IB - FIVE

2.4K 84 1
                                    

Jema's

" oh Ate san lakad mo? gabi na ah?" bungad sa akin ni Mafe nang makita niya akong pababa nang hagdan at bihis na bihis..

" inaya kasi ako ni Bryan na mag dinner.. Sa UPTC lang naman" sagot ko..

" Bryan? As in Bryan "fcking asshle" Ocampo? "kunot noong tanong nito.. Napatango naman ako..

" what's between you two ba? Is he courting you?" nagtatakang tanong niya..

" of course not.. He just asked me out para bumawi.. It's his way of apologizing" sagot ko dahilan para mas lalong mapakunot ang noo nito..

" bakit? What did he do ba?"

" nothing" sagot ko pero hindi ito kumbinsido..

" hayyysss.. Okay medyo may nasabi lang siyang di maganda.. Hindi naman iyon big deal sakin sis.. Tsaka wag kang mag alala wala naman yung gagawing masama sakin.. Yes he may act like an ass sometimes but believe me mabait naman yun kahit papano" saad ko in an assuring tone..

" hmmm.. I don't think makapagkakatiwalaan mo siya.. Gusto mo samahan kita?" tanong nito.. Napailing naman ako..

" wag na.. Baka ma o.p ka lang dun.. Besides.. I'll be fine.."

" okay.. Fine.. As you say so.. Besides may lakad din naman ako.. Basta please Take care sis and don't forget to call me pag may di magandang nangyari" saad nito.. Napatango naman ako at nakipag beso sa kanya..
.
.
.
.
.
.
.
It's almost 8 pm already at halos isang oras nadin akong nag aantay kay Bryan dito sa starbucks.. Kanina pa ako text nang text sa kanya pero ni isang reply wala akong natanggap.. I also tried to call him pero hindi ito sumasagot..

Like seriously? May plano pa ba yung dumating?

" hi.. Are you alone? Pwede maki upo?" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko when someone spoke.. Nasa phone kasi ang atensyon ko kaya hindi ko maiwasang mabigla..

" what are you doing here Wong!?" kunot noong tanong ko.. Yes it's the Deanna Wong..

" bakit? Bawal na ba akong pumunta nang mall?" sarcastic na saad nito.. I just rolled my eyes..

" may date ka?" tanong nito habang sip nang frappe niya at nakatingin sa akin..

" pakialam mo ba?" pagsusungit ko..

" chill.. Sungit sungit mo talaga" saad nito.. Di ko naman na ito pinansin at nagtipa nalang sa phone ko..

" hmmm.. Sa palagay ko di na dadating ka date mo" saad nito kaya tinaasan ko nalang ito nang kilay..

" well it's 9:00 pm at napaka unlikely naman na ma late sa first date diba?" dagdag pa nito pero nanatili akong tahimik..

" okay.. Hangin pala ang kausap ko.. I should have known" biro nito sabay tawa pero di padin ako nagsalita..

" i think it's better if umuwi ka nalang.. Come on.. I'll take you home" she offered..

" no need.. Marunong akong umuwi mag isa.." pag susungit ko..

" owkay.. Nabalitaan ko pa naman na may na biktima daw nang rape at pinatay nung nakaraan.. Tsk..tsk.. Andami na talagang tarantado sa panahon ngayon" saad nito sabay baling sa relo niya..

" hmmm.. So I'll get going then.. You sure you don't want me to take you home? The offer still stands you know" nakangiti nitong saad pero di ko ito pinansin..

" owkay.. Goodbye then" saad nito at tumalikod na.. Muli naman akong bumaling sa cellphone ko pero ni isang reply mula kay Ocampo eh wala akong natanggap..

In BetweenWhere stories live. Discover now