Chapter Twenty-four

Start from the beginning
                                    

Naalarma si Coleen. Nadawit na silang dalawa ni Cedric sa usapan ng mga ito. Wala pa man ay kinakabahan na siya sa daloy ng usapan ng dalawa.

"Then, wala akong magagawa. I just did my part," ani Franco.

"Yes, you did your part, only for your own benefits! Galit na sa akin si Cedric."

"Paano siya magagalit?"

"Nalaman niya na hindi totoong siya ang ama ng anak ko. Pina-DNA test niya ang anak ko na hindi ko alam. Desidido na siyang balikan siya ni Coleen," bunyag ni Natalie.

"Imposible 'yon. Kahit kailan ay hindi na babalik sa kanya si Coleen," paninindigan ni Franco.

"Huwag kang pakampante, Franco. Matalino si Cedric, marunong siyang kumilatis ng sitwasyon. Nagduda na siya sa atin. Iginigiit niya na pinagkakaisahan natin sila ni Coleen. Paano kung biglang sasabihin ni Cedric kay Coleen na may kinalaman tayo sa pagkasira ng relasyon nila?"

Na-shock si Coleen. Pakiramdam niya'y biglang natunaw ang mga buto niya sa tuhod. Bigla siyang nanlumo. Ngunit nagbabakasakali siya na mali ang pagkakaunawa niya.

"Hindi paniniwalaan ni Coleen si Cedric," giit ni Franco.

"Bakit, dahil ba nalason mo na ang utak ni Coleen? Hindi pa tapos ang laban mo, Franco. Hanggat nariyan si Cedric, hindi ka magtatagumpay sa plano mo. Mag-ingat ka lang dahil once nalaman ni Coleen na ikaw ang may pakana ng pagkasira nila ni Cedric, tiyak na mawawala rin siya sa 'yo."

"Tumigil ka! Hindi mangyayari 'yon! Ginusto mo rin ito'ng mangyari. Kung tutuusin, naingganyo lang ako ni Cynthia para tulungan kang maibalik sa 'yo si Cedric. Hindi lang naman 'to para sa akin. Naawa ako sa 'yo kaya idinamay na rin kita sa plano ko," depensa ni Franco.

"Oo, tama ka, pero ano'ng nangyari? Ikaw lang naman ang nakikinabang. Ayaw mo kasi na makialam kami ni Ate sa plano mo kay Coleen. You're so selfish, Franco."

Nanrindi si Coleen sa kanyang narinig. Pakiramdam niya'y unti-unting dinudurog ang puso niya. Noon lang niya lubos na naunawaan ang mga sinabi sa kanya noon ni Cedric. Tama nga ito, pinagkakaisahan sila ng mga damuho na ito. Nagdilim ang paningin niya dahil sa naghaharing galit sa sistema niya. Tuluyang bumagsak ang namumuong galit sa puso niya at tumulak sa kanya upang lumantad.

"Tama na! Huwag na kayong magtalo dahil panalo na kayo! Mga walanghiya!" hasik niya, na biglang nagpatahimik sa dalawang nagtatalo.

"C-Coleen..." gulantang na bigkas ni Franco. Parang ibinabad sa suka ang mukha nito na biglang namutla.

"Yes, Franco, ako nga. I can't imagine na nagagawa mo ito sa akin. It make sense now. Lahat pala ng kabutihan mo, may mabigat na dahilan at kapalit," lumuluhang wika niya.

"Coleen, let me explain," sabi nito habang papalapit sa kanya.

"Gasgas na ang linyang 'yan, Franco! Narinig ko na, alam ko na kaya wala ka nang dapat ipaliwanag sa akin!" nanggagalaiting sabi niya.

Akmang hahawakan siya nito ngunit umatras siya at bigla itong sinampal sa pisngi. Talagang nilakasan niya nang maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya.

"Walanghiya ka! Pinaniwala mo ako'ng matino ka, na hindi ka katulad ni Cedric at ng ibang lalaki. Pinaibig mo ako, pinaniwala na patay na patay ka sa akin. Ang galing mo. Nakapahusay mong artista. Napaniwala mo ako sa acting mo, pero hindi habang buhay ay maloloko mo ako. Nagtiwala ako nang buo sa 'yo, Franco. Paano mo nagawa 'to? Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?" may hinanakit na pahayag niya habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Naghari ang pagkabalisa ng binata at halos hindi makapagsalita. "N-No, h-hindi ako nagpapanggap, Coleen. Inaamin ko na pinlano ko kayong sirain ni Cedric, but it's not just about that," paliwanag nito.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now