"Ah, oo nga po eh. Hindi ko nga ini-expect na pupunta si Papa eh. While si Mama, umalis po kasi muna siya. Hindi ko pa po alam kung kailan siya babalik."

Tumango naman sila.

"Pero why do look so sad nung kumanta ka kahapon?"

Napatigil naman ako sa tanong ng Reyna saka napalunok.

"Ah, theme song kasi po nina Mama't Papa iyon. Then, medyo nagka-problema po kasi. I think maghihiwalay na po sila, for good."

Sagot ko kaya napatigil silang lahat sa pagkain at tumingin sa akin.

"Oh! Sorry for asking. Hindi ko--Haha. It's fine po tita. Hindi naman ako masyadong sensitive about sa topic na iyon."

Napangiwi naman siya habang nakatingin sa akin.

"Okay nga lang po. No need to be sorry."

Sabi ko sabay ngiti.

Tumango naman sila.

* - *

Hapon na at ngayon pa lang kami nakapag-swimming.

"Hahahaha! Mukha kang tanga Vanvan! Hahaha."

Sambit ko habang itinuturo si Vanvan na nilagyan ng flower crown ni Tita Kath.

"Muhka kang bakla. Pramis! Hahaha"

Sabi ko ulit kaya inirapan ko siya.

Kanina niya pa gustong tanggalin ang flower crown pero hindi niya matanggal-tanggal.

Pfft.

Nasa may swimming pool nila kami, gusto sana nila na sa falls daw na tambayan ni Vanvan pero tinatamad raw sila kaya dito nalang muna kami.

"Ikaw ah! Kanina ka pa tawa ng tawa diyan. Palakad ka lang ng lakad diyan. Hindi ka naliligo. Humanda ka talaga sa akin."

Tumakbo naman ako nang habulin niya ako.

"Kyaaaaaah! Tumigil ka Vanvan! Kyaaaaaah!"

Napatili naman na ako nang yakapin niya ako saka nagteleport papunta sa may diving board at tumalon.

"Kyaaaaaaah! Vanvaaaaannn!"

Narinig ko naman siyang tumawa.

"Ohhh!!!!! Anong problema Annaa!"

Pagkalubog namin sa tubig ay agad namang lumangoy naman si Vanvan papataas.

Napatawa naman ako at napahawak sa balikat niya.

Pero agad rin naman akong napatigil nang mapansing kong nakatitig siya sa akin.

"May problema ba Vanvan?"

Sambit ko pero umiling naman siya.

"Eh ba't ganyan ka makatingin?"

Tanong ko ulit.

Napahinga naman ako ng malalim nang tila bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wala lang."

Sagot niya kaya napalunok ako.

Nagtitigan pa kami ng ilang minuto pero agad rin naman kaming nagsiiwasan ng tingin dahil sa biglaang pagtawag sa amin ni Tita.

"Hoy! Magsiahon na kayo diyan! Mag-gagabi na. Mag bonfire tayo! Halina kayo!"

Sabi ni Tita kaya napakagat labi ako saka nagsimulang lumangoy papunta sa edge ng swimming pool at umahon.

"Panira ka Mommy!"

Sigaw ni Vanvan kaya nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay.

Narinig ko namang napatawa si Tita.

"As always naman baby. Halina kayo!"

Nailing nalang ako saka sumunod kina Tita pero nadulas.

Shete!

Pero nagulat nalang ako nang masalo ako ni Vanvan.

Ba't ba ang bilis maka-teleport ng isang 'to?

"Woah! Mag-ingat ka naman Anna!"

Tarantang sabi ni Vanvan kaya napatingala ako sa kanya.

Hindi ko alam kung ba't lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nagkakalapit kaming dalawa.

"Oo na nga. Hehehe, pwede mo na akong bitawan."

Sabi ko kaya binitawan niya na ako.

Nagulat nalang ako nang kunin niya ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri.

'Anyare sa lalaking 'to?'

"Baka mapano ka pa, halika na."

Sabi niya saka ako hinila.

* - *

"So iyon lang ang nangyari? Wala na bang mas sweet dun, Luciiaaaannnna? Kyaaaaaah! Kinikilig ako!"

Binatukan ko naman si Pepper.

Kung ano-ano nalang ang pinagsasabi eh.

Saang part ang nakakakilig dun?

"Ash! Ang KJ mo Lucianna Miranda! Pagbigyan mo naman akong kiligin sa inyong dalawa ng prinsipe. Psh. Pero hindi nga insan, hindi ka kinikilig? Kahit mga payb percent man lang?"

Tinititigan ko naman muna si Pepper.

Saka umiling.

Nakita ko namang napabuntong-hininga ito.

"Wala ka talaga insan. Seryoso kang hindi ka kinikilig? Base kasi sa kinukwento parang may gusto na sayo si Prince Vander. Tama nga ang sinabi ni King Tristan, Kawawang puso. Paki-sabi sa Vanvan mo Condolence ah, aray!"

Hinampas ko naman siya ng unan.

"Nababaliw ka na talaga. Wala kayang nararamdaman ang prinsipe sa akin. H'wag kang assuming."

Nakita ko naman itong umiling.

"Psh! Manhid! Manhid ka Lucy! Pero hindi nga, anong nararamdaman mo sa tuwing nandiyan ang prinsipe? Wala ka bang weird na nararamdaman? Like kinakabahan ka sa tuwing nandiyan siya? Yung feeling na parang may butterflies sa stomach? Nang-iinit na pisngi? Sure ka talagang wala?"

Napatigil naman ako dahil sa sinabi ni Pepper.

"Ano naman kung meron?"

Sagot ko at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Pepper at parang natigalgal ito habang nakatingin sa akin.

"Kyyaaaaaaaaaaah! Dalaga ka na insan! For the first time in forevah! May crush/nagugustuhan ka na! Kyaaaah! Love is in the air! I can feel it! May ship is sailing!"

Napapangiwing nakatingin nalang ako kay Pepper dahil sa pinagsasabi niya at pinanagagawa.

Talaga bang pinsan ko ang isang 'to?

"Psst! Lucy!"

Napatingin naman ako sa may bintana nang may narinig akong may tumatawag sa akin.

"Lailanie?"

Sambit ko at nakita ko naman siyang sumenyas na parang gusto niyang lumapit ako.

"Oh? Pumunta ka sa forest ng academy, may gustong kumausap sayo. Hihintayin ka nalang namin nina Edgar sa may bukana nito."

Sabi ni Lailanie saka lumipad.

Okay?

Sino naman ang gustong kumausap sa akin?

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now