Chapter Thirteen

10.1K 244 4
                                    


LINGGO ng umaga pagkatapos magsimba ni Coleen ay binisita niya ang ginagawang bahay niya. Malapit na itong mabuo. Iba talagang magtrabaho si Franco. Kahit kapos ang budget niya ay nagagawa nitong mabilis at polido ang trabaho. Minsan na niyang naisip na ipahinto muna ang construction para makapag-ipon pa siya pero pinangunahan na siya ni Franco. Nabili na nito lahat ng materyales. Hindi na siya sigurado kung pera pa niya ang ginamit nito.

Minsan nakokonsiyensiya siya sa tuwing naiisip niya na putulin ang ugnayan sa binata. Hindi niya maikakailang malaki ang naiambag nito sa lahat ng biyaya at tagumpay niya. Pero mali. Maling konsintihin niya ang namamagitang sekswal sa kanila.

Mukhang busy ang binata dahil sabi ng isa sa tauhan nito ay hindi pa raw dumadalaw rito ang boss nito may isang linggo na. Palagi silang nagsasama sa iisang project pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang sarilinan.

Samantalang wala pang pormal na napag-usapan nang personal sina Coleen at Cedric. Hindi pa natutuldukan ang isyu tungkol kay Natalie. Pagkatapos kay Lara, ito naman ang lumitaw. Pakiramdam tuloy niya ay pinaglalaruan sila ng tadhana. Simula ata noong sinagot niya si Cedric ay hindi na sila tinantanan ng mga isyong pilit gumugulo sa kanilang relasyon.

Matapos malibot ni Coleen ang ginagawang bahay ay nagdesisyon siyang umalis. Sasamahan pa kasi niya sa ospital ang Nanay niya para sa fallow-up check-up nito. Saktong patungo siya sa kanyang kotse ay namataan niya ang abuhing kotse na huminto sa likuran ng kotse niya. Pamilyar sa kanya ang kotse.

Si Franco ang unang naisip niya. At nang bumukas ang pinto sa driver's side ay hindi niya inaasahan ang pagkabog ng dibdib niya. It was Franco, wearing a black fitted shirt and fitted blue jeans.

Ang huli nilang pagkikita ay noong nag-taping sila sa hotel sa Makati. Actually, those scenes always bothering her. The scene they made on the bed and ended with simple realistic sexual intercourse. May utang pala siya rito.

Tuluyan siyang lumapit sa kanyang kotse at binuksan ang pinto sa driver side. Ipinasok niya ang kanyang shoulder bag. She just wearing a simple gray dress. Ni walang makeup just a lip shiner on her lips.

"You look gorgeous today. Have a beautiful and blessed Sunday, Honey," nakangiting bungad ni Franco nang tuluyan itong makalapit sa kanya.

Kinikilabutan siya sa pagtawag nitong "honey" sa kanya. He was so assuming. But she felt something confusing emotions while thinking about this guy.

"Please..." walang puwang na wika niya.

"Please what? We had a bad time these few days and I think we should talk about it," sabi nito.

"Mas mabuti siguro kung kalimutan na lang natin ang mga nangyari. Hindi ito makabubuti sa atin, Franco?" aniya.

"Why not? For me, it's not a problem. I'm single," confident na sabi nito.

Obvious na single ito pero anong malay niya kung meron din itong dini-date? "Are you still concerned for me, Franco?" usig niya rito.

"Of course I am. That's why I'm giving you a chance to accept me. Alam kong nahihirapan ka na sa relasyon mo kay Cedric. Kung tutuusin, bago pa lang kayo pero hindi na biro ang pinagdadaanan ninyo. Cedric should be aware and must know how to handle the issue against him. He should think about your feelings too. Parang wala namang siyang ginagawang aksiyon para matigil ang mga isyu tungkol sa kanya," litanya nito.

"Huwag kang magsalita na parang kilala mo si Cedric," aniya.

"Bakit ikaw, gaano mo ba siya kakilala? Do you have an idea of how many women he had been fucked? Before you accepted him or even now?"

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now