5 - First Day

5.2K 81 10
                                    

Pervert Maid for Hire

Chapter 5

Fredelyn

"Oh ikaw yung kahapon ah? Halika pasok ka" Sabi sa akin nung kuya baody guard. Habang nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay na 'yun. "Akala ko di ka na babalik. Parang yung mga naunang nag-apply." Medyo natatawa-tawa pa niyang sabi. Napakunot naman ang no ko sa sinabi niya.

Bakit naman? Ganun din ba yung mga nag-apply? Sinabi din na boyfriend nila si Yabang? Tapos nahiya? At di na bumalik? Napakibit balikat nalang ako sa kanya at ngumiti. Para kunyari na gets ko yung sinabi niya. Hihihi.

Habang papasok kami, hindi ko maiwasang di kabahan. Makikita ko naman kasi si Yabang at worst is.. kung matatanggap niya ako, magiging amo ko pa siya? Kamusta naman 'yun?

"Sige diretso ka na dun sa study alam mo naman yun diba?" Sabi ni kuya body guard na kung di ako nagkakamali ay Danny ang pangalan. "May inutos pa kasi si Young Master sa'kin e." Tumango nalang ako dahil alam ko naman talaga yun. Naglakad na ako sa mahabang pasilyo at tinungo yung study. At anong sabi niya? Young Master? Grabe naman si Yabang. Tss.

"And one more thing!" Napalingon naman ako kay kuya bodyguard na si Danny. "Huwag mong kalimutang kumatok." Ngumiti siya at umalis na.

Dahan dahan namang akong lumapit dun sa malaking pinto ng study. Hindi ko maiwasang di lumunok ng sarili kong laway sa kaba.

Kaya mo 'yan Fredelyn!

Kumatok ako. Mga tatlong beses. At naghintay ng saglit. "Come in." Narinig kong may nagsalita sa loob. Medyo inalala ko yung boses ni Yabang pero bakit parang iba ang boses niya ngayon?

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Kinakabahan parin ako HUHUHU. Katulad ng dati, nakatalikod na naman siya sa direksyon ko. Hilig niya gumanun. Kala niya siguro cool. Tss.

"G-good morning p-po" Labas sa ilong na sabi ko. Hayy kung ako lang kase di ko gagalangin ang lalaking ito. Pero dahil wala akong choice ayan. Napilatan ako. 

Unti-unti naman siyang lumingon sa direksion ko. At isang di pamilyar na mukha ang nakita ako. Ngumiti siya sa akin. "Good morning din hija." Masayang bati niya sa akin.

Alam kong may katandaan na siya pero di 'yun halata dahil may kagwapuhang taglay ito. Huwaw ansabe? Pero seryoso ang ganda parin ng hubog ng katawan niya at alam mong alagang-alaga. Siguro nasa 40's na siya.

"I heard you're applying as a maid here?" Nakangiti paring sabi niya at umupo dun sa swivel chair. 

"Ah, yes Sir." Alanganing sagot ko. Mukha kasi siyang kagalang galang. Sino naman kaya ito? Dalawa ba ang magiging boss ko?

"I see." Tumango naman siya. "By the way what's your name, hija?" 

"I'm Fredelyn Marcheon po."

"Do you have a boyfriend?"

Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya. Tama ba ang dinig ko? Boyfriend? Baka naman kase nanghihiram lang siya ng ballpen mali lang dinig ko. Pero hindi boyfriend ba sabi?

Pervert Maid for HireWhere stories live. Discover now