Chapter 9

956 50 23
                                    


Napabuntong hininga si Althea habang bitbit ang isang Bouquet ng pinaghalong kulay ng White at Red Roses.

Walang pag mamadaling lumapit siya sa entrance at binati niya ang guard.

"Good Morning Manong." Nakangiti niyang bati.

"O Althea.. Magandang umaga rin. Delivery?" Tugon ng Security Guard.

"Oho.." nakangiti niyang sagot.

"Matagal tagal yata bago ka nakapag deliver dito ah. Nung mga nakaraan kasi si Batchi yung nag de-deliver dito. Nung minsang tinanong ko siya kung nasaan ka, ang sabi e, nagpapagaling ka daw ng puso mo. Brokenhearted ka daw kasi."

Napapailing nalang siya habang napapangiti sa sinabi ng Guard. Bagama't hindi na siya nagtaka. "Alam niyo naman si Batchi, Manong mapagbiro talaga yun. Pero okay na po ako ngayon. Kaya, ako na ho, ang mag de-deliver mula ngayong araw."

"So totoo ngang na brokenhearted ka?" Muli ay tanong ng guard.

Ngumiti siya ng malawak. "Si Manong talaga oh." Napapailing na lang siya. "Pasok na ho ako. Baka naghihintay na yung nagpa deliver nitong bulaklak Manong. Ayoko naman siyang pag hintayin. Masama yun sa negosyo."

Napakamot naman sa ulo ang Guard saka nito binuksan ang glass door.

"Salamat ho Manong." Muli niyang wika bago tuluyang pumasok.

Muli ay napangiti siya ng malawak ng matanaw niya sa reception area si Kathleen. Nakayuko ito habang may kausap sa telepono.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay dun lang ito nag angat ng tingin sa kanya. Tinaas nito ang isang daliri sa kanya hudyat na tatapusin lang nitong kausapin kung sino-man ang nasa kabilang linya. Tumango naman siya saka inilibot ang paningin sa Lobby ng Hotel.

"Umaasa kang makita mo siya?"

Agad naman siyang napalingon kay Kathleen na ngayon ay nakatitig na sa kanya. Wala na pala itong kausap sa telepono. "Sino?" Pagkuway tanong niya.

"Seryuso Althea?" Taas kilay na tanong nito.

Nginitian niya lang ito. "May delivery kaya ako nag punta dito."

Tinitigan muna siya nito bago sumagot. "Diba dapat si Batchi ang nag de-deliver dito?"

Napangisi siya. "Bakit? Bawal na ba akong mag deliver ngayon dito?"

"May sinabi ba ako Althea? Nag tatanong lang naman ako ah." Sagot ni Kathleen habang tuwid na nakatitig sa kanya.

Tinitigan din niya ito. "Mula ngayon ako na ulit mag de-deliver dito. Back to normal. Dating gawi. Kaya asahan mo ng lagi mo na naman akong makikita dito."

Hindi ito sumagot. Kaya muli siyang nagsalita.

"Iniisip mo bang kaya ako ang nag deliver dito ay para makita si Jade?" Pagkuway tanong niya.

"Bakit hindi ba?"

Nagulat siya sa tanong nito. Kaya hindi na siya sumagot. Tinitigan niya lang mga bulaklak na hawak niya. Mayamaya lang ay muli itong nag salita.

"Sorry..."

Napaangat siya bigla ng tingin kay Katleen. "Bakit ka nag so-sorry?"

"I just feel like it. Kaya sorry Alt." Sabay hawak nito sa libreng kamay niya na naka patong sa table. "Nag aalala lang ako sayo. At di mo yun mawawala sa akin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

C H F I L W Y (JaThea)Where stories live. Discover now