Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pinagpagan ang kanyang suot na short. Maligaya niya akong tiningnan at tinuro ang mga niyugan. "Gusto mo bang sumama sa akin?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Saan?"

"May group activity kasi kami ngayon ng kaklase ko. Kasama ko na rin ang mga kapatid ko. Tapos ayon, naisipan din namin na magluto ng mga pagkain. Gusto sana kitang yayain."

Bigla akong nabuhayan ng loob. Gusto ko rin kasi malaman kung ano ang buhay nila rito. At saka magaling na ako. Nilingon ko saglit ang bahay at napanguso ako nang nakitang wala ang kotse ni Brent. Siguro ay umalis siya at binalikan niya ang babae kanina.

Tumayo ako at hinarap siya. "Sasama ako."

Tumili siya at niyakap ang kaliwang braso ko. Medyo nailang ako pero hinayaan ko na lang siya. I am not really comfortable with people since wala naman akong masyadong kaibigan. And maybe this is for a change.

Naglakad kami patungo sa bahay nila at naamoy ko na agad ang niluto nila. Hindi katulad ng syudad, masasabi ko na simple ang pamumuhay ng mga tao rito. Malayo ang kanilang mga kapitbahay at meron silang mga alagang hayop at pananim.

Sabay kaming naglakad ng bababe at natanaw ko ang kanyang mga kapatid na nakatalikod habang may kausap na mga lalaki na mukhang kaedad lang din nila. Tumigil ako sa paglalakad nang biglang tumigil ang babae at binalingan ako. Kumunot ang noo ko sa kanyang paghinto pero saglit lang iyon dahil bigla siyang naglahad ng kamay sa akin.

"I'm Pamela," pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "But you can call me, Pempem."

Nagdalawang-isip akong tanggapin ang kanyang kamay kaya matagal akong napatingin sa kanya. Her smile was so genuine. Iyon na yata ang pinakamalawak na ngiti na nakita ko. Wala sa sariling tinanggap ko ang kanyang kamay at saka ngumiti pabalik.

"I'm Kha-Louise! I'm Louise!"

Napapikit ako dahil muntik na akong madulas. Dapat ay maging maingat ako dahil hindi ko kilala ang mga taong ito. Tumango siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Oo nga. Girlfriend ka ni Brent!" aniya.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi ko boyfriend si Brent pero hindi ko alam kung paano ko iyon maipaliwanag sa kanya lalo na't nagtatago ako ngayon.

Nang nakarating na kami sa may maliit na kamalig ay narinig ko na ang halakhakan ng mga kalalakihan habang nagluluto. Natigil lang sila nang nakita kami ni Pempem. Ilang ako na ngumiti sa kanila.

"Hello..." Mahina kong ikinaway ang kamay ko at tiningnan sila isa-isa.

"Uy, may kasama si Pempem!" galak na wika ng isang lalaki at ibinigay pa niya sa isang kasamahan ang kanyang dalang sandok at dali-daling lumapit sa amin.

Medyo nalito ako kung sino si Pempem dahil bigla na lang siyang nawala sa tabi ko. Pero nakahinga ako nang maluwag nang maalala ko ang suot at buhok niya.

"Guys!" Lumapit si Pempem sa akin at hinila ako palapit sa kanila. "Siya si Louise, ang girlfriend ni Brent, iyong may-ari ng lupaing ito."

Nginitian ko sila pero napawi ang ngiti ko nang nakita kong inirapan ako ng isa sa mga kapatid ni Pempem. Kahit magkamukha silang tatlo, para sa akin, siya ang pinakamaganda pero siya ang pinakamasungit. Siguro ay ayaw niya sa akin kaya siya umiirap.

Nginitian ako ni Pempem at itinuro isa-isa kanyang mga kapatid at kaibigan. "Louise, mga kapatid ko, si Bethbeth at iyong umirap na masungit, si Carpa tapos mga solid tropa ko, sina Joshua, Ken at Brandon."

Si Joshua ang unang naglahad kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. Si Joshua ay isang moreno na lalaki na may pinakamakapal na kilay sa kanilang tatlo. Ang kanyang buhok ay nakatali dahil medyo mahaba at may makurba siya na labi. Sa kanilang tatlo, siya yata ang palangiti.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now