3 - Applicant

6.1K 78 12
                                    

Pervert Maid for Hire

Chapter 3

Fredelyn

"One hundred twenty two. . . One hundred and twenty three. . .Aish!" Napakamot nalang ako ng ulo ko sa haba ng nilalakad ko! Binibilang ko kasi bawat hakbang ko. Ang sakit na rin ng mga paa ko, for Pete's sake! Huhu. Sa tingin ko namumula na siya e.

"Bakit ba kasi ang layo ng bahay na yun?" Nung pumunta naman kami ni Bea dito parang ang lapit lang? Pinagtri-tripan ata ako ngayon e! Naeengkanto na ba ako?

Kita niyo? Sabi na nababaliw na ako e.

Tapos, nakakainis pa yung sobrang hangin na lalaking naen-counter ko! Parang nagbuhat ng sofa, sa sobrang yabang! Alam niyo bang hindi nag-sorry sa akin? Muntikan na nga akong masagasaan nun e!

Nakakainis talaga! Urgh!

Wala na nga akong trabaho, sobrang malas ko pa! Wala na ba akong mas imamalas pa-

"A-aray!" Reklamo ko ng matapilok ako. Kitams, kakasabi ko lang dumating agad! Grabe, sobrang alerto naman kung dumating yung kamalasan! Tss.

Ang sakit ng paa ko. Napatingin ako sa bahay na natapatan ko... Waaah!!!! Ito na yun! Ito na yun!!!!

Salamat naman sa Diyos at nakarating na ako dito! Bakit ba sobrang layo nito? Haay. Nag-doorbell na ako.

Maya-maya naman may nag-bukas ng sobrang laking gate. Mark my words guys. SOBRANG LAKI. Mansyon ata ito e.

At yung nagbukas ng gate- as expected -yung parang bodyguard na naman. Para siyang si James Bond kung makapag-shades! Ang taas ng araw kuya!

"Applicant?" Tanong ni kuya bodyguard. Na medyo inalis pa yung shades. Aba, tingnan mo nga naman, nagpa-cute pa si kuya! Hahaha. Lagot ka misis mo hige ka!

"Opo, kuya. Ako yung last week. Hehe." Sabi ko at alangang ngumiti.

"Ah, mukhang si Danny ang kausap mo last week. Sige pumasok ka muna." Sabi ni kuya bodyguard at pinatuloy na sa malaking bahay- I mean sa malaking mansyon. Oo mansyon. Mansyon na kasi ito sa sorang laki!

Sa paglalakad namin ni kuya body guard, hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng lugar! May fountain pa sa mismong gitna at naglalabas yun ng tubig! Ang ganda niya talaga!

Napatingin naman ako sa mga kotseng nakaparada. Pero isa lang naka-kuha ng attention ko. Para kasing nakita ko na yung kotseng yun e. Tapos parang katulad pa nung kotse nung mayabang na lalaki na muntik ng makasagasa sa'kin. Haay. Nababaliw na naman ako. Tss.

Pagpasok naman nami ni kuya bodyguard, mas lalo pa akong na-amaze! Para akong nakapasok sa bahay ni Queen Elizabeth at Princess Diana. Kung naka-palda nga lang ako napa-hawak ako sa palda ko at mag-ba-bow ako e. Haha! I swear ang ganda!

Parang pang-royal family ang interior design ng bahay.

Naisip ko, kapag naging maid ako, Itong buong bahay na ito ang lilinisin ko?

OMG! Kaya ko kaya? Sobrang laki nito!

"Maghintay ka muna dito. Pababa na si boss." Sabi ni kuya bodyguard at pinaupo ako sa isang sofa. Tumango nalang ako.

Pervert Maid for HireWhere stories live. Discover now