong una silang nagtagpo ng binata. Nagkasalubong lang sila nito sa school at natigilan ito at hindi halos naalis agad ang tingin sa kaniya. Simula nang dumating palang ito sa school nila ay naging crush na niya ang binata.

Gwapo ito at kasali sa varsity. Hindi ganoon ka-friendly pero wala pa rin naman siyang naririnig na may masama sa ugali nito.

At isang beses nga ay nakatanggap siya ng chat mula rito na iniimbita nga siya sa birthday nito. She was the one who added him at kinumpirma rin naman nito ang friend request niya.

"Thank you," Harry said politely nang matanggap ang regalo niya rito.

Nagtagal ang tingin nito sa mukha niya.

Doon iyon nagsimula. Since that night of Harry's birthday, palagi na silang nagkakausap ni Leia sa chat. He got her number at minsan na silang nagtatawagan.

At masaya si Leia na nakaka-usap na niya ang crush niya.

"Lunch-"

"Sorry, pero magsasabay ulit kami ni Harry mag-lunch," nakagat ni Leia ang ibabang labi nang magpaalam muli sa kaibigan.

"Oh, okay," Levi nodded.

Sanay itong palagi silang nagsasabay sa school. But things change...

Revenge of a Broken HeartWhere stories live. Discover now