CHAPTER 5

80 7 0
                                    


...


Isang linggo na akong nag mumukmok sa bahay. Lagi kong bini-busy ang aking sarili, minsan nag do-drawing ako o kaya naman ay nag ba-bake ng cookies o kaya naman ay makikipag laro sa mga bata sa labas. 

Lahat ay ginagawa ko para hindi ma bored at para narin hindi na ako magkaroon pa ng dahilan para pumunta kina Anastasia kapag na bo-bored ako. 

Isang linggo ko narin siyang hindi nakikita at si Kuya Alexander, pati nga mga kaibigan namin ay hindi ako nagpapakita. Kapag nag-aaya sila ng gala o mag sleepover kina Anastasia ay tumatanggi ako, ang dami ko naring dinadahilan para lang hindi makasama.

Hindi naman sila ang iniiwasan ko at ayoko rin silang iwasan. Siya lang naman ang iniiwasan ko, si Kuya Alexander. Ayon kay Anastasia ay hindi na babalik ng Cebu si Kuya Alexander at pati pag celebrate nito ng birthday ay di narin doon gaganapin. 

Ilang text na ang natanggap ko kay Anastasia at sa mga kaibigan ko at panigurado ay nagtatampo na sa akin si Anastasia dahil pakiramdam daw niya ay iniiwasan ko siya when in fact ay iyong Kuya niya lang naman ang hindi ko gusto makita. 

Wala na akong mukhang maihaharap kay Kuya Alexander. Sobra akong nagsisi na hinayaan ko siyang halikan ako at gumanti pa talaga ako. Simula ng gabing iyon ay wala na kaming komunikasyon or should I say ay hindi ko siya kinakausap. 

Simula ng mangyari iyon ay lagi akong nakaka tanggap ng text galing sa kanya pero kahit isa roon ay hindi ko nirereplyan. Ini-invite pa nga niya ako na dumalo sa birthday party niya pero hindi ako nag response roon. 


'Can we talk? Please?'


Panigurado ay paguusapan namin ang tungkol sa huli naming tagpo.

Kaagad kong binitawan ang aking cellphone nang makatanggap na naman ako ng text galing sa kanya. Kahit papaano ay gusto ko muna siyang iwasan. Hindi rin naman tatagal ang pag-iwas ko sa kanya eh. Sadyang hindi ko lang alam kung paano ko siya haharapin. 

First kiss ko iyong kinuha niya! Hindi ko itatanggi na may galit rin akong nararamdaman sa kanya dahil sa ginawa niya. Ano bang pumasok sa kukute niya at humalik siya ng minor de edad? O baka naman dahil lasing siya kaya niya nagawa iyon, pero kahit na, hindi parin valid reason na lasing siya kaya hinalikan niya ako. 

Parang kapatid na niya ako eh. Kahit crush na crush ko siya ay hindi ko itotolerate ang ginawa niya. Palilipasin ko muna ng ilang araw at kakausapin ko narin siya pero sa ngayon ay ayaw ko muna siyang makita. 




"Nakaka tampo ka na ha! Iniiwasan mo ba talaga ako? Why are you not hanging out with us anymore? You've been like this for two weeks! Malapit na ang pasukan oh." Ang sigaw kaagad ni Anastasia ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang paanyaya niya na mag video call. 

Ilang segundo rin akong natahimik. Nauubusan na ako ng irarason sa kanya. "Sorry. Busy lang talaga rito sa bahay." Pag dadahilan ko, kahit ang totoo ay wala naman talaga akong ginagawa rito kundi ang mag mukmok. 

EPHEMERALWhere stories live. Discover now