EKB 1.11 - Enough na -

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako naniniwala sa'yo. Hindi ganun si Papa. Hindi naman siguro nya magagawa 'yun.

"Rei I'm sorry. Dapat 'di ako nagsabi ng ganun. I'm sorry." Ramdam ko naman ang apology nya. Naguluhan lang ako lalo. May sira ba sa ulo ang mga tao ngayon? 

"You're just kidding, right?" Natawa ulit ako. Mababaliw na ata ako.

"No. I'm sorry because it's true."

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi nya. Ginagago ba ako nitong babaeng 'to? Nakakabwisit na! Frustrated kong ginulo ang buhok ko at nagpasya akong iwan na sya. Ang gulo!! Akala ko tapos na. Meron pa pala dahil magsisimula palang akong maglakad papalayo ay napahinto na rin ako agad. Shit.

"Alex."

"Rei." 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote nitong babaeng makulit na 'to at bigla nya akong kinapitan sa braso. Bumaba ang tingin ni Al mula sa mukha ko papunta sa kamay nung babae. Inikot ko ang braso ko para tanggalin nya ang kamay nya. Shit. Tinignan ko si Al at agad rin naman akong nag-iwas ng tingin. Galit sya. Nasaktan sya. 

"Mag-usap nalang tayo sa bahay." Sabi ni Al tapos nilampasan na nya ako agad.

"Kapatid mo 'yun?" Tanong ng makulit na babaeng hindi ko alam ang pangalan. Babaeng baliw na bigla nalang magsasabi ng mga bagay na hindi ko matanggap. Babaeng living proof ng salitang bwisit.

"Hindi. Asawa ko." Hinawakan ko sya sa braso nya at hinila sya papalabas ng mall. Ihahatid ko lang 'to tapos kakausapin ko na si Al. Kagaguhan, Rei! Bakit ka pa susunod sa Papa mo kung alam mong ayaw mo naman! Ngayon sinesermonan ko na ang sarili ko. Nababaliw na talaga ako. "Shit. Umuwi ka na nga lang mag-isa mo!"

--

Gulong-gulo akong umuwi sa bahay. Kahit na kinakabahan ako, dire-diretso pa rin ako.

"Kasalanan ko, sinundan kita." Sabi ni Alex sa akin pagkapasok ko. Mangyayari na naman ba 'yung nangyari sa amin dati dito? 

"Alex. Pinameet sya sa akin ni---" Napatigil ako sa pagsasalita nang ngumiti si Alex. Ngumiti sya ng mapait and it is killing me

"Alam ko, Richard." She played with her fingers at iniwasan nya ako ng tingin. I had the urge to reach for her but decided not to. Iiyak lang sya. Mas mabuti siguro kung dito lang ako sa pwesto ko para may distansya kami. Sa gantong paraan, mas makakapagsalita kami at mas maiiwasan ang bugso ng damdamin.

"Narinig mo.. ba?" Sa sahig nalang ako tumingin dahil hindi ko rin nanaising makitang nasasaktan sya.

"Narinig ko rin 'yung pag-uusap nyo ng papa mo." Ipinikit ko ang mga mata ko. Ano ba 'tong nangyayari sa amin? "Richard, let's just end this."

"Alex?! B-Bakit.. Ano.." Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. May kailangan ba akong sabihin? Hindi ko alam kung magbubulag-bulagan ako at makikipagbiruan nalang ulit sa kanya. Hindi ko alam kung magsasalita pa ako dahil natatakot akong mas lalo pang lumaki ang gulong nangyayari ngayon.

Kapag hindi naman ako nagsalita, ganun rin. Hindi rin kami magkakaintindihan. Katulad ng usapan namin ni Papa. Hindi ko alam na alam nya. Hindi ko rin ipinaalam. Kung sinabi ko kaya, may magbabago?

"Aayusin ko 'to, Al." Yun nalang ang nasabi ko.

"Mag-iisang buwan na 'yung issue na 'yun, Rei." Hindi ko nakuha kung anong pinupunto nya pero kada salitang lumalabas sa bibig nya, katumbas ng isang kirot sa puso ko. 

"Al ang hirap kasi."

"Ngayon alam mo na? Naiintindihan ko kung bakit hindi mo sinabi, kasi ganun rin 'yung ginawa ko e." Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Hinayaan ko lang syang magsalita, tutal wala na ring kwenta kahit magsalita pa ako. "Wala, Rei. Hindi nga siguro tayo para sa isa't-isa. Kahit anong pilit nating magsama, pinaglalayo talaga tayo."

"Alex naman." Pakiusap ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit na rin ako sa kanya. Gusto ko syang yakapin pero hindi ko na alam kung tama pa bang gawin 'yun. Hindi ko na alam. Wala na akong alam.

"No, Richard. Let's just accept this. H'wag kang mag-alala, naiintindihan ko naman. Masakit lang talaga." She smiled kahit na tumutulo ang luha nya. Ilang beses ko ba syang pinaiyak? Ayoko na. Gusto ko nang sumuko at kung may reset button akong mapipindot, pinindot ko na. Wala e. Ang sakit. Bakit kailangan naming maghiwalay? Kung hindi ba talaga kami para sa isa't-isa, walang remedyong pwedeng gawin? Ang sakit kasi. 

"Aayusin ko 'yun." Hindi ko magawang hawakan sya. Natatakot na akong gumalaw o magsalita, baka makasakit lang ako. 

Matagal syang tahimik. And what she said next killed everything in me. "'Wag ka nang mamoblema. We.. We couldn't call it off either. Matutuloy ang kasal ko kay Bryan."

Nanghina ako lalo. Ano ba 'to? Masaya naman kami a? Mahal ko sya at ang sabi nya, mahal nya ako. Bakit ganito? Wala na ba talaga kaming magagawa?

"Al." Hinawakan ko sya sa magkabila nyang braso. "I know this sounds crazy. Let's.. Let's--"

"Elope? No. Rei, let's just stop." She gave me a weak smile. Lumayo sya sa akin. Lumayo ang babaeng mahal ko sa akin. Teka, saan ka pupunta?

"Al naman. Gawan natin 'to ng paraan." Pakiusap ko sa kanya pero bago pa ako makalapit sa kanya, lumabas na sya ng bahay ko. Ayaw na ba talaga nya? Bakit ngayon ka pa sumuko?

"Ayokong mahirapan ka ulit dahil sa akin." And those were the last words whe said.

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon