Chapter Eighteen

8.9K 258 7
                                    



TAHIMIK lang si Coleen sa loob ng halos biyente minutong pagbinbin nila sa traffic. Halos hindi umuusad ang sinasakyan nila ni Franco. Pakiramdam niya'y nakalutang siya sa hangin. Blanko ang isip niya. Parang hindi rin niya kayang ma-expose sa maraming tao sa mga sandaling iyon.

"Are you okay?" tanong ni Franco na siyang bumasag sa katahimikan.

Hindi niya puwedeng sabihin na okay lang siya dahil ang totoo, hindi maganda ang pakiramdam niya. Parang naupos ang lakas niya. Umiling lamang siya.

"Sorry sa nangyari kanina. Nainis lang ako kay Cedric. Ano ba ang kasalanan niya?" anito.

"As usual, involved na naman siya sa issue ng nakaraan niya. Umamin sa kanya si Natalie na siya ang ama ng pinagbubuntis nito. Nakita ko siya kanina sa ospital na magkasama. Nagsinungaling pa siya sa akin. Ang sabi niya, nasa Baguio siya para sa bago niyang project," kuwento niya.

"Ouch. Kaya pala. Gago pala siya. Bakit nagduda pa siya kung siya ang ama ng ipinagbubuntis ng ex niya?"

"Tama ka, gago siya. Wala na akong pakialam sa kanya," gigil na sabi niya.

"Masakit ba?"

Marahas siyang tumingin kay Franco. Naiinis siya sa tanong nito. "Hindi ako nasaktan, naiinis ako," aniya.

Ngumisi si Franco. "Kung talagang hindi ka nasaktan, ibig sabihin, hindi mo na mahal si Cedric," sabi nito.

Napag-isipan niya ang sinabi ni Franco. Nakaramdam siya ng konting sakit at paghihinayang pero balewala na iyon. Nang palayain niya ang sakit at galit kay Cedric ay guminhawa ang pakiramdam niya. Umaasa rin siya na magiging okay rin siya.

"Ayaw ko nang pag-usapan si Cedric," sabi niya pagkuwan.

"Okay. So, where do you want to dine?" tanong na lamang nito.

Wala siyang ganang kumain sa kahit saang restaurant. Gusto niya ng tahimik na lugar at wala masyadong tao. Ayaw rin niyang umuwi sa bahay nila. Naisip niyang magandang magpalipas ng oras sa ginagawang bahay niya. Malamang matatapos na iyon.

"Ayaw kong kumain sa restaurant. Puwede bang doon na lang tayo sa ginagawang bahay ko?" aniya.

"Okay. Your choice. Pero mag-o-order muna ako ng pagkain at maiinoom natin."

"Sige. Ikaw ang bahala."

Inihinto ni Franco ang kotse sa tapat ng Italian fast food restaurant. Pagkuwan ay lumabas ito. Habang naghihintay ay nag-update si Coleen ng status niya sa lahat ng social media account niya. Habang nakababad siya sa Instagram ay nahagip ng paningin niya ang update ng showbiz tungkol kay Natalie. Pinalandakan na ng babae ang totoong ama ng pinagbubuntis nito.

Nagdiwang ang mga supporters nito. Malamang pagpipiyestahan na naman siya ng mga bashers niya. Magmumukhang kawawa na naman siya sa mga ito. Wala na siyang pakialam. Hindi kawalan sa buhay niya si Cedric. Maraming mga katrabaho niya ang nag-send ng mensahe sa kanya pero wala siyang sinagot ni isa. Gusto muna niyang lumayo kahit sandali sa maingay na mundo ng showbiz.

Itinago na niya ang kanyang cellphone nang pabalik na si Franco bitbit ang naka-paper bag na pagkaing binili nito. Dumaan din sila sa convenience store. Bumili ng wine ang binata.

Pagdating sa bahay niya ay kaagad siyang nag-explore. Tatlong araw siyang hindi nakabisita sa bahay pero halos tapos na ito. Hindi siya makapaniwala. Imposibleng makapatayo ng two story house ang one million niyang budget, 'tapos moderno ang design at dekalidad ang materyales na ginamit. Kompleto na ang mga pinto at bintana. Meron na ring tiles ang mga sahig at napinturahan na sa loob. Sa labas na lang ang pipinturahan at under construction pa ang outdoor. Sinisimulan na ring gawin ang backyard Olympic swimming pool, na hindi kasama sa budget. Tulala siyang nakatayo sa tapat ng bahay habang sinusuyod ang kabuoan nito.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant