Wizard's Tale 2: Chapter 7

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayokong makipag-usap sayo."

"Ayan, kinakausap mo na ako."

"Nakakainis ka! Bakit ba ayaw mo kasing ikwento sa akin ang tungkol sa inyo ni Kerria?"

"Eh bakit gusto mong malaman?"

"Gusto ko lang malaman! Pasabi-sabi ka noon na aksaya lang sa oras na makipagkaibigan tapos 'yun pala may kaibigan ka."

"Lilinawin ko, I don't make friends with mortals and mortals only. At hindi mortal si Kerria, kaya kaibigan ko siya." Napa-isip ako—may point siya roon! "Nawi-weirduhan na talaga ako sa ikinikilos mo, Yana. Nagseselos ka talaga eh!"

"Hindi ako nagseselos! Asa ka naman!"

Napataas siya ng kilay. Parang may iniisip siya na hindi ko magugustuhan. "Hindi naman na mahalaga kung paano kami naging magkaibigan ni Kerria. Pero kung gusto mo talagang malaman, bigyan mo ako ng isang rason kung bakit. Example, you're jealous that's why you need an explanation."

"I'm not jealous!"

"Then you don't need an explanation."

Tiningnan ko siya ng masama pero nakuha pa niyang tumitig sa akin pabalik. Tapos napunta kami sa isang staring contest pero nung nauna akong kumurap, tinawanan niya ako.

Dahil asar-talo ako, "Hindi ako nagseselos! Bahala ka na nga dyan!"

"You're so stubborn." Narinig kong napabuntong hininga si Brylle. "And you're also lying."

"Hindi ako nagsisinungaling."

"Prove it! Amin na 'yang Lux Amulet at nang malaman ko ang totoo mong feelings!" Nagulat naman ako sa gusto niyang gawin. Gusto pang gamitin ang pagiging Empath niya! "Oh ano? Kinabahan ka? Nagseselos ka nga. Aminin mo na lang."

"Ah ganun!" Hinubad ko ang amulet at inabot ito sa kanya. At sa isip ko, hindi ako nagseselos, hindi ako nagseselos, hindi ako nagseselos! "Oh sige, basahin mo na ang nararamdam ko!"

Inalam na nga ni Brylle ang emosyon ko at unti-unti ko nang nakikita ang pang-asar niyang ngiti kung hindi lang biglang may nanggulo sa amin.

"What are you doing?" Biglang sumulpot sa eksena si Prince Rouel. "Princess Alyanna, hindi niyo po dapat ipinagkakatiwala sa kung sinu-sino lang ang sacred amulet mo."

"Mawalang-galang na Prince Rouel," madiin namang sabi ni Brylle. "Hindi ako kung sinu-sino lang sa buhay ni Yana—"

"Princess Alyanna." Prince Rouel corrected him. "You don't really seem to know your place here, do you? Sinasadya mo bang kalimutan na magbigay-respeto sa Prinsesa ng Lux?"

"Prince Rouel, tama naman si Brylle. Hindi lang siya basta kung sino sa buhay ko. Siya ang tumulong sa akin at kaibigan ko siya."

"I don't question your friendship, Your Highness. But he should never forget that you are our Princess and that he is just your servant."

"Yeah, and so are you." Hindi na nakapagpigil pa si Brylle.

"I am a higher than you." Parang nagalit naman si Prince Rouel.

"But you know, I'm stronger than you." Pero mukhang sinusubukan talaga siya ng Wizard.

"Tama na!" Natahimik silang dalawa. Kami dapat ni Brylle ang magkaaway pero sila na ang nagbabangayan.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon