CHAPTER 2

125 7 0
                                    



...


Dalawang linggo nalang at mag babakasyon na. Tapos narin ang fourth grading exam namin kaya wala na akong po-problemahin at tsaka nakapasa narin ako sa mga final projects ko sa iba't-ibang subjects kaya hindi na ako pumapasok sa school, unlike nalang dito sa bestfried ko na napaka tamad. 

Nandito kami ngayon sa kanilang bahay at tinutulungan siya sa mga requirements niya. Panay kasi ang reklamo nito na ang daming gawain eh napaka dali lang naman ng mga gagawin niya. Sadyang tamad lang talaga siya. 

"Ahh! I can't do this! I hate Math talaga." Napahiyaw na sa frustasyon si Anastasia dahil kanina pa niya ginagawa ang kanyang activity sa Math. 

Hindi ko siya matutulungan doon dahil hate ko rin ang Math. 

"Where is Kuya na ba? I told him na tulungan ako eh." Aniya habang nagtitipa sa kanyang phone. 

Sa narinig ay napa ayos ako ng upo at hinarap siya. "Pupunta rito ang Kuya mo?" 

Tumango naman siya. "Yeah. He said na dalawang subjects lang ang nasa schedule niya today kaya maaga siyang makaka uwi." Nasa college na kasi ang Kuya niya kaya hindi masyado puno ang schedule nito at hindi rin nagtatagal sa Uni. Sa pagkaka alam ko ay 20 na ang Kuya niya at nasa second year na. He took Business Ad as his Degree. Habang kami naman ni Anastasia ay nasa edad 14 na at Grade 8 palang. 

Pag tungtong ko sa College ay gusto kong kunin ang Architecture habang si Anastasia naman ay Fashion. 

"What are you whining again for?" Nagulat ako nang may biglang nag salita sa aking likuran. Nilingon ko iyon at nakita si Kuya Alexander na nakahilig sa hamba ng pintuan. 

Ang gwapo niya talaga. Naka white polo sleeves siya na may dalawang butones na nakabukas at black slacks naman sa pang ibaba. Medyo magulo rin ang kanyang buhok pero napaka ganda ng ayos. May dala pa siyang bag at iilang papel sa kanyang kamay. 

"You're here too, Cheleste? Good morning by the way." Nakangiting bati niya sa akin. Hindi pa siya nahusto at lumapit saakin para bumeso.

"Good morning rin Kuya Alexander." Nahihiyang bati ko rin sa kanya. 

"Kuya." 

May sinabi siya pero napakahina noon at hindi na namin nadinig.

"Hey! What took you so long? Kanina ka pa namin hinihintay!" Naiiritang asik ni Anastasia sa kapatid. Napaka bossy talaga. 

Dumako naman ang tingin ni Kuya Alexander sa akin at ngumiti. "Hinihintay mo rin ako, Cheleste?" 

Nagulat ako sa kanyang tanong kaya kaagad akong umiling habang nakataas ang dalawang kamay. "Hindi po. Si Anastasia lang naman po ang hindi pa nakakapasa sa requirements." Nag tutnog defensive na ako. Ito namang si Anastasia eh, false alarm!

Nakita ko ang pag pukol ng masamang tingin sa akin ni Anastasia. "Nagsumbong ka pa talaga. F.O. na tayo." Aniya at padabog na binalikan ang kanyang ginagawa. Nag tatampo. 

"Gagawa lang ako ng milk tea sa baba." Paalam ko at nakita ko ang pag baling sa akin ni Anastasia at binigyan ako ng flying kiss. Iyon lang naman ang magpapalambot sa puso niyang bato. Ang milktea. 

Nginitian ko muna si Kuya Alexander bago siya nilampasan para bumaba papuntang kitchen. 

Nakakangalay rin gumala-gala sa bahay nila. Napaka laki kasi para lang sa apat na tao. Sabagay. Mayaman kasi sila. Iyong Mommy nila ay Engineer at Abogado habang ang Daddy naman nila ay businessman na may ila-ilang malalaking businesses. Hindi ko alam kung ano ang mga business ng Daddy nila at hindi rin naman ako interisado na alamin. Kahit nga si Anastasia ay hindi rin kwinento sa akin ang tungkol doon. 

EPHEMERALWhere stories live. Discover now