IB - ELEVEN

1.7K 68 4
                                    

Deanna's

Nagising ako around 3 am.. Okay nadin ang pakiramdam ko at wala nadin akong lagnat.. Agad ko namang naalala ang ginawang pag alaga ni Jema sakin kagabi.. Di ko maiwasang mapangiti.. Concern din pala siya sakin.. And speaking of.. Asan na kaya yun? Agad akong napabangon dahil plano kong hanapin siya nang makita ko siyang nakahiga sa couch..

Ba't dito to natulog??

Agad ko siyang nilapitan at hinawi ang mga buhok niyang tumatakip sa mukha niya.. Ang ganda niya talaga.. She looks so peaceful habang natutulog.. Dahil sa ako ang nahihirapan sa posisyon niya.. Agad ko siyang binuhat at inihiga sa kama ko.. Sa kwarto nalang ako ni Ate Bei matutulog.. Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko.. She's mumbling something pero di ko iyon maintindihan.. Dahil ayaw niya akong bitawan napagdesisyunan kong tumabi nalang sa kanya for sure magagalit to pag ako nabungaran niya pagkagising niya..
.
.
.
.
.
.
" kyaahhh/Ouch" agad akong napahawak sa balakang ko nang malaglag ako sa kama.. Pano ba naman bigla daw ba akong itulak..

" ba't magkatabi tayo?" di makapaniwalang tanong nito..

" nagising kasi ako kanina at nakita kitang nakahiga sa couch you look so uncomfortable with your position kanina kaya i decided na ilipat ka sa kama.. Aalis na dapat ako kanina pero pinigilan mo ko at dahil nadin sa medyo inaantok pa ko tumabi nalang ako sayo" paliwanag ko habang himas himas ang balakang ko..

" ganun ba.. Sorry" saad nito napatango nalang ako..

" tara.. It's already 10 am.. I'm sure gutom ka nadin pa deliver nalang tayo.. Hatid nadin kita after natin kumain.." aya ko and she just nodded in agreement..

" woah.. What did we miss?" yan agad ang bumungad samin when we came out of my room.. Mga mapanghusgang titig nang mga pinsan ko..

" it's not what you think okay?" paliwanag ko pano ba naman mga malisyoso kung makangiti..

" wala naman kaming sinabi ah.. Hi Jema.. I'm sure masarap ang tulog mo" nakangising bati ni Ate Bea kay Jema.. Namula naman ang isa..

" wag ka nga ate Bei" pinandilatan ko siya nang mata pero nginisihan niya lang ako..

" what? Kung ano anong iniisip mo insan.. Siyempre malambot yung kama mo tsaka may aircon din sa kwarto mo kaya sure akong masarap ang naging tulog ni Jema" may halong panunukso nitong saad.. Napailing nalang ako..

" so your Jema.. I'm Kat by the way.. Pinsan nitong little kid na to.. It's nice to finally meet you.. You know i really wanted to meet you.. I heard so much about you.. This kiddo here never get tired of talking about you.. If you know what i mean?" walang prenong saad ni Ate Kat at napa mental face palm nalang ako sa pinagsasabi niya.. Bubuking pa niya ako eh.. Halata naman kay Jema na naguguluhan siya sa pinagsasabi nang pinsan ko..

" naku don't mind her.. She's just teasing us kasi we came out of the same room" saad ko trying to divert her attention.. Agad ko namang binalingan si Ate Bei na ngingiti ngiti lang.. Tsss.. Siya talaga may pakana nito eh..

" so Jema.. Why did you end up sleeping at this troublemaker's unit?" tanong ni Ate Maddie habang kumakain kami..

Agad namang k.nwento ni Jema yung about sa pagpapaulan ko kahapon..

" so okay kana Deanna?" Ate Mads asked at napatango naman ako..

" obvious naman Maddie.. Tatanong mo pa eh ang galing nang nurse niya" biglang sabat ni Ate Bei sabay kindat pa sakin.. Agad namang namula si Jema dahil dun.. Loko talagang Beatriz to..

