Chapter 38: love-struck

Magsimula sa umpisa
                                    

Mabilis pa sa alaswatro kong inilayo ang mukha ko kay Nephra at naupo na sa kama.

"A-anong oras na?" Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at pinunasan ang gilid ng bibig kong kumpirmadong may laway nga.

Kinapkap ko ang eyeglasses ko sa side table at sinuot ko iyon.

Tinignan ni Nephra ang wrist watch nya, "It's 5:18 am.. alam mo bang may bell sa labas? Ms Maya had rung the bell multiple times already pero tulog na tulog ka parin." She said, wearing a slightly amused smile.

Nahiya ako bigla.. dapat nga pala maaga ang gising namin ngayong araw.

"Sorry.. hindi ko narinig yung bell. Late naba tayo?" Tanong ko habang hinihikab.

"Hindi pa naman. It's okay, alam ko namang napuyat ka kagabi."

Tumango ako, 12 midnight na ata kami nakabalik sa pod. Halos hindi na namin lisanin ang napaka-gandang lugar na iyon, we enjoyed each other's company. Lalong naging special ang moment na 'yon dahil magkasama kami.

"Oo nga, nag-enjoy talaga ako.." Sabi ko habang taimtim na nakatingin sakanya; it was a meaningful eye contact. Hindi ko parin kasi talaga makalimutan ang gabing iyon. Habang buhay ko itong i-te-treasure sa puso ko. Thanks to Nephra!

Namula ito sa mga titig ko at kahit na nahihiya ay gumanti parin ng ngiti. "I'm glad you enjoyed it. Mabuti nalang at hindi tayo nahuli nina Ms Maya kagabi." Sagot nya. Hindi ko alam pero mas naging blooming pa lalo si Nephra ngayon. She is glowing! Para syang...

..para syang in-love?

Pasikreto kong hiniling na sana ako ang dahilan nun. Kasi ramdam ko namang special ako kay Nephra at inamin narin naman nyang may meaning sakanya yung kiss pero-- "Ano kaba Diana?! Hinayaan kanang mapalapit nung tao sakanya, huwag mo namang sirain ito dahil lang sa kagustuhan mong masuklian ang damdamin mo." Saway na naman ng isip ko sa puso ko.

I suddenly felt guilty for wanting so much more.

"Sinabi mo pa. Pero alam mo? sobrang worth it nun.." Tumayo na ako at umalis sa kama, "Salamat dahil ipinakita mo saakin ang lugar na 'yon. It means a lot to me." Nagkatitigan na naman kami. Para kasing magnet ang mga mata namin, hindi namin iyon mapigilan.

Kahit papaano ay thankful ako dahil unti-unti na syang nag-oopen up saakin tungkol sa kanya; mas nakikilala ko na sya. Baka tama nga ang kutob ko, baka kailangan kong makinig sa mahinang boses sa loob ko na nagsasabing.. huwag mong sirain ang pagkakataong ito.

Baka kapag sinabi ko sa kanyang may nararamdaman ako, iwasan nya ako..
o kaya paano kung.. magalit ulit sya saakin? Kamuhian nya ulit ako, magbalik kami sa dati? Magkaaway.

Ayoko! Ayokong mangyari iyon. Hindi ko kayang mawala sya.

"You're welcome.." Her eyes conveyed so much emotions. Kung tutuusin hindi na nga nya kailangan pang magsalita. Kitang-kita ko na sa mukha nya ang tuwa at galak. Randam kong masaya siyang makasama ako; nabigyan naman ako ng konting pag-asa dahil doon.

At ganun din naman ako sakanya, masayang masaya ako tuwing kasama sya.

Ngayon siguro hindi pa namin alam kung ano itong meron kami, pero alam kong balang araw maiintindihan din namin ito. One thing is for sure.. I always want to be next to her, even though we don't know what this is all about.

Dahan-dahan ko ng tinanggal ang pagkakatitig sakanya. Tumalikod na ako para ayusin ang pinaghigaan ko.

"Ako na ang gagawa nyan. Para makapaghilamos kana.." Biglang sabi ni Nephra.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon