Kabanata 7

58K 2.3K 147
                                    

HELP

Tatlong oras ang byahe patungong South. Ngayon ko lang na-realize nang nakita ko ang sign board ng bawat lugar. Hindi rin ako pamilyar sa lugar dahil ito ang unang beses ko na makapunta at travel na ganito kalayo.

"Manang Eula, na-contact mo na ba sila?" narinig kong tanong ni Brent kay Manang Eula na nasa likuran lang namin.

"Tapos na, hijo. Mabuti at naroon sila kaya may oras pa silang tapusin ang ginagawa nila," sagot ni Manang.

Tumango si Brent at inilipat sa akin ang tingin. "Malapit na tayo. Nasa Badian na tayo."

Umawang ang labi ko. "Badian?"

Tumango siya at umayos ng upo. "Yes, my place. Bumili kasi ako ng lupa roon isang taon na ang nakalipas. Good thing dahil malapit lang sa dagat. Magiging mabuti rin ang pakiramdam mo."

Tumango na lamang ako at tumingin muli sa may bintana. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ito ang unang beses na malalayo ako sa kanila kaya dapat marami akong dapat matutuhan.

Ilang taon din akong nakakulong at naging sunod-sunuran sa kanila at ngayon na may temporaryong kalayaan na ako, gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko.  

Gusto ko rin makalimutan si Gregory. Gusto kong mawala itong nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong makatulog nang matiwasay. Ayaw ko na siyang iyakan at ayoko nang isipin pa ang lahat ng tungkol sa kanya. Siguro ang lugar na pupuntahn namin ngayon ay magpapabago sa buhay ko. Sana nga...

"We're here!" anunsyo ni Brent sabay baling sa akin. "You can walk, right?"

Tumango ako at agad kinuha ang tumbler. Nang nakalabas na kami sa van ay bumungad sa akin ang preskong hangin na nagmula sa karagatan. Hindi ko maiwasan ang matulala dahil sa sobrang ganda ng lugar.

May dagat, may maraming mga niyog at hindi katulad ng syudad na maraming usok.

Nang napansin ni Brent na nahihirapan ako sa paglalakad ay lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko na siyang ikinagulat ko. Napatingin ako sa kanya.

"Kumapit ka, medyo malayo pa ang bahay," aniya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Naiilang na inilagay ko ang aking kamay sa kanyang balikat upang makakapit ako.

"Kumapit ka. I'm going to carry you." At bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal.

Mas lalo tuloy humigpit ang kapit ko sa kanya. Halos pinigilan ko na ang aking hininga dahil sa sobrang bango niya.

"I-Ikaw lang ba ang nakatira rito?" nauutal ko na tanong habang papalapit kami sa isang magandang bahay.

Dumaan kami sa may maputing buhangin na malapit lang din sa shore.

Kumunot ang noo niya at binalingan ako saglit bago ibinalik ang tingin sa daan. "No man is an island."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sagot niya. Tipid na tipid siyang sumagot at sa paraan ng kanyang pananalita, alam na alam ko na kung anong klaseng ugali na meron siya.

"A-Alam ko naman iyon." Tumawa ako para hindi magiging awkward. "Nagtatanong lang."

"Tsk. You're living with me so I am not alone."

Napatango na lang ako at saglit na napatitig sa kanya.

"Pareho kayo ng kilay ni Greg..."

Dumiin ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa biglang lumabas sa bibig ko. What the hell, Khadijah?

Natigil sa paglalakad si Brent at inis akong binalingan. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka ibagsak niya ako sa buhangin.

Bumuntonghininga siya. "Don't mention his name again. We are not the same."

Napalunok ako at nag-iwas na ng tingin. Nang nakarating kami ay nagulat at namangha ako sa nakita. Maganda ang bahay sa malayo pero hindi ko akalain na mas maganda pala kapag malapit na. Hindi ito usual na bahay na tinitirhan ng mga mayayaman. Nanibaguhan ako at nagandahan sa desinyo. It's a two-storey modern amakan house. Maraming mga halaman na nakapalibot at ang ganda ng pagka-landscape. Malaki ang gate na tipong mga magnanakaw ay mahihirapan sa pagpasok. Hindi ko akalain na ganito kagandang bahay ang makikita ko. Ibang-iba sa lahat.

"M-Mahilig ka sa halaman?" tanong ko sabay lingon sa kanya.

"Yup," sagot niya agad. "But that doesn't mean I'm gay."

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala naman akong sinabi na bakla siya. Hindi lang naman babae ang mahilig sa halaman.

"Okay, wala naman po akong sinabi."

Hindi na lang muli ako nagsalita dahil baka nakulitan na siya sa akin. Nang nakarating na kami sa may veranda ay inilapag niya ako sa chaise longue.

"Dito ka muna. May kukunin lang ako," aniya at iniwan akong mag-isa.

Hinilot ko ang tuhod ko at saka napangiti nang nakita ko ang malawak na veranda ng bahay niya. Modern Amakan house pero ang mga gamit, sumisigaw sa karangyaan. Simple sa labas pero ang expensive sa loob. Napangiti muli ako at nagawa ang tingin sa dagat na nasa tapat lang ng bahay. Napawi ang ngiti ko nang biglang may naalala.

"Kapag magiging asawa na kita, ilalayo kita sa lugar na ito. What do you want? A beach house or something that you like?" malambing na tanong sa akin ni Gregory habang nakayakap siya sa likuran ko.

"Gusto ko malapit sa dagat para mas presko at payapa," sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko ang kanyang paghalik sa pisngi ko. "Alright, kapag ikakasal na tayo, bibili tayo ng beach house."

Biglang nangilid ang luha sa aking mata nang naalala ko na naman ang pangako niya. Akala ko pa naman kapag malayo na ako ay hindi ko na siya maiisip pero may mga bagay pa pala talaga na makapagpaalala sa kanya.

Nagbaba ang tingin ko sa kaliwang kamay ko. Hindi ko pa pala nahubad ang singsing na ito. Tumulo ang luha ko at kinuha ang singsing sa daliri ko. Kumirot ang puso ko nang napagmasdan ko ang singsing na ibinigay niya sa akin. Sinubukan kong pawiin ang sakit pero mas lalo lamang bumuhos ang luha ko nang maabutan ako ni Brent na lumuluha. Nakita ko na nagmamadali siyang lumapit sabay luhod sa harapan ko.

"Ano ang nangyari?" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "May masakit ba sa iyo? Tell me, masakit ba ang ulo mo? Are you sick or..."

Humina ang kanyang tinig nang napansin niyang nakatitig lang ako sa singsing na nasa palad ko. Mas lalong tumulo ang luha ko at mariin kong kinagat ang labi ko.

Hinawakan ni Brent ang baba ko at pinaharap ako sa kanya. Umawang ang labi ko nang unti-unti niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Don't cry," mahina niyang sambit. "How can you move on if you keep on thinking about him? Hindi mo siya dapat iniiyakan, Khadijah. He wasted a girl like you. Always remember that you are strong and a man like him can't bring you down."

Hindi ako makapaniwala sa lumabas sa bibig niya.

"G-Gusto ko siyang kalimutan," desperada kong sambit. "Paano ko siya makakalimutan? Sa iyo pa lang, naalala ko na si Greg, even this house!"

"Then I will help you. I will help you move on, Khadijah," determinadong sambit niya habang ang kanyang tingin ay tagos na tagos sa akin.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon