IB - THIRTY ONE

870 47 2
                                    

Jema's

" Kamusta ka??" Yan agad ang bumungad sakin pagkarating ko nang classroom..

" Isang linggo na atang absent ang jowa mo" saad ni Fhen..

" Correction Emnas.. Hindi na niya jowa si Wong kaya dapat ex girlfriend na" sabat naman ni Jia.. di ko nalang sila pinansin.. sa halip eh napasubsob nalang ako sa armchair..

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang biglaang sumugod si Deanna sa bahay na basang basa nang ulan at lasing.. Sa loob nang isang linggong iyon ay di ko na ulit siya nakita.. Kamusta na kaya siya?

" oh.. Mag mumukmok ka nalang jan?" puna ni Jia sakin.. Tinitigan ko lang naman siya bago muling ipatong ang ulo ko sa armchair..

" yan tayo eh.. May pahingi hingi pa kasi nang break tapos magmumukmok din naman at magpapakabaliw kakaisip dun sa isa.. Ang sarap mo talagang kaltukan eh.. Lam mo yun?" inis na saad ni Jia..

" ano ka ba naman Ji.. Wag mo nang sisihin.." suway ni Fhen..

" aba't anong gusto mong sabihin ko? Na tama yung ginawa niya? dapat kasi dito sa kaibigan mo sinasampal nang katotohanan nang matauhan.. Ginusto niya to diba? Kaya panindigan niya" inis na saad ni Jia sabay irap..

Tama naman kasi siya.. Ginusto ko naman to diba?

" Ikaw Julia ang negative mo.. wag ka nalang makinig sa kanya" saway ni Fhen dito sabay baling sakin..

" tama naman siya eh.. Ginusto ko naman talaga to" Malungkot kong saad sabay ngiti nang pilit..

" hindi naman kita masisisi.. Siyempre mahirap sayo to.. You're caught in between your sister and the love of your life.. Pero kasi may point naman si Jia.. Tsaka medyo naging unfair ka naman kay Deanna.. Sinukuan mo siya agad" mahinahong turan ni Fhen..

" Anong medyo?? Talagang naging unfair siya" biglang sabat ni Jia na mabilis namang sinaway ni Fhen..

" hindi ko naman siya sinukuan Fhen.. Humingi lang naman ako nang break dahil gusto ko lang maayos yung relasyon namin kay Mafe para naman malaya na kaming magmahalan.." depensa ko..

" pero yun yung dating sa kanya.. Lalo pa't simula nung mahuli kayo ni Mafe you've been distant to her.. Tapos pinaramdam mo pa dun sa tao na mag isa nalang siya sa laban niyong ito.. Naging unfair ka kay Deanna bes"

Naging unfair nga ba ako? Mali ba ang naging desisyon ko? Sana naman wag akong sukuan ni Deanna..

" Speaking of your ex.. Kaya pala absent nagbakasyon pala sa Cebu.. Mukhang naka hanap na nang bago... Infairness ang ganda ni Ate Girl"

" Hoy ano yang pinagsasabi mo Julia.." saway ni Fhen dito..

" Bakit?? Eh totoo naman ah.. Ayaw mo maniwala?? Tignan mo oh" depensa ni Jia sa sarili.. Agad namang kinuha ni Fhen ang phone sa kanya..

" Day well spent.. Thankyou for spending time with me @DeannaWong"

Basa ni Fhen sa post kung saan naka tag si Deanna..It's a selfie kung saan si Deanna ang nasa background niya na busy kakakalikot nang phone.. Gaya nang sabi ni Jia di nga maipagkakailang maganda ang babae..

" Nako naman pinagpalit kana ata" biglang saad ni Jia.. Hindi ko naman maiwasang makaramdam nang lungkot..

Pano kung tama si Jia?? Pano kung pinagpalit na nga ako ni Deanna??

------------------------------------------------

Deanna's

" alam mo nakakainis ka" naka simangot na turan ni Michelle habang ako ay di padin nahinto kakatawa.. Pano ba naman nag pumilit siyang mag theme park kami.. Anlakas pa nang loob na mag ayang sumakay sa extreme rides takot naman pala..

In BetweenWhere stories live. Discover now