Kabanata 14

46K 2.1K 91
                                    

COURT

Hindi ako makatulog.

Hindi ko alam pero masyado akong natulala sa inamin ni Brent sa akin kanina. Hindi nga ako masyado nakapagsalita dahil sa gulat. Niyakap ko nang mahigpit ang unan sa higaan at pumikit. Hindi na mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina.

Gumulong-gulong ako sa kama at walang tunog na tumili. Umupo ako sa kama nang may na-realize. Ilang buwan na ang nakalipas at hindi ko na masyado iniisip si Gregory. Ano ang ibig sabihin no'n?

Pinakiramdaman ko ang pagtibok ng puso ko at kinagat ang labi ko nang naramdaman ko ang pagbilis ng tibok nito. How? I mean...noon pa ba ay may naramdaman na siya sa akin? He said five years ago. College ako no'n. First year college. So, bago ko pa naging boyfriend si Gregory ay may gusto na siya sa akin?

Nanlumo ako at mas lalong naguluhan. Kung gano'n, ano naman ang nagustuhan niya sa akin? Iyon ang nasa isip ko bago ako nakatulog.

***

Maaga akong nagising kinaumagahan. Gusto ko pang matulog ngunit hindi na ako makatulog. Mabuti na rin at maaga akong nagising dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin o haharapin si Brent ngayon.

"Manang, can I help you po?" medyo inaantok ko na tanong kay Manang nang nakita ko siyang naghihiwa ng repolyo.

Marunong naman akong magluto kasi minsan ko na rin tinulungan ang mga kasambahay namin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Ang aga mo naman nagising. Naunahan mo pa si Brent."

Inilagay ko ang kamay ko sa lamesa at pinagmasdan ang kanyang ginagawa.

"Opo, eh. I can't sleep kasi," pag-amin ko at napahilot sa sentido.

Tumango lang siya at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Sumang-ayon din siya na tulungan ko siya. Tahimik akong sumunod sa gusto niyang ipagawa at hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil nag-e-enjoy ako na tulungan siya.

"Good morning!"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang inaantok na boses ni Brent. Napalunok ako at pinigilan ang sarili na tumingin sa kanya. Tinulungan ko si Manang na hainin ang niluto niyang pinakbet. Pero sa gilid ng mata ko ay kitang-kita ko ang paninitig ni Brent sa akin. Napalunok tuloy ako at pilit siyang hindi pansinin.

"Hijo, maupo ka!" pang-aaya ni Manang. "Mabuti at gising ka na. Himala dahil naunahan ka ni Khadijah magising..."

"Yeah, nagulat ako..."He chuckled.

Lumapit si Manang sa akin at tinapik ako. "Hija, halika na. Ako na ang bahala riyan. Maupo ka na at kakain na kayo."

Nanlaki ang mata ko at agad siyang binalingan.

"P-Po?" Napakurap-kurap ako.

Lumipat ang mata ko kay Brent na ngayon ay nakataas na ang kilay sa akin. Napabuntonghininga ako at iniwan na ang ginagawa. Unti-unti akong lumapit sa may lamesa at naghila ng upuan. Hindi ko tiningnan si Brent at dumiretso lang ako sa pag-upo.

Kinabahan ako lalo nang kami na lang dalawa ni Brent sa kusina. Napapikit ako nang narinig kong inuusog niya ang upuan niya palapit sa akin.

Ano ba ang dapat kong gawin?

"Are you trying to avoid me?" seryosong tanong niya at inilagay niya pa ang isa niyang kamay sa likuran ng upuan ko.

Hinuli niya rin ang aking tingin at kita ko ang pagsalubong ng kilay niya.

Napalunok ako.  "Huh? H-Hindi naman s-sa gano'n."

Hindi ko na lang pinansin ang presensya niya at nagsimula nang kumuha ng kanin at ulam. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaabot ko ang pinakbet. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ba naging ganito ako? Hindi dapat ganito ang kinikilos ko.

Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob ko. Hindi naman habambuhay ay ganito ang magiging trato ko sa kanya. Gusto kong linawin lahat. Baka naman nagbibiro lang siya kahapon o baka rehearsal niya iyon. May karapatan akong magtanong dahil baka mababaliw na ako kakaisip.

Humugot ako ng malalim na hininga at binalingan si Brent na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Ang kanyang mata ay tumalim habang salubong ang kanyang kilay.

"Brent..." Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at nagbaba ng tingin. "Yesterday, you told me that... you're in love with me."

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakataas na ang isang kilay niya.

 "You heard it..." Ngumuso siya pagkatapos.

Umawang ang labi ko. "I mean...how? Paano ka na-in love sa akin? Baka naman ay nagkakamali ka lang sa nararamdaman or yet-"

"I love you as a woman, Khadijah," sambit niya at madilim na ang kanyang tingin sa akin.

"How come?" Tumaas ang boses ko. "Hindi kasi ako naniniwala, eh. Wala tayong interaksyon! Hindi kita masyado ramdam noon. Maybe sinabi mo lang iyon to test me kung naka-move on na ba ako kay Gregory o hindi."

Nagulat ako nang tumayo siya. "You don't believe me?"

Kumalabog nang mabilis ang puso ko. "Paano kasi? Masaya ako na tinulungan mo ako, Brent. Pero..."

Naitikom ko ang bibig ko nang bigla siyang humilig palapit sa akin. Ang kanyang palad ay nasa lamesa at humigpit ang hawak niya sa likod ng upuan ko.

"Hindi ako basta-basta nagsasabi ng feelings ko sa isang tao. Sinabi ko ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kaya. I want you to feel me. I want you to recognize me as a man too. Hindi mo alam na gago ang lalaking mahal mo. Sinira niya ang pagkakaibigan namin dahil ikaw ang gusto ko. Hindi niya matanggap at gusto niya na lahat ng gusto ko ay mapunta sa kanya. Alam ng lalaking iyon kung gaano ako kabaliw sa iyo noon pa man and yet..." Pumikit siya at natigilan.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, nag-aabang sa kanyang iba pang sasabihin. Lumayo siya sa akin at nagmulat gamit ang kanyang malamig na tingin.

"You know how it hurts to see you happy with him when, in fact, that should be me in the first place."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Na noong sinabi ni Gregory sa akin na gusto niya ako ay hindi totoo iyon?

"Siguro ay nagustuhan ka niya, Khadijah. Maybe he learned to like and love you..." Tumingala siya. "Hindi naman kayo aabot ng dalawang taon kung hindi..."

Nagbaba ako ng tingin at nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. But why, bakit niya ako pinagtaksilan?

"But now that you're here by my side. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon, Khadijah."

Umawang ang labi ko nang naramdaman ko ang seryoso sa boses niya.

"I will court you..."

Namilog ang mata ko at napaangat ng tingin sa kanya.

"Huh?"

"I will court you at wala akong paki kung ayaw mo, Khadijah. I will make sure that you will fall in love with me." Ngumisi siya at tumalikod.

Naiwan akong tulala at gulat na gulat sa kanyang sinabi.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon