CHAPTER 1

152 8 0
                                    



...


"Mama please wag ka nang umalis. Ma mimiss po kita." Naluluhang sabi ko habang nakayakap ako sa kanya. Nakaupo kami sa isa sa mga bench sa airport. Nagiiyakan kami ni Mama habang pinipilit siyang wag na umalis. 

Malungkot na nakamasid lang si papa sa aming dalawa. Isang tingin ko lang sa mga mata ni Papa ay alam ko na pati siya ay hindi na mapapa bago ang desisyon ni Mama na umalis papuntang ibang bansa. 

Marahang hinaplos ni Mama ang aking likod, pinapatahan ako kahit na umiiyak rin siya. "Anak, Cheleste, Hindi naman kita iiwan ng tuluyan eh. Hindi kita kakalimutan, hindi kita papabayaan anak ko. Sadyang kailangan lang makipagsapalaran ni Mama sa ibang bansa para mabigyan ka ng magandang buhay, ng magandang kinabukasan. Papadalhan rin kita ng maraming box ng chocolates, laruan at mga damit rin. Gusto mo ba iyon?" 

Umiling ako at mas humigpit ang yakap kay Mama. "Ayoko Mama. Please dito ka lang samin ni Papa. Wag ka ng umalis." Naluluhang sabi ko kay Mama at mabilis na kumalas sa kanyang yakap at itinaas ang aking kanang kamay na parang nanunumpa. "Promise! Magpapakabait na ako. Hindi na ako susuway sa iyo Mama. Mag-aaral rin ako ng mabuti. Please Mama... wag mo kong iwan." Mas lumakas ang aking pag hagulhol. 

Nakita ko ang sobrang sakit na bumalatay sa mga mata ni Mama. Marahan niyang sinapo ang aking magkabilang pisngi at ipinagtapat ang aming mga mukha. "Paano tayo aahon sa buhay kung hindi ako magtatrabaho? Patis na nga lang ang inuulam natin. Minsan nga kapag nagugutom ka pa ay kapag may sobrang kanin ay nilalagyan mo lang iyon ng asukal para masarap. At ayoko ng makitang ganoon ang buhay mo anak. Ang buhay natin. Kaya ako magtatrabaho ay para sa kinabukasan natin. Promise kapag nakapag ipon na ako ng malaki ay uuwi ako at hindi ko na kayo iiwan ni Papa mo. Kaya konting tiis muna anak ha? Hindi rin tatagal ito. Babalik rin ako." 

"Promise Mama babalik ka?" Nagsusumamo kong tanong kay Mama. 

Naluluha siyang tumango. "Pinky swear." Sabi ko at itinapat sa kanya ang aking hinliliit. Naluluha siyang tumawa at nag pinky swear kaming dalawa. 

"Babalik rin ako anak. Babalikan ka ni Mama, tatandaan mo iyan. Mahal na mahal ka ni Mama." Ang huli kong narinig mula sa kanya hanggang sa lumakad na siya papalayo. Gusto ko sanang tumakbo papalapit sa kanyang nilalakaran para yakapin siya sa huling pagkakataon pero bawal na roon ang mga hindi pasahero. Para nalang iyon sa mga sasakay na. 

Hindi ko na napigilan pang mapaiyak kay Papa habang nakayakap sa kanya. Pareho kaming luhaang nakatingin kay Mama. 




Tatlong taon na ang lumipas nang lumuwas sa ibang bansa si Mama. Tinotoo niya ang kanyang sinabi na magpapadala siya ng maraming laruan, damit, mga tsokolate at mga sapatos. Pati mga gadget ay meron rin kami ni Papa. Lagi rin kaming nag s-skype, doon kami nag uusap ni Mama ng matagal. Binilhan pa niya kami ng laptop para doon kami makapag usap. Kahit na lagi kaming nag-uusap ni Mama sa skype ay hindi parin mawala sa akin ang pagka miss ko na makasama siya ng personal. 

Simula noong nasa ibang bansa na siya ay hindi man lang siya umuwi sa kahit anong okasyon. Sa pasko, new year at kahit sa birthday ko man lang. Tatlong taon ko na siyang hindi na nakakasama ng personal. Minsan ang feeling ko hindi na ako mahal ni Mama. Nagagalit narin ako sa kanya dahil hindi man lang siya makauwi kahit sandali man lang. Hindi naman ako nag hahangad ng mga bagay na ipapasalubong niya pag uwi niya rito kaya hindi na niya poproblemahin ang gastusin sa mga pasalubong. Okay lang sa akin na wala, basta ay umuwi lang siya at mag stay muna rito sa Pilipinas kahit sandali man lang.

EPHEMERALWhere stories live. Discover now