Paano ba Magmahal?

Start from the beginning
                                    

"Alam mo ba kung anong kaibahan natin sa ibang magkaibigan?" Si Donny.

"Parehas tayong may katok sa ulo?"

"Mali. Hindi tayo mababaw. Hindi ka mababaw at hindi rin ako basta basta nalang maooff sa pagkakaibigan natin. Shar masaya man o hindi, dito lang ako"

" Dons, theoretically paano kung sabihin kong in love ako sa iyo? Anong gagawin mo?"

Sandali syang nanahimik. "Ano bang gusto mong malaman? Na kung may pag asang maging tayo o kung wala?"

"Kung may pag asa ba" linaw ko. Pagkatapos ng mahabang lakad, ibinalik namin yung unang aso sa may-ari.

"Sa totoo lang hindi ko din alam kase para na tayong magkapatid pero maging tayo man o hindi, lagi kitang iintindihin"

"Ang labo naman ng sagot Donato"

Napapigil ako ng hininga ng saglit siyang tumigil para ibalik yung pangatlong aso sa may ari.

" Kailangan ba?"

"Hindi naman. Theoretically nga e"

"Diretsuhin mo na kase Shar. Kaya ba awkward ka nitong mga nakaraang araw dahil in love ka sakin?"

Nakakainis lang na walang halong biro yung tono niya. Tunog concern pa siya na para bang may mali sa nararamdaman ko.

"E kung sabihin kong oo" Sige Sharlene, maghukay ka ng sarili mong libingan.

Pagkabalik na pagkabalik namin sa pinakahuling aso, tumikhim siya at saka inilapag yung palad niya sa bunbunan ko.

"Lilipas din yan. Bigyan mo lang ng time. Baka nabibigla ka lang dahil sa malalaki na tayo at dahil ako yung pinakamalapit na opposite sex sa'yo sa akin mo naibuntong yung nararamdaman mo."

Sa loob ng labing pitong taong pagkakaibigan namin, ang pinaka ayaw ko kay Donato e yung trip niyang palaging pangunahan lahat ng desisyon ko.

"Paano kung hindi?" 

"Saka natin pag usapan after 5 years at hindi nagbago"

"Paano mo malalaman kung hindi bibigyan ng pagkakataon?" sa puntong to ipinipilit ko na. Parang hindi ko kase kayang tanggapin na sa tingin niya biglaan lang at padaskul- daskol yung nangyari.

"Ibig sabihin hindi ka lang nabigla sa desisyon mo."

"At kung hindi magbago?" Pagmamatigas ko. Nagulat na lang ako noong magkintal siya ng halik sa aking noo. 

"Promise pananagutan ko"

At ang pinakamalala sa lahat ng kayang gawin ni Donato e yung patahimikin ako. Walang masyadong paliwanag, walang masyadong satsat. Sa mga ganitong sitwasyon alam kong hindi ko maipipilit. Buo yung desisyon niya.

Ang dahilan? Pwedeng si Kisses, pwedeng dahil gusto niya din naman talagang magfocus muna sa pagbibuild up ng future niya o sana nga lang wag, never talaga niya kong makikitang bagay para sa kanya. 

Pagkatapos noon hindi na namin pinag usapan. February 2019, tatlong araw bago ang Valentines day, nagtapat ako sa bestfriend ko, na semi basted at nagpromise na kahit ganito, siya lang. Papatunayan kong siya lang at seryoso ako.


oOo

Kagaya nga ng sinabi ko, arts month ang buwan ng Pebrero . Nagpapasalamat na rin akong marami akong sinalihan kaya't wala akong time na magmukmok dahil binasted ako ni Donny. Sharlene naman kase, bakit ba ang brusko saka ang maton maton mo? bakit ba kahit minsan hindi ka magpakababae? Kaso si Donny kase yung pinag uusapan. 

Nagkikita pa rin naman kami pero hindi na ko nagulat ng siya mismo ang dumistansya. Napansin kong umiwas na siya sa masyadong paghawak at pagsama sama sakin. Parang nagkaron ng mataas na pader sa pagitan naming dalawa. Ang duga lang, hindi siya ready sa kin pero lagi niyang kasama si Kisses. 