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at si Ate Bea di na natigil kakaasar samin ni Jema.. Buti nalang Ate Maddie always changes the topic pag na f.feel na niyang nagiging uncomfortable na si Jema..

_________________
Jema's

Inihatid na ako ni Deanna sa bahay namin and i admit sobrang naiilang ako sa mga pinsan niya... Lalo na kay Bea.. She kept on teasing me and Deanna kasi..

" pasok ka muna?" aya ko sa kanya.. Umiling naman siya..

" as much as i want to alam kong nag aantay yung tatlong itlog na yun sa condo kaya hindi ako pwedeng tumagal.. Baka kung ano ano nanaman isipin nang nga yun" paliwanag nito.. Napatango nalang ako.. I bid my goodbye to her at bumaba na sa kotse niya.. Hinantay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako pumasok..

" kilala ko naghatid sayo.. Ayiiieee"

" gosh.. Fhen.. May balak ka bang patayin ako sa nerbyos?" maktol ko habang nakahawak sa dibdib ko.. I texted her kasi na pumunta dito..

" haha OA neto.. Lika na nga sa loob.. Kagabi pa nag aalala sila Tita sayo.. They thought nasa amin ka.. Nakila ano ka pala.. Ayiieee.. " saad nito sabay sundot sundot nang pisnge ko..

" tsss.. Ewan ko sayo" inis kong saad..

" hindi ka manlang ba magpapasalamat.. Remember i covered you up?" habol nito sakin..

" oh edi thank you" sarcastic kong saad.. Tinawanan niya lang naman ako at inakbayan habang papasok kami nang bahay..
.
.
.
.
.
" so kamusta ang pag o.overnight kela crushy mo" tukso nanaman ni Fhen.. Andito kami samay Garden ngayon.. Nakikipag laro kay Chuichui..

" pinagsasabi mo? Nag stay lang naman ako dun kasi ayoko namang iwan yung tao lalo na't mag isa lang siya" i said trying not to sound defensive..

" ayiieee.. Concern Mare ah.. Napaghahalataang inlove kay Wong eh.. Amin amin din kasi pag may time"

" ano namang aaminin ko?" maang maangan ko..

" na you've been inlove with her eversince.. Ano bang kinakatakot mo eh halata namang the feeling is mutual? Can't you see her reaction everytime I'm trying to be sweet to you? I told you effective ang pagselosin siya.." saad nito.. Yes you've read it right.. Yung pagiging sweet nitong mokong sakin is a part of her plan na pagselosin si Deanna kasi she's been insisting na Deanna is inlove with me which i beg to disagree..

" ayaw mo talagang maniwala? Then after this prove me wrong" and bigla niyang inilapit yung mukha niya sakin and the next thing we knew napaupo na siya sa damuhan..

" Deanna!! Ba't mo siya sinuntok!?" yes it's Deanna.. Di ko alam kung san siya nanggaling pero bigla nalang siyang sumulpot.. So ito ang tinutukoy ni Fhen?

" she's about to kiss you!" galit nitong saad..

" eh ano naman sayo kung i.kiss niya ako!!"

" eh bakit kayo na ba para hayaan mo siyang mahalikan ka!?" galit nitong saad.. Napakunot naman ang noo ko.. Anong pinagsasabi nito..

" anong pinagsasabi mo!? At bakit ba galit na galit ka hah!?" naguguluhan kong tanong..

" Gosh!! Hindi pa ba malinaw sayo na nagseselos ako.. Dammit!!" natigilan naman ako sa sinagot niya.. Napahilamos lang naman siya sa mukha bago ako tinalikuran..

" see.. I told you" nakangising saad ni Fhen sabay tapik tapik sa balikat ko..

DEANNA IS JEALOUS!? FOR REAL!?
________________

So What do you think?

Vote and Comment..

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon