Chapter 38: love-struck

Start from the beginning
                                    

Napalingon ako ulit pabalik sakanya, "Uh.. sigurado kaba? Saglit lang naman 'to.. nakakahiya naman kung ikaw pa ang magliligpit nitong higaan ko."

"No, it's fine, really.." Tango-tango nyang sabi, "We can manage our time better, kung magtutulungan tayo." Lumapit na ito at inumpisahan na nga nyang itupi iyon.

Grabe, nung pumunta kami dito sa camp, ini-expect kong maging bossy sya pero nagkamali ako. Napaka-gentlewoman pala nito.

"S-salamat.."Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan na lamang sya, ulit!!

"Hm?.." parang nagtatanong sya kung may kailangan paba ako, pansin kasi nyang nakatayo parin ako doon at hindi pa pumapasok ng banyo.

Masisisi nya ba ako?? I just love looking at her! Lalo na kapag ganitong sobrang bait nya..

"Hilamos kana po. Ha-ha.." Grabe! Yung tawa nya ang sarap pakinggan. Bihira ko lang marinig yon, sana tumawa pa sya ng mas madalas. Ang sarap sa tenga eh.

"S-sige.." Sabi ko; tila wala parin ako sa sarili ko, parang na-engkanto.

Kahit na nakapasok na ako ng banyo, hindi ko parin mapigilan ang pagmasdan sya, nakaawang ng bahagya ang pintuan.

"Uy! Andyan ka parin! Ha-ha.." Sita nya ulit saakin, umalog pa ang balikat nya sa pagtawa.

Nagulat ako kaya mabilis kong isinara ang pintuan ng banyo, napasandal ako doon at sobrang lapad ng ngiting gumuhit sa mga labi ko; nag-init din ang mga pisngi ko at tenga.

Ipinatong ko ang kamay ko sa dibdib kong sobrang lakas ng kabog.

Bakit ba parang kinikilig ako?!

Hayy, Nephra! Mababaliw na ata ako sayo..

...

***

Hinanda na namin ang breakfast namin, kalahati muna saamin ang nagluto at yung natitirang kalahati naman ay nag-prepare sa lamesa; doon na-assign sa mesa si Nephra.

"Inaantok kapa, Diana?" Nagtatakang tanong saakin ni Mark sa kusina, hindi ko kasi maiwasan ang humikab. "Ang aga na nating natulog kagabi ah.. 8 pm pinapasok na tayo sa pod."

Natawa ako sa tanong nya kasi wala silang kaalam-alam na umalis pa kami kagabi ni Nephra.

"Ah? Um.. oo eh. Matakaw kasi talaga ako sa tulog." Palusot ko sakanya. Nag-focus nalang ulit ako sa pagto-toast ng mga tinapay para mawala ang ngisi ko sa mukha.

Hindi narin nag-usisa pa si Mark, abala narin kasi sya sa pagluluto ng itlog, hotdog at bacon.

..

I started humming; Say you'll stay. Itong kanta na ito kasi ang kasalukuyang nagpapahayag ng damdamin ko ngayon. Sobrang ganda din kasi ng gising ko kaya hindi ko maiwasang kumanta.

*Humming*

♪ ♫ all I know is that I want to be

next to you... ♬♩

♭ ♫ ♬ Please say you'll stay..

Live each moment ♪ ♩

♬ ♮ ♩ oh love every minute..

take every second by the hand ♬♪♩

we don't have to worry..

May mga napapatingin saakin, siguro nagtataka sila kung bakit sobrang ganda ng mood ko o kaya hindi lang sila sanay makita akong ganito. Pero ang nakapagtataka doon ay wala akong pakialam basta masaya ako! Hindi tulad dati, kapag may mga taong tumitingin saakin agad akong nako-conscious.

(GxG) Let somebody love you 2019Where stories live. Discover now