He wants to change and to finish it all.

But first he needs to face his dark past.

Because of you he manage to live with sense now. Mukhang lumalambot na ang puso ng Heartless Demon.

....

Matapos ng lahat ay umalis na rin ako at hindi na ako nagpaalam pa kay Cielle, basta iniwan ko na lang siya roon, kaya naman na niya siguro ang sarili niya. Tsaka may biglang tumawag saakin sa phone kaya kailangan ko agad asikasuhin ang isang bagay.

Damn! Hindi ko akalaing gagawin na iyon ni Lhian!

Tuluyan na nga niyang isiniwalat na hanggang ngayon ay nabubuhay pa siya. Tss! Malamang pag pipyestahan na siya ng mga kalaban niya.

Alam kong malakas siya, but I can't imagine kung libu-libo ang makakaharap niya. Sa dami ba naman ng galit sakanya? Malamang tinawagan na ng duwag niyang kapatid ang mga allied forces niya. Tss! Lhian, ano bang iniisip mo?!

Alam kong sabik na siyang lumaban muli, pero baka mahirapan siya ngayon.

At sa ngayon, nakarating na ako sa paroroonan ko at kasalukuyan na ako ngayong nasa harap ng building kung nasaan ang pinaka-una at inirerespeto naming mga De Villa.

Ang angkan na sumasalungat sa lahat ng kasamaang nangyayari sa lipunan at ang mortal na katapat ng Salvatore...

I need to report to them immediately.

....

....

Cielle's POV

Huh? Teka nasaan ako? Bakit parang pamilyar itong lugar na 'to. Isang ilog?

Teka may nalulunod na bata! Kaagad akong kumilos para matulungan siya kaso nabigla ako nang hindi man lang ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Pinalo ko ang mga hita ko para makakilos pero tila ba'y napako na ako sa kinatatayuan ko. Agad kong ibinalik ang tingin ko sa batang nasa ilog at unti-unti na aiyng lumulubog!

Kailangan ko siyang tulungan!

"Bakit kaya mo ba?"

Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig mula sa likuran. Tumingin ako rito pero wala namang tao.

"T-Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ng bata pero hindi parin ako makakilos. Tinignan ko siya ng mabuti at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino siya.

Teka bakit ako mismo iyong batang nalulunod?

"Ni hindi mo nga kayang iligtas ang sarili mo. Ang tumulong pa kaya?" 

Ayun nanaman ang nakakakilabot na boses.

Pero tama siya. Hindi ko kayang iligtas ang sarili ko dahil napakahina ko. Wala akong kwenta.

Ngunit  sa isang iglap may nakita akong mabilis na kumilos papunta sa ilog at iniligtas ang batang ako. Nang maka-ahon ay napansin kong parang pamilyar ang batang lalaki.

Napaka-pamilyar din ng pakiramdam ko na parang ilang beses na niya akong niligtas.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang mga mata dahil magkaiba ang kulay ng mga ito.

"Hanggang sa nakaraan patuloy kang inililigtas,"

"Masyado ka kasing mahina."

"Paano nalang kung kunin nila ang mga taong mahahalaga sayo?"

"Makakaya mo kaya silang iligtas kapag nagkataon?"

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now