If we meet again - 8

872 13 0
                                    

Wala pang 2PM nandito na ako sa Red Mango, Greenbelt

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Wala pang 2PM nandito na ako sa Red Mango, Greenbelt. Wala naman akong errands today kasi free day nga then bukas may aattendan kaming launch.

Wala naman kasing tao dito sa Red Mango kasi nga liblib siya ka-level niya kasi yung Cinema. Pag pasok ko naman they greeted me agad and asked for a photo, i agreed naman since wala pa naman si Juliana.

I didn't want to rush Juliana naman so di nako nag bother mag text sa kanya, i patiently waited for her to come and siguro wala pang 30 minutes i saw her walking towards to me.

To be honest, i don't know what to feel. Is she mad at me? Baka bigla na lang niya ako sampalin. Or baka ina-accuse niya ako inaagaw ko yung boyfriend niya.

"Hi" she joyfully greets and bineso niya ako so i was kinda shock sa ginawa niya.

"Juliana" as i begin, after nun umupo na kami since nag order na din siya.

Kinakabahan ako kasi feeling ko anytime magwawala siya or ano but what she did made me comfortable.

"How are you, Pat?" She smiled. Wait, ang weird. You texted me because you wanna talk about your boyfriend? Pero di siya galit?

"I'm goo-"

"No, i mean- how are you feeling?" Pinatong niya yung bag niya sa table namin.

I chuckled "What do you mean?"

"I mean- after recovering. Are you good na ba? May chances ba bumalik yung cancer cells? Or cancer free ka na talaga?" Anong tanong 'to? Ngumiti lang ako tapos tiningnan ko siya.

"I'm good. Chances are .01 and yes, cancer free na talaga ako. I've survived it oh! After battling it from almost 3 years"

"That's great. You know- i'm always praying for you." bigla niyang sinabi.

"I know it wasn't easy for you to leave Juan like that, to leave everything. Pero i got the chance to take Juan from you"

"I was secretly praying na makasurvive ka pero ma-realize mo na di mo na kailangan si Juan, i know it's a selfish mo-"

"Maam, here's your order po" Napukaw naman atensyon naming dalawa sa naghatid ng fro-yo namin.

Kinuha lang namin then she started to eat, ay no pala. Pinaglalaruan lang niya, parang ang dami niyang gustong sabihin sakin pero nagaalinlangan siya or yung di niya alam kung ano uunahin niya.

"Please, wag ka ma-awkward. Juan's my ex now. Gusto ko lang kita kausapin just because i need to say something sa'yo and to say sorry na rin" Tiningnan ko siya. Kitang kita ko sa mga mata niya yung sincerity at yung lungkot.

Malungkot ba siya dahil andito ako or malungkot siya dahil wala na sila ni Juan? At bakit sila naghiwalay?

Tumawa siya.

"To be honest, i'm not sad that you're here. I'm actually happy nga dahil you made me see my worth. I broke up with Juan because i knew from the start, it's you."

Til' We Meet Again, Uno.Where stories live. Discover now