Chapter 25

11.4K 445 9
                                    

Chapter 25

"Sabi mo kakanta ka? Anong kakantahin mo uy? Psssst"

Binatukan ko naman si Pepper.

Ang ingay eh.

"Nagpa-practice ako, kaya manahimik ka diyan."

Nakita ko naman siyang napangiwi.

"Nagpa-practice? Nagpa-practice nang walang lumalabas na boses diyan sa bibig mo? Saan ang practice diyan?"

Inirapan ko naman siya.

"Nagpa-practice ako mentally kaya manahimik ka. Dini-distract mo ko eh." Inismiran niya naman ako. "Hoy Paminta! Pagbuksan mo iyong kumakatok!"

Sigaw ko.

"Oo na! Heto na oh! Omy! Ang ku-kyut! Sinong nagpadala sa inyo?"

Tanong ni Pepper kaya napasilip ako pero wala naman akong makita.

"Nandito na iyong damit mo, Lucy! Pati shoes mo! Kyaaaaah! Aym so eksayted! Ang galing pa naman ni Tita sa mga ganitong bagay. Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi ka nagmana sa kanya."

Tinapunan ko naman siya ng unan dahil sa sinabi niya.

Binuksan niya naman ang unang box at tumambad sa amin ang isang tube na red na fitted at may mahahabang slit at backless.

Napangiwi naman ako.

Hindi naman siguro ako binubugaw ni Mama ano?

"Para sa opening daw itech. Nako! Ang sexy mo kapag sinuot mo 'to Lucy! Baka mapanganga silang lahat! Kahit na si Prince Vander!"

Sambit ni Pepper.

Sa pangalawang box ay isang chiffon cocktail dress na kulay pink.

May crystals pa ito at pearls.

Long sleeve ito pero see-through.

Napangiwi pa ako ulit nang makitang backless uli ito.

Sa pangatlong box naman ay isang ball gown na tube.

Kulay navy blue ito at may diamonds and pearls ulit.

May buhay pa na butterflies ang damit ko na kumikinang.

Napailing tuloy ako.

Saan kaya iyan nakuha ni Mama?

"Lucy!"

Napalingon naman ako sa may pintuan nang makita ko sina Lailanie.

"Anong ginagawa niyo rito?"

Narinig ko namang napahagikik ito.

"Kami ang mag-aayos sayo! We're going to make super duper pretty!"

Napangiwi pa ako nang sabay na humagikik si Lailanie at Pepper.

May lahi sigurong pixie itong si Pepper, kuhang kuha ang paghagikik ni Lailanie eh.

"Halika na, aayusan ka na namin."

Umupo naman ako sa isang upuan at sinimulan na nila ang pag-aayos sa akin.

Well, gamit ang pixie dusts nina Lailanie tho.

Pinasuot naman nila sa akin ang damit at hindi ko maiwasang hindi mapangiwi nang mapansing kitang kita ang hubog ng katawan ko.

"Aish! Ba't ba ito pa ang napili ni Mama?"

Sambit ko saka tumingin kina Pepper.

Napangiwi pa ako nang makita ko silang nakanganga at nakatitig sa akin.

"What's with your faces?"

Tanong ko, napakurap kurap naman sila at nagtititili.

"Omegash! Insan, ang ganda't sexy mo! Tingnan lang natin kung hindi mapapahiya yung bruhang Erielle na yun!"

Napailing nalang ako saka humarap sa salamin.

Mi-nessy bun nila ang buhok ko.

Nilagyan ng makapal na eye liner at smokey eye shadow.

At bloody red lipstick.

At dangling silver chain earrings.

"Friend, kanino mo nakuha iyang kwintas mo?"

Napalingon naman ako kay Pepper.

HaHa?"

Itinuro niya naman ang kwintas na bigay sa akin ni Vanvan.

"Ah, ito? Binili ko. Hehe"

Napataas naman ang kilay niya.

"Hindi bagay sa outfit mo, bagay iyan sa ball gown, h'wag mo munang suotin, itong choker dapat."

Napaatras naman ako.

"Ha? Baka mawala? Gawin ko nalang na invisible."

Sabi ko kaya napatango nalang siya.

Kinuha ko naman ang choker saka sinuot.

"All done! Tara, mag-teleport na tayo sa venue. Kami na ang magdadala ng damit mo at susuotin. Kyaaaaah!"

Napatawa nalang ako saka tumingin kina Edgar at nginitian sila.

*Good luck Lucy!"

"Thank you!"

* - *

Muntikan na akong ma-late, mabuti nalang panghuli ako.

Huminga naman ako ng malalim nang tyempong pagkapasok ko sa backstage ay siya ring pagtawag ng pangalan ko.

"Nasaan na si Lucy Alcazarate?"

Tanong nung coordinator yata ng pageant.

"Baka nag-back out na."

"Oo nga, psh."

"Sorry, natagalan ako."

Sambit ko nalang kaya napatigil silang lahat at napatingin sa akin.

"I-ikaw si Lucy Alcazarate?"

Tumango naman ako.

"Ah, oo."

Tumango naman siya na parang hindi pa rin makapaniwala.

"Ah, pumwesto ka na."

Dali-dali naman akong pumunta sa pwesto ko at hindi ko mapigilan ang matawa nang marinig ko ang bulungan nila.

"Sh*t! Ang sabi mo nerd at manang iyan!"

"Iyon na nga eh! Nerd talaga iyan!"

"Eh bakit sobrang ganda naman yata at sexy?"

"Walang wala tayo compared sa kanya. Kahit si Erielle, wala! Tingnan mo nga! Ang graceful niya pang maglakad."

"Hindi ko nga alam. Akala ko nagbibiro lang iyong ibang estudyante na maganda siya kapag hindi niya suot ang eye glasses niya."

"Nako! Baka mas pag-initan siya ni Erielle!"

"Sinabi mo pa! Pero wala namang problema diyan! Parehas naman silang higher elite eh!"

"Pero ang ganda at sexy niya talaga!"

Talagang nagbulungan pa sila eh no?

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now