Chapter Twenty-four

Start from the beginning
                                    

"Then what? Why?" humihikbing tanong niya.

"Because I love you! Mahal kita, mahal na mahal kita, Coleen," napapaluha na ring pahayag nito.

Lalong nagpuyos ang damdamin niya. Sa inis niya'y muli niya itong sinampal. "Anong klaseng pagmamahal, Franco? A selfish love? That's bullshit! You doesn't deserves me, asshole! Nagkamali ako, maling-mali. Bakit ba ako naniwala sa manggagamit na katulad mo? Ang ayaw ko sa lahat ay ang lalaking manloloko at sinungaling. Kabaliktaran lahat ang pinakita mo sa akin. Bakit mo nagawa sa akin 'to? Ganyan ba ang tinatawag mong pagmamahal? Ang saktan ang sinasabi mong mahal mo? That's an idiot idea! Not anymore, Franco!" nanggagalaiting sabi niya. Humagulhol na siya nang tuluyang gupuin ng sakit ang pagkatao niya.

"I'm sorry, please, let me tell you my reason," lumuluhang samo nito at pilit siyang niyayakap.

Humugot siya ng lakas saka ito marahas na itinulak. Muli niya itong sinampal. "Ayaw ko nang makarinig mula sa 'yo. It's over, Franco, tama na. Maawa ka sa akin," aniya sa naghihinagpis na tinig.

"Coleen, no, please..." Sinubukan pa rin siya nitong hawakan ngunit iniwaksi niya ang mga kamay nito.

"Don't touch me! Stay away from me, asshole!" singhal niya.

Nang hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang emosyon ay tumakbo siya palayo rito hanggang makalabas siya ng studio. Saktong may paraan na taxi. Dagli niya itong pinara at sumakay. Hindi niya napigil ang kanyang hagulhol nang tuluyang lamunin ng sakit at hinagpis ang kanyang puso.

PARANG naipako ang mga paa ni Franco sa sahig at tulalang nakatanaw sa puwestong inalisan ni Coleen. She's now gone. He lost her. Pakiramdam niya'y may libo-lobong punyal na tumulos sa puso niya. May ilang sandaling blanko ang utak niya. Tanging mga luha niya ang gumagalaw pababa mula sa kanyang mga mata.

Gusto niyang agapan ang pangyayari at isiping isa lamang iyong masamang panaginip. Iniisip niya na wala lang iyon at babalik si Coleen at maayos ang problema. But suddenly, the situation was real, He's not dreaming. She's really gone.

Nang ibalik niya sa realidad ang isip ay naramdaman niya ng masigid na kirot sa buong parte ng kanyang puso. Nasorpresa siya. Dumating sa punto na naiisip niya ang senaryong iyon pero iginiit niya na malabo itong mangyari. But it's happening and he doesn't know how to manage the situation. He felt his knees trembled like he's about to tumble. Until he kneeled down the floor while trying to control his emotions, but he failed.

Sinalo ng kamay ni Natalie ang likod niya at pilit siyang inalalayang tumayo. Nabuburyong na siya. Hindi niya napigil ang sarili na iwaksi si Natalie. Sa lakas niya'y sumalampak ito sa sahig. Nanginig nang husto ang katawan niya at bumagsak ang kanyang emosyon sa kanyang mga palad. But he ended to punch the hard wall. He never stop punching it until he feels the liquid ran from his wound. He didn't feel the pain from his bloody fist, it makes him calm instead.

"Stop it!" pigil ni Natalie. Hinila siya nito palayo sa sementadong dingding.

Hindi na niya namalayan ang kasunod na pangyayari. Tuluyang nablanko ang isip niya.

LUMIPAS na ang gabi, umaga at gabi ulit ngunit nanatiling nakahilata si Franco sa kanyang kama. Obligadong sumugod ang parents niya dahil sa naiwan niyang trabaho sa kumpanya. Hindi siya makatulog. Hindi rin siya makakain. Isinara ni Coleen lahat ng contacts nito. Ayaw rin siya nitong harapin kahit pabalik-balik siya sa bahay nito. Itinataboy na siya ng kaanak nito. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.

Narinig niyang bumukas ang pinto pero nanatili siyang nakahiga at nakatitig sa kisame. Naramdaman niya ang presensiya ng kanyang ina.

"Anak, please lang kumain ka na. Bakit ka ba nagkakaganyan?" narinig niyang sabi ng Mommy niya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now