Nakatingin pa rin sa akin si Helios. At maging ang triplets ay sa amin na nakatingin.

"Maniwala ka, Helios! Alam mo namang mula pa noon mahal na mahal na kita. Handa kong iwan si Donovan para sa 'yo kung tatanggapin mo lang ako. Tinulungan ko lang naman si Ria dahil sa akala ko wala siyang balak na saktan ka, but I was wrong! She wants you dead! Nakipagsabwatan siya sa kapatid niya at nagpadala pa ng mga bampira rito para lang abangan ang pagdating niyo! At ngayon pati ako papatayin na rin nila!"

Biglang may pumalakpak. Nang lumingon kami ay si Cross pala.

"Maniniwala na sana kami kung hindi ka kapit na kapit diyan sa vampire na sinasabi mong gusto kang patayin."

Biglang napabitiw si Liana sa kinakapitang bampira. Sinampal niya ito. "Hayup ka! Papatayin mo ako at si Helios! Hindi ako papayag!" Pinagtatadyakan pa nito ang kawawang bampira.

Nawala sa kinatatayuan nito si Cross at nang lumitaw ito ay nasa gitna na ni Liana at ng bampirang bugbog-sarado.

Gulat na napaatras si Liana. "Ay bampira!"

"Yes, I am a vampire, Madame." Nakangiting hinawakan ni Cross ang kwelyo ng hood ng natitirang alagad ni Liana. "And I kill vampire, too." Pagkasabi'y biglang naging abo ang may ari ng kwelyong hawak-hawak nito.

Kulay papel na sa kaputlaan si Liana habang nakatingala kay Cross. "M-mabuti naman at pinatay mo na iyon... K-kasi papatayin ako nun e..."

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae," nagtatagis ang ngiping wika ni Cross saka pinitik sa noo si Liana.

"Ouch!" Namula agad ang noo nito.

Muling bumalik sa dating kinatatayuan si Cross sa loob ng zero second.

Sina Kaden at Lourd ay nasa akin na at kinakalagan ako.

"Are you okay?" kaswal na tanong sa akin ni Kaden. Si Lourd naman ay nakatingin lang sa akin.

Mangiyak-ngiyak akong tumango. "S-salamat..."


"It's Lucia who told me where you are," bulong sa akin ni Lourd.

"I heard that!" gigil na asik ni Liana. "I'm a vampire don't you remember?! I can hear everything!"

Umismid si Cross. "Maka everything naman 'to, feeling powerful."

"I heard that! Si Lucia ang nagsumbong sa inyo?! That brat!" Gigil pa rin si Liana sa nalaman. "Walanghiyang Lucia na 'yan! Inggrata kahit kailan!" Kusa rin itong natigilan nang marealized ang katangahan. "Oh, geez!"

"Why are you doing this, Lia?" pantay ang tonong tanong ni Helios.

"Helios, I can explain..." mangiyak-ngiyak ito. "Okay, fine!" Sa huli ay sumuko na lang dahil mukhang alam na ni Liana na hindi ito paniniwalaan. Itinuro ako nito. "I did this simply because I hate that woman!"

"Anong ginawa ko sa 'yo, gaga ka!" sa wakas ay nahagilap ko ang boses ko.

"Shut up! Kami ni Helios ang nag-uusap, wag kang sasabat!" bulyaw niya sa akin.

"Lia!" parang kulog ang boses ni Helios na nagpatahimik sandali kay Liana.

Nagpahid ng luha ang babae. "Bakit ba nagkakagulo kayo sa babaeng 'yan? Bakit ba hindi niyo pa siya tantanan?!"

"Because we need her, Liana!" Mula sa dilim ay lumitaw ang isang matangkad na lalaki. Nakaitim itong coat at itim ding pantalon. "What do you think you're doing?!"

Napatanga si Liana nang makilala ang dumating. Kahit ako ay natahimik nang masilayan ko ulit ang isa sa mga lalaking nagmalupit sa akin noon.

It's been hundred of years, my dear not so dear older brother.

His QueenWhere stories live. Discover now