Kaylan lang nakasalubong ko sila sa hallway. Naghahatak ako ng pannel at black backing para sa stage ng play namin nang makasalubong ko siya. Ngumiti lang siya at tumango pero hindi siya lumapit para tumulong. Umiba siya ng daan. Kung inaakala kong nahandle ni Donny in a matured way yung sinabi ko, mali pala. Ayaw niya lang ipahalata. Balisa at naguluhan din siya. Ngayon isa lang ang malinaw, natakot ang bestfriend kong sabihin na hindi niya kayang ibalik tong lintik na feelings ko. Parehas kami ng kinatatakutan. Yung mawala yung pagkakaibigan kapag may isang tangang umamin o tumanggi. Di bale na. Nagdesisyon na ko e. Aking feelings to hindi kahit kanino kaya hindi ko dapat ipa shoulder sa kanya yung bigat. 

To Don Donny:

Wag mo ng isipin yung sinabi ko noong nakaraang araw. Mas gusto ko na magkaibigan tayo kaya susuportahan kita sa mga trip mo, kahit saan pa yan. Kaya please wag ka ng umiwas, gaya gaya ka ng style. Wala ka talagang sense of originality.

Wala pang dalawang minuto naka receive agad ako ng reply. 

From Don Donny: 

Lunch? 

To Don Donny: 

Basta ba libre mo

From Don Donny:

Handang handa na wallet ko.

Nangiti ako. Sharlene kahit makalimutan ni Donny, simula ngayon magbibilang tayo ng five years. Iaayos natin yung sarili natin para pag dumating yung panahon at pwede pa wala tayong pagsisisihan. 

Nauna ko sa canteen. Kukuyakuyakoy ang paa. Muntik na kong mapatalon nang may pocket size na teddy bear na dumikit sa pisngi ko. Pagtingin ko si Donny. 

"Ano to?" tanong ko pagkabigay na pagkabigay niya.

"Peace offering" Umiling ako. 

" Ayan ka e. Maging firm ka nga sa rules mo. Dapat chill tayo wag kang pafall" Natawa ko. Marahan kong itinulak pabalik yung teddy bear sa kanya. Although it sounded as a joke, I meant it. 

"Shar naman"

"Alam mo Donny kaming mga girls sensitive kami. Yung mga simpleng ngiti nga lang nahuhulog kami ito pa kayang may pa teddy bear" 

"Sabi ko nga e" Ngumisi siya saka itinago yon sa bag niya. 

"Thank you" Pormal kong pagpapasalamat. "So ano na? Anong kakainin natin ngayong tanghalian?" 

"Mukang ok yung fried chicken at carbonara nila" suggest niya. 

"Sige yun din ako. Ikaw na bahala" Nag thumbs up siya. Pagka alis na pagka alis ni Donny may nagbigay sakin ng mga bulaklak. Hindi ko alam kung kanino galing dahil wala namang card na kasama. 

"Hala thank you po. Kanino galing to" talagang gulat na tanong ko. Naghagikgikan lang naman yung mga nagbigay. 

"Sikretong malupit daw." Sabi noong isa. Tumawa nalang ako at nagpasalamat. Sa pagbalik ni Donny nakangisi siya. By that time alam ko na kung kanino galing. 

"Donato sabing wag pa fall" 

"Happy Valentines Leklek. Ngayon lang yan. Alam ko kaseng walang ibang magbibigay sa'yo kundi ako" Hinampas ko siya ng notebook. "Aray" tatawa -tawang reklamo niya. 

Babanat pa sana ko nang matanggap akong boquet ng fried chicken at pizza. Noong tignan ko kung kanino galing, kay Justine pala, yung nakakasama ko sa sayaw. Ngumisi ako at nagtaas ng kilay. "Ano ka ngayon?" 

Di ko napigilang bumunghalit ng tawa nang makita ko yung pagkunot ng noo niya. Hinablot niya sakin yung boquet ng pagkain saka isa isang pinigtas para ilagay sa pagkain namin. 

"Okay naman pala yang mga manliligaw mo. Wais. Malas lang kase nandito ko at makikihati ako dito. 

Pinigil kong ngumiti.

"Five years Dons"

Tumango siya. 

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now