Chapter 7

13.7K 441 10
                                    

Chapter 7

Nawala na nga ako sa mood dahil sa nakita ko kanina dumagdag pa iyong Vanvan na 'yon!

Kapal talaga ng mukha!

Ang sarap ipakain sa lion!

O 'di kaya ihambalos!

Jusko!

Kung hindi lang talaga iyon Prinsipe o kung hindi lang ako sinabihan ni Papa na magpakabait, matagal ko na 'yong inilibing ng buhay!

Ka-imbyerna eh!

Mabuti nalang wala kaming pasok kasi no where to found ang teacher namin sa History.

Kaya naman nasa dorm lang ako.

Ayokong lumabas!

Baka makasalubong ko iyong prinsipeng napaka-ewan!

Ansarap ipatapon sa ibang dimension!

"Insan, kawawa yung lapis. Bali na oh."

Sabi ni Pepper na bihis na bihis.

"Saan ka pupunta?"

Tanong ko.

"Gagala. Sama ka?"

Umiling naman ako.

"Yoko. Mas mabuting matulog nalang ako rito kaysa makasalubong o makakita ng mga masasamang elemento."

Binato niya naman ako ng unan.

"Ewan ko sayo. Nababaliw ka na naman. Una na ko. Gusto mo ng pasalubong?"

Tanong niya.

"Waffles"

Sagot ko kaya tumango siya.

Napabuntong hininga naman ako.

Saka naisipang matulog.

Hindi ko alam pero hindi ako makahinga ng maayos.

Kaya pilit kong idinilat ko naman ang mga mata ko pero itim lang ang tanging nakikita ko.

Ilang minuto akong naglalakad hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili ko na umiiyak puno ng dugo ang damit.

Bata pa ako nun.

Mga eleven years old.

Yakap yakap ko ang katawan ng kapatid ko.

'Kasalanan mo iyan Lucianna! Hindi ka kasi nag-iingat!'

'Oo nga! Sabi kasing h'wag kang basta-bastang magbitiw ng mga salita dahil alam mo naman kung anong kapangyarihang meron ka!'

'Hindi ko naman sinasadya, Lola!'

'Hindi mo sinasadya! Lumayas ka rito! Dahil sayo nawala ang susunod sa yapak ng ama mo!'

'Ma! Ano ka ba! Hindi sinasadya ng bata!'

'Hindi sinasadya! Kinakampihan mo po talaga iyang anak mo sa pangalawa mong asawa! Eh isang hamak na katulong lang naman iyon! Gold digger!'

'Ma! Hindi ganoong klaseng tao si Elisa!'

'Manahimik ka! Magsama kayong tatlo! At ikaw! H'wag na h'wag ka na ulit magpapakita sa akin!'

Napabangon naman ako sa hinihigaan ko.

Tagaktak ang pawis at patuloy ang pag-agos ng mga luha.

'Lucas.'

Sambit ko sa aking isipan at humagulhol.

'Hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko na-kontrol ang sarili ko.'

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa napansin kong gabi na.

'Hindi pa rin ba umuuwi si Pepper?'

Pumunta naman ako sa may refrigerator at nakitang nandun na ang waffles ko.

'Kumain muna ako ng dinner. Alam mo namang ayaw kong magpalipas ng gutom. Punta ka nalang sa cafeteria kung trip mo. At kapag hindi ka makasunod after kong matapos kumain ay dadalhan nalang kita. - Pepper ( 7:48 pm)

Napatingin naman ako sa wall clock at napansing mag-aalas otso palang ng gabi.

Kakaalis lang pala niya.

Nagsuot naman ako ng jogging pants at hoodie pagkatapos kong maghilamos at suotin ang eye glasses ko.

Hindi ako pupunta sa cafeteria, maglalakad-lakad ako.

Sana lang talaga, hindi ko makasalubong iyong masamang elemento.

Dumadagdag lang siya sa mga isipin ko eh.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now