SPECIAL CHAPTER

954 24 16
                                    

"Sa bawat gabi na wala kana sa aking tabi"

Noon araw araw mahal, hirap pa rin ako matulog. Pero ngayon, i found peace while sleeping, feeling ko sa panaginip lang kita nakakasama kahit hindi pa-minsan minsan ka na lang dumadaan sa mga panaginip ko.

"Napagtanto ko nang di na mabalik ang pananabik"

Naalala mo yung excited ako makauwi ka? Kasi finally, maayos na tayo. Hindi ko alam dun ka pala kukunin sakin at hindi na babalik, inaantay kita mahal eh. Nagaantay ako na kahit ngayon nagaantay ako parin.

"Na dati'y tila di na mag mamaliw
Di mo ba, ramdam ang hapdi?
Na dinulot ng luha at pagka sawi
Nitong damdamin na naglaho"

Nung nawala ka, araw araw baha sa Japan, mahal. Baha ng mga luha ko. Habang buhay ko kasi dadalhin yung pagkawala mo, ang sakit sa sobrang sakit, nasasanay na ako. Parang normal na lang yung sakit na hindi naglalaho.

"Sa masalimuot nating daigdig
Para bang nagalit ang pagkakataon
Sa atin na ang tanging hangad lamang ay umibig"

Galit na galit. Pucha, kung sa wrong timing. Tayo yun, mahal eh. Ang unfair ng mundo 'no? Andon eh, ikaw na lang inaantay ko nun. Alam mo inisip ko kung ano ba ginawa kong mali, mabait naman akong tao, pero bakit ako dapat yung makaranas ng ganito? Nagkasakit ako, lumaban ako. Binigyan niya ako ng second life, pero hindi naman ako masaya, ikaw naman kinuha niya. Tanging hangad lang natin ay magmahalan diba? Yung usap pala natin, last na yon. Kung alam ko lang, sinabi ko na sayo na mahal parin kita para kahit don for the last time maparamdam ko sayo na mahal kita. Hanggang ngayon parin naman mahal, hindi na nga ata ako ready pumasok sa isang relationship.

"Ikaw ang tanging mahal
Di ko inakalang di magtatagal"

When i met you for the first time, hindi ko alam na ikaw yung tutulong sakin na maging better person. Alam mo? Ikaw lang yung pinakaminahal ko nang ganito. Iba yung epekto mo sakin, Juan. Kahit hanggang ngayon, kahit wala ka na saking tabi. Ang lakas parin, kahit tinitingnan ko lang mga past convos at pictures natin, kinikilig pa rin ako pero may kirot. Noon, i'm so sure na ikaw na magiging asawa ko, magkakaroon tayo ng mga anak, basketball team remember? Tapos may isang babae para maging actress. Hindi ko alam na hanggang sana na lang lahat ng mga plano natin noon.

"Noo'y umasang walang iwanan
Ngayo'y di na kaya pang panindigan
Ang mga salitang binitawan
Paano nang pagmamahalan?"

You promised me remember? Sabi mo, ibabalik mo yung promise ring pag naging okay, pag naging okay tayo. Hindi man lang nakaabot sakin, mahal. Hindi mo man lang naabot sakin, yung ikaw mismo magaabot. Si Ricci nagabot nun. Hanggang ngayon, andito parin yun sa lahat ng photoshoot/trabaho na kailangan tanggalin, hindi ko tinatanggal mahal. Feeling ko kasi parte na sakin yon. Hindi na maalis sakin.

"Ito na nga ba ang ating hantungan?
Ipinikit ang mga mata
Upang di na masaksihan pa
Ang iyong mga hakbang
Na unti unting naglayo sa atin"

When i passed out, i saw you. Sa simbahan, andon ka. Nakikinig ka sa lahat ng mga sinasabi ko. Akala ko namamalik mata lang ako, akala ko anjan ka talaga. Yun pala anjan ka para marinig sasabihin ko for the last time, naalala ko pa, nasa may pintuan ka nun, kumaway ka pa nun diba? hindi ko alam na nagpapaalam ka na pala. Yun na pala yung last na kita ko sa'yo dahil nag hahallucinate na ako dahil wala ka na nun.

"Paalam
Ika'y di malilimutan
Kailanman"

Everytime na napapaniginipan kita, lagi mong sinasabi na wag kitang kalimutan na okay naman akong maging masaya. As the time goes by, pinalaya na kita mahal kasi kung hindi, ikaw naman yung hindi magiging masaya, ikukulong lang kita sa mundo kung saan pinipilit kong buhayin ka. Masakit at di birong magpaalam, yung palayain ka. Mahal kita eh, noon hindi naging madali sakin na palayain ka pero ngayon mas pinipili kong maging masaya para sa mga taong nanjan sakin. Importante ka sakin, mahal. Hindi naman kita malilimutan, pero ngayon paalam. Paalam muna, magkikita pa rin tayo. Remember? We'll meet at the finish line, again? I hope it's in heaven. Antayin mo ako jan ha?

Til' We Meet Again, Uno.Where stories live. Discover now