Chapter 10

45.8K 958 86
                                    

Myra's P.O.V

I stare at myself in the mirror.

"Look at this dumb girl," sambit ko sa sarili ko at mahinang tumawa.

Tumulong muli ang luha sa 'king mga mata, pinunasan ko ito at at tinitigan ang mga mata kong namamaga na kakaiyak.

"Sana maging masaya kayo."

"Sana maging masaya kayo."

"Sana maging masaya kayo."

"Nhel!" sambit ko at muling humagulgol.

Sobrang sakit na mawala yung taong pinangarap kong makasama habang buhay. Yung lalakeng sigurado na ako. Paano na ako ngayon kung wala na siya.

Napahawak ako sa puso kong patuloy sa pagkirot, damang-dama ko ang sakit. Sinubukan ko pa ulit na tawagan si Nhel pero hindi niya ito sinasagot.

"Nhel, mas masaya ako sa 'yo," sambit ko habang umiiyak.

"Sana maging masaya kayo."

Hindi pa rin mawala sa utak ko ang sinabi ni Nhel kanina noong magkita kami, sobrang sakit.

"Nakipag--Putangina!"

Napahawak ako sa ulo ko nang marinig ang boses ni Nhel na sinasabi ang mga salitang 'yon.

Simula noon ay hindi niya ako minura o pinagsalitaan ng masama pero nakatanggap ako sa kaniya ng malutong na mura dahil, dahil--deserve ko naman 'yon sa pagiging gaga ko.

"Nakipag--Putangina!"

Sa pagkakataong ito ay mas malakas ang sigaw na naririnig ko. Paulit-ulit ang mura ni Nhel sa isip ko.

"Tama na, Nhel, mahal kita Nhel," sambit ko at muli siyang tinawagan pero hindi na naman niya sinagot, kahit sa messenger ay naka-block na ako.

"Nhel," bulong ko.

"Sana maging masaya kayo! Nakipag--Putangina!"

"No! Tama na."

"Tama na Nhel."

"TAMA NA!" sigaw ko at napaupo sa sahig.

Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Mama 'pag nalaman niya rin 'to? Mumurahin niya rin ba ako at pagsasalitaan ng masama?

"Isa kang disgrasyada!"

"Malandi ka."

"Walang respeto sa katawan."

"Haliparot."

"Makati."

"Hindi," bulong ko.

"Hindi 'to totoo," sambit ko at muling humagulgol.

Napatingin ako sa tiyan kong hindi pa ganoon kalaki at hindi halata na buntis ako.

"Nung una mahal kita, pero dahil sa 'yo madaming nawala sa 'kin!" sambit ko at dahan-dahang hinimas ang tyan ko.

"Kasalanan mo lahat ng 'to," bulong ko.

"Dapat ay hindi ka na lang nabuo! DAPAT HINDI KA NA NABUHAY!" sigaw ko at sinuntok at hinampas ang tyan ko.

"AHHHHGGGRRR!" sigaw ko dahil sa galit.

"AHHHGGG--- aw, ahhggg!" sigaw ko nang makaramdam ako ng sakit ng tyan.

Dahan-dahang bumagsak ang katawan ko sa sakit at tuluyan na akong napahiga sa sahig.

"Aahhhggg..." bulong ko.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACWhere stories live. Discover now