Mabuti na lang nakapagpaalam na siya kagabi pa lang sa Nanay at mga kapatid niya. Isang maliit na maleta lang na may gulong ang nilagyan niya ng mga damit. Magastos siya sa damit kaya nagdala siya nang marami. Haharap siya sa kaanak ni Franco kaya nagsuot siya ng desenteng damit. Isinuot niya ang light blue half-shoulder dress niya na hapit ang baywang at hanggang tuhod ang laylayan. Blue three inches sandals ang sapin niya sa mga paa at pinili rin niya ang light blue shoulder bag. Pinag-isang bungkos niya ang kanyang buhok na kaagad natuyo ng blower. Tinaasan niya ang pagkakatali at nag-iwan lang ng iilang hibla na nakalawit sa pisngi niya. Naglagay lang siya ng manipis na face powder at light pink lip stick. Wala nang maska-masakara. Mabuti na iyong natural ang beauty niya.

Nang biglang bumusina ang sasakyan ni Franco ay lalo siyang nataranta. Eskandaluso ang ingay nito. Hinaklit na niya ang kanyang maleta saka nagmamadaling lumabas. Halos magkanda-dama siya habang palabas ng gate.

Nag-abala pang lumabas si Franco para salubungin siya. Sa inis niya'y kinurot niya ito sa tagiliran.

"Aw! Bakit?" daing nito. Inagaw nito sa kanya ang maleta niya.

"Apurado ka masyado. Kamuntik na akong mahulog sa hagdan kamamadali," palatak niya.

Nauna na siyang sumakay sa passenger seat. Nang maisakay ni Franco ang maleta niya ay kaagad rin itong sumakay at umupo sa harap ng manibela. Nagmaniobra ito.

"Sorry. Ang tagal mo kasi. Sabing huwag ka nang maligo. Nagpaganda ka pa," sabi nito.

"Ano'ng gusto mo, haharap ako sa kaanak mo na amoy laway at hindi nagsusuklay?" aniya.

Tumawa pa ang hudyo. "Honey, kahit hindi ka maligo o magsuklay, maganda ka pa rin," patutsada nito.

Itinirik niya ang kanyang mga mata. "Just in your eyes only," sabi niya.

"No, you're beautiful anytime, anywhere or anyone else."

"Ah, tama na." Biglang tumunog ang simura niya.

Nasipat siya ni Franco saka ito tumawa. Tiningnan niya ito nang masama.

"I think we should buy some breakfast first," sabi nito.

Naalala niya, kaunti lang ang nakain niya kagabi kaya ang bilis niyang nagutom. Dumaan sila sa drive tru ng isang fast food at nag-order. Mas mabilis iyon. Hamburger at sopas lang ang gusto niya pero may palabok at malaking potato fries na binili si Franco. Habang busy ito sa pagmamaneho ay busy rin siya sa pagsubo ng pagkain.

"Subuan mo ako ng fries, please," utos nito sa kanya.

Sinubuan naman niya ito. Dalawang cheeseburger ang binili nito. Binuksan niya ang isa at maya't-mayang isinusubo rito.

"Ayaw mo ba ng palabok?" tanong nito nang mapansing hindi niya ginagalaw ang naka-styro box na palabok.

"Gusto pero titikman ko lang. Busog na ako ng burger," sagot niya.

"Ang bilis mo namang mabusog. Sa bagay, ang liit ng tummy mo." Sinipat nito ang tiyan niya na manipis.

Hindi niya maiwasang maging berde ang isip lalo pa't sinuyod din ng tingin ni Franco ang nahantad niyang hita nang mag-dikuwatro siya.

"Oohh... God," narinig niyang anas nito.

Pinukol niya ito ng mayahap na tingin. "Umaandar ka na naman," angil niya.

"Bakit?" natatawang tanong nito.

"Ikaw, napakalandi mo," inis na sabi niya.

"Bakit na naman?" Nakatawa pa rin ito.

"Alam ko ang iniisip mo. Nagnanasa ka na naman."

Tumawa ito ng pagak. "Come on, you're such a beautiful and sexy woman. You can't blame me to desire you. Kahit sino ang lumagay sa posisyon ko ay mahihirapang magpakasanto, Coleen."

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now