Kabanata 13

47.7K 2.3K 304
                                    

FLOWER CROWN

Hinila ako ni Pempem patungo sa nagtitinda ng mga damit. Ang weird lang kasi may dala siyang basket.

"Mamaya na lang ako bibili ng mga gulay," aniya at hinila na ako papasok sa loob. "Sa ngayon, mag-e-enjoy muna tayo. Grabe, ang daming stocks ng ukay-ukay!"

Napangiti ako at nilingon si Brent na ngayon ay nakatingin na sa amin habang nakahalukipkip. Hindi siguro siya sanay sa ganitong lugar. Napalunok na lamang ako at saka kinagat ang ibabang labi. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at saka itinuon ang atensyon kay Pempem na masayang namimili ng damit.

Kahit naman namuhay ako sa magandang bahay, masarap na pagkain at may mga mamahaling damit, alam ko kung ano ang ukay-ukay. Palagi ko itong naririnig sa mga kaklase ko dati noong nasa kolehiyo pa ako.

"Tsk! Sureness ako na hindi ka pa naka-try magsuot ng ukay-ukay," sambit niya at binitiwan ako.

Nagpunta kami sa dulo at pinagmasdan ko lang siya habang masayang namimili. Ang sarap siguro mamuhay ng simple, ano? Nagagawa mo ang gusto mo at wala kang paki kahit ano pang sabihin ng ibang tao.

Mas lalo kong nakita kung gaano kaiba ang buhay namin. I want to live a simple life like them too...

Nang natapos na si Pempek sa kanyang pamimili ay hinila na niya ko sa batchoyan. Gusto kong tanungin si Brent kung gusto ba niya ang ganitong lugar.  I felt bad for him. Sana hindi na lang siya sumama dahil nakita ko talaga na hindi siya kumportable.

Hindi ko maiwasan ang mamula nang may maalala. Ipinilig ko ang ulo ko at pilit ko itong iniwala sa isip ko. Bakit niya ba ako tinawag na baby?

Pinagmasdan ko ang batchoyan. Malawak at maaliwalas. May TV at may nakita pa akong mga istudyante na nagtatawanan habang kumakain. They looked so happy and contented.

"Dito tayo, Brent, Louise!"

Natauhan ako at dali-daling lumapit kay Pempem na ngayon ay kausap na ang tindera. Nauna akong umupo sa upuan at naiilang na tiningnan si Brent na kalmado lang ding sumunod at umupo.

"Aling Nati! Tatlong batchoy nga, 'yong special!"

"Bagong salta ba 'yan, Pem? Ang ganda at gwapo, ah!"

"Oo, magkasintahan po!"

"Where do you want to go next? I'll tour you around." Nanindig ang balahibo ko nang naramdaman ko ang kanyang hininga sa kanang tainga ko.

Hindi ko namalayan na narito na pala siya sa gilid ko. Gulat akong napatingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha pero nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad nag-iwas ng tingin. What was that?

Napalunok ako. "K-Kung saan gusto ni P-Pempem."

"Uuwi na siya pagkatapos kumain." Inilagay niya ang kanyang siko sa lamesa. "I want to tour you around. Sabihin mo lang sa akin."

Biglang nag-init ang pisngi ko nang naalala ko na naman ang sinambit niya sa akin kanina. At saka bakit ba ang bait-bait niya ngayon? Hindi ko rin siya maintindihan minsan.

"W-Wala ka bang lakad?" nauutal kong tanong at tiningnan si Pempem na naghihintay sa batchoy na in-order niya.

"None, I am done with my work," simpleng sagot niya.

Bumuntonghininga ako at tumango. Pero sana sasama sa amin si Pempem para mapanatag ako.

"Sige..." Kinagat ko ang labi ko at hindi na ulit nagsalita.

Nang dumating na ang batchoy ay isa-isang inilapag ni Pempem ang masarap na pagkain sa lamesa. Bigla tuloy akong natakam kaya hinigop ko agad ang sabaw kahit mainit pa.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon