Kabanata 10

54.1K 2.2K 118
                                    

HAIRPIN

Hindi ako makapaniwala na ibinigay ko ang tiwala ko kay Brent kahit hindi ko pa siya lubos na kilala. Bukod doon, hindi niya rin ako pinabayaan.

"First time mo ito, Ma'am?" tanong sa akin ng parlorista habang nakatingin sa buhok ko.

Nasa harap ako ngayon ng salamin. Mula sa repleksyon, nakita ko si Brent na nakaupo sa sofa habang binubuklat ang isang magazine. Nagtagal ang tingin ko sa kanya dahil sa klase ng kanyang pagbuklat pero natauhan ako nang kinalabit ako ng parlorista. Ipinilig ko ang ulo ko at ibinalik ang atensyon sa kausap.

"Po?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ano po iyon?"

Ngumiti sa akin ang parlorista at sinimulang suklayin ang buhok ko. "Mas bagay sa iyo ang blonde na buhok lalo na't maputi ka. Tapos ang haircut naman ay hanggang balikat. Mas gaganda pa kung lalagyan natin ng bangs ang buhok mo. Pero nasasayangan ako kung pakukulayan at gugupitin. Mukhang alagang-alaga mo ang buhok mo. Maitim at natural."

Hinaplos ko ang straight kong buhok na hanggang bewang. I sighed. Gusto ni Greg ang buhok ko at ayaw niya itong pagupitan kaya mas humaba na ngayon. Pero ngayon, gagawin ko na ang gusto ko. Hindi na ako papayag na may magdidiktar sa akin kung ano'ng dapat gawin.

Wala naman talaga akong plano, eh. Ideya ito ni Brent na mas maging maayos at maging malaya ako kung iibahin ko ang sarili ko.

"Sige, hanggang balikat at lagyan mo ng bangs. Ikaw na bahala sa kung ano ang mas bagay sa akin. Ang importante ay maging ibang tao ako." Humigpit ang kapit ko sa upuan at tumango.

***

Matapos akong gupitan at kulayan ay nagtungo na ako sa waiting area upang malapitan si Brent. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty dahil halos tatlong oras siyang naghintay bago ako tuluyang matapos.

Tumikhim ako at kinalabit siya. "Brent..."

Nang nag-angat siya ng tingin sa akin ay bahagyang namilog ang mata niya at umawang ang labi. Hindi ko maiwasan ang mailang sa kanyang saglit na pagtitig sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Sir, baka matunaw," singit ng parlorista na ngayon ay may pang-aasar na ngiti sa aming dalawa.

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas na ng tingin. Hinarap ko ang parlorista at nginitian siya.

"Maraming salamat po."

Umiling siya sa akin at binuklat ang kanyang dalang notebook.

"Naku, walang anuman. Sa lahat ng mga naging customer ko, ikaw ang pinakamaganda," aniya at nagbaba ng tingin sa kanyang notebook. "Noong hindi ka pa ginupitan at kinulayan ay sobrang inosente ng mukha mo, pero ngayong natapos na, ibang-iba na ang aura mo. Halos hindi na kita makilala."

Uminit lalo ang pisngi ko sa sinabi niya. Naiilang na hinawakan ko ang buhok ko na hanggang balikat at hinaplos ang bangs. Tumikhim si Brent at tumayo sa kanyang kinauupuan. Binalingan ko siya at nahuli ko siyang sinapo ang noo.

Ano kaya ang problema niya?

"Aalis na tayo?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at binalingan ang parlorista na ngayon ay kumakaway na sa amin.

"Thanks for the service, Dive," aniya at naunang naglakad patungo sa exit.

"Thank you rin sa tip, Sir Young!" habol na sambit ng parlorista.

Ngumiti ako sa parlorista at sumunod na kay Brent. Nang nakalabas kami ay nagulat na lamang ako nang naramdaman ko ang paggapang ng kanyang mainit na kamay sa bewang ko. Umawang ang labi ko at napatingin sa kanya.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon