Chapter Three

10.9K 250 7
                                    

"BAKIT gusto mo atang paghiwalayin sina Cedric at Coleen? Just give me sensible reason before I consider your offer," seguristang sabi ni Franco batay sa inaalok ni Cynthia.

Pinagsupling ng thirty-two years old single woman ang mga daliri nito. "I just want to give justice for my sister's broken heart," anito pagkuwan.

"Si Natalie?" untag niya. She's know a lot about Natalie San Andres. Nakatrabaho na niya ito minsan at hindi lingid sa kaalaman niya na ito ang naging girlfriend ni Cedric bago si Coleen.

Natalie forced to leave modeling after she revealed that she's pregnant. Kasabay ng pag-amin nito sa kondisyon ay tuluyang nagsara ang career nito sa modeling industry. Halos kasabayan niya itong namamayagpag sa industriya pero naawa siya rito dahil kakasimula pa lamang nito ay bumagsak na ang career nito.

Umani ng batikos ang isyu sa pagbubuntis nito dahil umano sa pag-deny ni Cedric na ito ang ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. He's still curious about the issue. Ganoon talaga kapag nasa industriya ka ng mga sikat, madadala ka sa mga isyu.

"So, how's Natalie now? I didn't hear about her since she quit her career." tanong niya pagkuwan.

"Sadly, she chose to live in Mountain Province with the native employees of our farm. I know she just trying to escape the reality. But besides, she's suffering in loneliness and pain. Gusto kong maibalik ang kapatid ko sa dati. Isang masayahing Natalie at puno ng confident at determinasyon. That was my goal now before the year ends. I madly need your help, Franco. I know you can get Coleen's attention easy as I think," agresibong pahayag ni Cynthia.

Nakapag-isip-isip si Franco. Her obsession with his feelings for Coleen was unable to prevent. Cynthia could push him to do the same thing as she requested but his personal interest leads him to be aggressive to take Coleen's attention. He must patiently wait for the opportunity and as much as possible, he should seduce her.

Pero hindi madali ang gusto niyang mangyari. Mahirap akitin ang isang babae na in love sa mas maimpluwensiyang lalaki. But he got his own charm and he confidently does what he wanted to take. Ano ang silbi ng pagiging stalker niya kung hindi niya iyon gagamitin sa kanyang kalaban? Pero wala siyang balak sirain sa reputasyon ni Cedric. Magpo-focus lamang siya kay Coleen, which is the only reason why he's obsessed.

"Okay, I like your offer, Miss Cynthia, but I would like to talk to Natalie first," sabi niya pagkatapos makapag-isip.

"I'll call you if nakabalik na siya rito sa Maynila. Nakombinsi ko kasi siya na dito siya manganganak and I promise to her that I will shoulder her expenses."

"That's good. Nice talking, Miss Cynthia. I think I have to go. Naalala ko, may pupuntahan pa ako. See you tomorrow," apila niya pagkuwan.

Tumayo na siya at iniwan ang kausap. Bago siya tuluyang umalis ay nagpaalam siya kay Farlie. Pagkatapos ay hinanap niya si Coleen. Hindi talaga siya umalis hanggat hindi ito nakikita.

Pagdating niya sa pasilyo papasok sa palikuran ay namataan niya ang dalaga na may kausap sa cellphone. Nakataas ang boses nito tila may kaaway. May dalawang dipa ang layo niya rito kaya naririnig niya ang sinasabi nito. Nakasandig lang siya sa poste habang pinagmamasdan ito.

"Ano ba ang problema mo? Kung wala kang matinong sasabihin, ibababa ko na ang telepono! Baka ikaw ang may ginagawang hindi tama kaya ka napa-paranoid. Dumalo lang ako sa party ni Farlie at hindi ako naglalakuwatsa. May panahon pa ba ako para sa bagay na 'yo?" palatak ng dalaga.

Obvious na ang boyfriend nito ang kausap nito. Hm... he felt something cold war. Sa simpleng ayaw nagsisimulang nagkakalamat ang isang relasyon. Hindi niya inisip na minsan ding napa-paranoid ang isang katulad ni Cedric. Well, that was a common sign of love. But it doesn't make sense for him. The situation should be the perfect timing for him to inter Coleen's life.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now