Chapter 5

25 4 0
                                    

“Guys! Guys! Double time! Malapit nang dumami ang tao!” and sabi ni Samantha.

            Six thirty nang dumating si Maddy sa school. Lahat ng tao mula sa gate hanggang sa corridors ay nakatingin sa kaniya, tinatawanan siya. Maddy turned white as she walks along the corridor. She can’t bear the people around her staring at her, whispering about her and laughing at her. Di niya alam kung bakit. Kung may nagawa nanaman ba siyang masama. Wala naman siyang nakikitang mali sa pagkakaibigan nila ni Aaron.

            Nang buksan niya ang pinto, bumuhos sa kaniya ang isang timba ng paint na may kasamang uod. Everyone inside the room laughed at her. Paulit ulit tumingin si Maddy sa paligid, umiiyak, at nang din na nya makayanan sa sobrang takot unti unting bumagsak si Maddy. Dali daling sinalo ni Aaron si Maddy. Alam niyang ito ay tungkol nanaman sa kaniya.

            “Hindi nyo kailangang pagbuhusan ng galit at inggit niyo si Maddy. Kung gusto nyo akong maging kaibigan, sakin kayo lumapit. Hindi yung sasaktan nyo ang babaeng walang ginagawa sa inyo. Ang kikitid ng utak nyo.”

            Dinala agad ni Aaron si Maddy sa clinic. Narinig ni Sarah kung ano ang nangyari sa kaniyang best friend. Inalam niya kung ano ang pinagmulan ng lahat at pinuntahan si Maddy sa clinic.

            “Maddy kamusta ka na?”

            Hindi sumasagot si Maddy. Umiiyak lang siya at hanggang ngayon ay nanginginig sa takot.

            “Sarah, I’m sorry, dahil sakin, sobrang naaapektuhan si Maddy.”

            “Hindi mo kasalanan yun. Ang may kasalanan ng lahat ng ito ay si Samantha. Siya at ang grupo nya at mga alipores nya.”

            “Ang di ko maintindihan, bakit nya to ginagawa, pwede naman niya akong iapproach.”

            “May nakakita kasi sainyo kagabi sa Arcade Center. Akala nila nag d-date na kayo kaya ayun, nireport agad kay Samatha. Sa sobrang selos, ayan ang ginawa nila kay Maddy. Di kasi nila matanggap na isang tulad ni Maddy, isang old-fashioned na babae ang makakatalo sa kanila.”

            “Sarah, can I have a word with you alone? Maddy, will you excuse us for a while?”

            Pumunta sila rooftop. Malayo sa mga taong maingay, malayo sa mga taong gumagawa ng kwento.

            “Sarah, ang totoo nyan, tingin ko, I’m falling for her.”

            “Ano?!!!”

            “Una, akala ko infatuation lang, o dahil gusto ko lang siyang maging kaibigan pero iba. Iba talaga. I found myself wondering about her all the time… and that curiosity turned into worrying, and all that worrying about her made me think about her all the time. Then those thoughts of her made me miss her.”

            “Pero, mahihirapan kayo nyan. Lalo na ngayon.”

            “Alam ko kaya hindi ko alam kung ano ba ang makakabuti. Alam ko, hindi ko dapat aminin sa kaniya ang nararamdaman ko. Mas lalo lang siyang malalagay sa alanganin. Pero ano ang dapat kong gawin para protektahan siya?”

            “Siguro, mas makabubuting iwasan mo siya. Alam kong mahirap, lalo na close na kayo at napalagay na rin ang loob niya sayo, pero ito lang ang nakikita kong paraan.”

            “Oh Sarah, nasan na si Aaron? Bakit hindi mo kasama?”

            “Pumasok na sa room, tara sasamahan na kita palabas. I called your mom to take you home.”

            Hindi maipaliwanag ni Maddy ang nararamdaman niya. Di niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot.

            “Thank you Sarah for accompanying my daughter.”

            “No worries tita.”

            Habang nasa kotse, tulala nanaman si Maddy, takot parin sa nangyari.

            “Anak, I heard what happened to you. I’m sorry I wasn’t there to protect you. You never told me anything about what’s happening to you. Kakausapin ko mamaya ang Principal nyo.”

            “No mom, I’m fine. Sanay na rin naman po ako at alam kong busy kayo at walang time para making sa mga sasabihin ko. “

            “I always cared about you. Sorry kung pakiramdam mo wala ako sa tabi mo. I know sobrang nahihirapan ka ngayon. Sorry talaga anak.”

            Hininto ng mommy ni Maddy ang kotse and she hugged her. Both of them burst into tears.

            “Mommy, takot na takot po ako kanina.”

            “I know. I know. Wag ka na umiyak, andito na si Mommy. Gusto mo magtransfer? Para makalayo ka na sa mga nambubully sayo.”

            “No mom, I have to overcome this.”

            Sa kwarto, hinihintay ni Maddy ang text ni Aaron. Pero wala parin kahit isa. Iniisip niya siguro dahil may klase pa kaya naghintay pa siya ng konti. Hanggang sa oras na ng uwian, wala pa rin. Dinner na wala pa rin. Nakatulog na siya at lahat pero wala parin. Mas lalo siyang nalungkot dahil tingin niya, di man lang naalala ni Aaron na kamustahin siya.

Meeting You Again for the First TimeWhere stories live. Discover now