1 - The Reason Why?

8.5K 102 16
                                    

Pervert Maid for Hire

Chapter One

Fredelyn

"Wala na tayong magagawa. Umalis na ako. Nag-resign na ako." Sabi ko sa kay Bea. Sinabi ko kasi sa kanya na nag-resign na ako sa Benitez Incorporation. Kung saan ako nagta-trabaho. Dati.
              

"Ano namang kasing kagagahan ang pumasok sa utak mo at umalis ka doon? Paano ka ngayon makakahanap ng matinong trabaho? Hindi mo ba inisip na mahirap na maghanap ng trabaho ngayon? At tsaka ilang taon ka na ba? 26? Diyos ko Lyn! Hindi mo ba inisip na ma--"

              
"BEA!" Interrupt ko sa kanya. Sobrang daldal. "Daig mo pa ang mama ko kung manermon ka diyan! Bakit hindi mo nalang ako tulungang mag-isip kung saan ako mag-aaply!" Ang daming sinasabi! Susme!

               
"Nanghihinayang kasi ako sa trabaho mo sis." Sabi niya at umupo sa tabi ko. "You know! Lalo na yung boss mo manliligaw mo!" Pasaring na naman ni Bea.

              
"Yun na nga yun eh. Pinag-iinitan ako ng mga ka-officemates ko dahil dun. Nanliligaw kasi sa akin si Sir. Karl eh." Sabi ko sa kanya habang padabog na humiga sa kama ko. Umupo naman doon si Bea.

              
"Lyn, paano kung hindi ka na makahanap ng bagong trabaho. Paano ka makakapagpadala ng pera sa mga magulang at kapatid mo?"

              
"Actually, hindi ko pa alam. May part ng isip ko na tama ang ginawa kong pagre-resign pero may part naman na sobrang mali ang ginawa kong pagre-resign. Urgh!" Sinabunutan ako ang sarili kong buhok.

              
"You know what, Lyn? Meron akong alam na pwede mong pasukan. Kaya lang hindi ko alam kung gusto mo."

             
"Sino ba naman ako para mamili ng trabaho? Basta hindi yan bugaw, GRO, drug pusher, drug dealer or kahit ano pang-illegal jobs!"

              
Binatukan ako ni Bea "Sira!Hindi naman ganun!"

              
"Eh ano ba 'yun?"

               
"Maid."

                
"Ah. . . ANO?"

              
"Maid nga."

***
   
                               

               
"ETO BA YUNG BAHAY?! GRABE ANG LAKI HAH?" Sigaw ko nang tumapat kami sa lama-mansion na bahay. Grabe ang laki sobra.

               
"Oo yan na nga yun. Pero, sigurado ka na ba?" Tanong ni Bea.

               
"Well, hindi pa naman. Mag-iinquire palang naman ako. Like kung magkano yung sweldo at kung. . . basta! Don't get me wrong Beatriz! Hindi ko paring gusto ang idea na pagiging maid! Haler ? May pinag-aralan akong tao!"

                
"Oo na po! Huwag mo naman ipangalandakan yung buong pangalan ko! Tara!" Nag-door bell na si Bea.

                
May lumabas na isang lalaking naka-puting polo. At may shades. Naks. Buma-body-guard! Kamuka niya yung Security Guard sa Company na pinapasukan ko.

                
"Applicants?" Sabi nung mukhang body-guard sa aming dalawa.

                 
Tumango ako.

               
"Okay then. My boss is not here. He's on out of town. Go back some other day." Sabi niya at tumalikod na pero lumingon ulit. "One more thing, we don't need Biodata or resumé. You're personal appearance will do." Sabi niya at tuluyan nang umalis.

               
Sigurado na ba ako dito?

               
Sa pagiging maid?

               
At tsaka, He's on out of town Ibig sabihin, LALAKI ANG MAGIGING BOSS KO?! WAAAH!

Pervert Maid for HireWhere stories live. Discover now