Christmas Special 2019

Start from the beginning
                                    

"Baby.." hahalikan ko ulit sana siya kaso bigla siyang lumayo at ngumisi sakin.

This lady, she love to hang me up on my temptation always.

"Nah ah. It's christmas eve Rein, birthday na ni Jesus bukas kaya bawal maging pilyo"tuwang tuwa niyang saad.

"Talaga ba? Pero ngayon ikaw ang nagpapaka pilya ha? Ang daya mo Ruan" I roll my eyes and sit on a chair.

"Hindi naman ah? I just whispered on your ear"

"Whatever lady"saad ko nalang.

Kukurot na sana ako sa roasted turkey na nasa mesa ng tapikin ni Ruan ang kamay ko.

"What? I'm craving!"taas kilay kong reklamo.

"Picture muna! Ise-send ko 'to kay mama! Sabi niya magpadala daw ako ng litrato natin kasama ng handa"

"Fine"

Kumuha naman siya ng cellphone at pinicturan ang mga pagkain. Pati ako pinicturan niya at ipapadala daw kay mommy Katherine at Jett

"Tayong dalawa dali!"

Lumapit sakin si Ruan at kumuha ng litrato. Ngunit hindi ako nakuntento sa pwesto namin kaya hinila ko siya at pinaupo sa kandungan ko.

"Chansing ka na naman eh"

"So what? Asawa mo naman ako"I grinned.

She just roll her eyes and take a picture of us. Naka ilang shots kami hanggang sa parehong nagring ang phone namin.

It's already 12:00 midnight!

We both look to each other, exchanging our sweet smiles.

"Merry christmas baby" we both said.

Pareho kaming natawa tapos ay nagtitigan. Damn, I can't look at her without kissing her, kaya heto ako at unti-unting lumalapit upang maabot ang labi niya.

"MERRY CHRISTMAS!!!" ngunit bago pa magdampi ang labi namin ay may pumasok sa kusina at malakas na sumigaw.

Pareho kaming nagulat, napatalon at napatayo pa si Ruan sa kandungan ko.

"Hoy! Christmas na christmas tukaan kayo ng tukaan ah!!"

"MINNNN!!"

Tumakbo si Ruan at niyakap ang kaibigan niya. Naroon rin sina Jett, Alex, Kyle at ang mommy ni Ruan na si Mommy Fran.

"Rein!!" Niyakap ako ng pinsan kong si Alex.

"Hey" at tinapik naman ako ni Jett.

"Hey, how's mom?"tanong ko.

"She's here actually, nagpark lang ng kotse"

"Rein! Namiss ko ang manugang ko" niyakap rin ako ni mommy Fran.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si mommy, may snow pa sa coat niya kaya natawa kami.

"Mom.." niyakap ko siya agad at naramdaman ko ang halik niya sa pisngi ko.

"Nice to see you Son.."

"What a surprise, y..you're all here" hindi parin makapaniwala si Ruan.

"Syempre naman anak, hindi kita nakasama noong nakaraang pasko dahil nandito kayo ni Rein. Miss na miss na namin kayo"

"Aww.. miss ko na din po kayo"

Nagyakapan kami pagkatapos ay nag iyakan pa sina Ruan. After the short greetings ay kumain kami ng sabay-sabay, they also brought foods kaya punong puno ang lamesa namin. This is an amazing christmas, of course because we are with them. Akala ko kasi kami na naman ni Ruan ang mag sosolo sa pag c-celebrate ng christmas. But they made a surprise, and I am very much happy.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now