Chapter 1

2.9K 71 1
                                    





"C'mon!" Sigaw ni Jade sa kabilang linya. Habang matulin na nag mamaneho. "Don't do this to me David!" Nangingilid na ang mga luha niya sa mata habang hawak hawak sa isang kamay niya ang cellphone na kulang nalang ay madurog dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Habang ang isa niya namang kamay ay abala sa manubela. "Please..." pakiusap niya.

"I'm so sorry Jade."

Gulat na napatingin si Jade sa cellphone niya ng babaan siya bigla ni David sa kabilang linya. Inis na itapon niya sa backseat ang naturang bagay bago napapikit. Pero ganun nalang ang takot niya ng sa pagdilat niya ay muntikan niya ng masagasaan ang isang babae. Agad siyang nag menor. At kung hindi dahil sa seatbealt malamang tumilapon na siya. Matagal bago siya napaangat ng mukha. Hingal habang dahan dahan niyang ini-aangat ang mukha mula sa pagkaka subsob niya sa manubela.

Nakabangga ba siya? Wag naman sana.. Lihim niyang dasal.

Kaya di niya maintindihan kung bakit ang bilis parin ng tibok ng puso niya, gayong hindi naman niya nasagasaan yung babaeng tumawid. Bagkus ay matuwid itong nakatayo sa harapan ng sasakyan niya at matamang nakatitig sa kanya. It took several minutes bago siya nahimasmasan. Napalunok siya bago mabilis na tinanggal ang seatbealt at lumabas sa sasakyan niya. "Miss, are you okay?" tanong niya.

Matagal bago ito tumango.

"Sigurado ka?" tanong niya ulit. Gusto niyang makasigurado.

Tumango lang ulit ito.

Nakahinga siya ng maluwag. "Good. Uh... Umm I'm sorry. Di ko namalayan na tumawid ka. Umm..." Paano niya bang sasabihin na dahil sa katangahan niya muntikan ng malagay sa panganib ang buhay nito.

"It's okay. Wala namang nangyari. I mean nakatayo pa naman ako sa harap mo, at kausap ako. Meaning buhay ako." tugon nito.

"Are you serious?" di siya makapaniwala sa mga sinabi nito. "Miss, muntikan na kitang masagasaan. At kung hindi ako nakapag menor agad, malamang..." napalunok siya. "Malamang tumilapon kana dahil sa bilis ng pag papatakbo ko. Tapos ngayon sasabihin mo sa aking okay ka lang?" talagang di siya makapaniwala.

Tinitigan lang siya nito bago ngumiti.

Paano nitong nagagawang ngumiti. Napakunot noo siya. Drug addict ba ito?

"You should relax Miss. Mukha kasing ikaw ang hindi okay."

"What?" kunot noong tanong niya.

Nagkibit balikat lang ito, bago nag lakad at pinagpatuloy ang pag tawid.

Sinundan niya ito ng tingin. What did just happened.







***






"Sal please! Hindi ko na alam gagawin ko."  humahagulgol na iyak ni Jade habang nakaupo sa isang sulok ng kwarto niya at kausap sa kabilang linya ang matalik na kaibigan na si Sally. "I'm so messed right now. Kaka brake lang ni David sa akin ng di ko alam kung ano ang dahilan, tapos muntikan na akong makasagasa kanina!" sigaw niya. "I don't know what to do."

"Jade calm down okay? I'm on my way. Please wag kang aalis kung nasaan ka man ngayon. And please..." putol nito sa sasabihin.

"What?" tanong niya ng huminto ito sa pagsasalita.

"Huwag kang magpapa kamatay."

"I'm not suicidal Sal." tugon niya.

"Well naniniguro lang."

C H F I L W Y (JaThea)Where stories live. Discover now