Chapter 1

20.4K 594 15
                                    

Chapter 1

Dali-dali naman akong pumasok sa kotse at sineryoso ang mukha.

Strict kasi si Papa.

Kung dragon si Mama, ito namang isang 'to hmmmm, Lion!

"Wala ka na bang nakalimutan, Lucianna?" Napangiwi naman ako sa sinabi ni Papa.

Pwede namang Lucy lang ang sabihin nila ah?

Oh di kaya, Luce!

Ba't kailangan Lucianna pa?

Kainis ah.

"Wala na po, dala ko na po lahat." Tumango naman siya.

"Good." Kita niyo na?

Hindi ba ang seryoso niya?

Siya ang isa sa mga halimbawa ng 'Man of a few words'.

Ewan ko nga kung bakit sila ni Mama ang nagkatuluyan eh may pagka-baliw naman si Mama.

Sa kanya nga ako ng nagmana eh.

Ang kaibahan lang naming dalawa, mas maganda ako sa kanya.

Kinuha ko nalang ang phone ko at nag sound trip.

Mapapanis na nga ang laway ko dahil sa wala akong kausap baka mabulok naman ang utak ko dahil sa nabo-bored na ako.

15 minutes pa naman ang biyahe.

"Lucianna"

Rinig kong sambit ni Papa kaya nakangusong nilingon ko ito.

Lucianna na naman!

"Yes, pa?" Sagot ko rito.

"Iwasan mong masangkot sa gulo, and why do you still keep on wearing your disguise? You look like a fool." Napabuntong hininga naman ako.

Heto na naman po tayo sa pagpuna niya sa disguise ko.

"I'm doing a social experiment Pa. And this is what I like to wear, so be it. I don't like wearing dresses and such." Napailing naman ito.

"Whatever. Basta umiwas ka sa gulo. I'll cut off your allowance sa oras na malaman kong nasali ka sa gulo Lucianna." Napangiwi naman ako.

"I know Pa. Pero paano naman kung hindi ako ang may kasalanan at talagang nasabit lang talaga ako?" Sabi ko pero umiling lang siya.

"It depends on my verdict then, Lucia--Pa, stop mentioning Lucianna. Luce or Lucy would be okay. Iyon nalang. Nakakaasiwa ng pakinggan." Putol ko sa sasabihin niya sana. Bumuntong hininga naman ito.

"You should take good care of yourself, Lucy. Mag-ingat ka rin doon at h'wag magpalipas ng gutom." Tumango naman ako.

"Syempre naman Pa. Ba't naman ako magpapalipas ng gutom? Hindi pa naman ako baliw para gawin iyon." Sagot ko kaya napatawa si Papa at tipid na napangiti.

Tumigil na naman ang sasakyan sa harap ng gate ng MEA.

"Nandito na tayo, hindi na kita maihahatid papasok sa loob. May meeting pa ako. Enjoy." Tumango naman ako at hinalikan sa pisngi si Papa.

"Sige Pa, una na ako. Paki-sabi na rin kay Mama, na peace na kami at mag-ingat siya. Kukulitin ko pa siya pagbalik ko sa atin. Bye bye." Tumango naman ito kaya kinuha ko na ang mga bagahe ko.

So here it is na!

Nasa MEA na ako, I just hope that everything would be fine.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now