Bakit ganito tong mga senior year namin? mga usiserot usisera?  "Nako ate Dawn, wag ka maniwala dyan kay Kristel. Mahilig magsulat ng mga wattpad novel yan. Gumagawa lang yan ng love story idinadamay pa ko. Tara na nga. Balik na tayo sa trabaho" pang aaya ko. 

"Trabaho agad di pa nga tayo tapos kumain" Nako tong koreanong to. First time kong gustong manirador ng mata. Wala kong takas. 

"Anong name ng best friend mo?" Tanong ni ate Ai. 

"Donny" Sabat ni Kristel. 

"Kristel!" makahulugan kong tawag sa kanya. 

"Oops" kunwari ay izinipper niya ang labi. 

"Ok lang yan baby girl. Gusto mo ba pagselosin natin? " May mapanudyong ngiti si ate Dawn sa labi. 

"Nako ate wag na, ayoko ng ganyan" panay iling ko. 

"Ano Yohan, Turs gamitin niyo yang pagiging makisig niyo mga parekoy" Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako dito kina ate Ai. 

At kung hindi pa talaga sapat e biglang dumating si Donny kasama si Kisses. Napakunot yung noo ko noong narealise kong Tshirt ni Donny yung suot suot ni Kisses. Bigay ko sa kanya yon last Christmas. Nagtiim bagang ako. 

"Guys! Mang Ben! may isa sa mga manggagawa na nagrind yung paa doon sa coffee grinder! nagkakagulo sila don. Pinatay pansamantala yung makina" Pagkarinig na pagkarinig sa sinabi ni Kisses napapikit ako. Pansamantala kong naisantabi yung inis na namumuo sa dibdib ko. 

"Diyos kong mahabagin" Nagtatakbo si Mang Ben sa gilingan. Sumunod naman kaming lahat para makita. Malaking makina pala. at nadulas yung operator. Di ko alam kung mamumutla ako o ano. Hindi na makapagsalita yung biktima. Yung buto niya nakalabas. 

Nagtatakbo si Yohan sa labas at doon sumuka. Naramdaman ko namang tinakpan ni Kuya Turs yung mata ko. "Shar labas muna tayo. Hayaan natin silang mag settle. Di makakatulong kung makikisiksik tayo dito." 

"May tumawag na daw ba ng medics? hindi natin basta pwedeng itransfer yung pasyente gamit yung traktora. Hindi hygienic." paliwanag ni ate Ai

"Tumawag na ko" sagot ng isa sa mga empleyado. 

Isang oras lang na natigil yung operasyon at para lang yon linisin kung ano yung nangyare. Tapos tuloy na naman. Nang tanungin ko kung bakit sabi nila wala silang choice. May quota sila ng produksyon. Ansakit sa puso ng ganito. Hindi makatao. 

Lumong lumo kaming anim pagdating ng alas sais. Sumunod sa amin sina Donny at kisses. Kung bakit? hindi namin alam samantalang may sarili naman silang grupo. Hinawakan ako ni Donny sa pulsuhan. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung pisngi ko. 

"Shar ok ka lang ba?" rinig na rinig sa boses niya yung pag aalala. 

"Eto ba yung best friend?" Hindi nakatakas sa pandinig ko yung bulungan nila ate Ai. Sa balintataw ko, napansin kong tumango si Kristel. 

"Ano, Donny, ok lang si Sharlene. Andito naman si Turs, siya yung buddy ni Shar. Alagang alaga naman siya kaya wala kang dapat alalahanin." 

"Grabe no? OMG nakakatrauma" comment ni Kisses. Napatingin kami sa kanya pero walang nagcomment. Walang sumubok na barahin si Kisses. Halata kase na sheltered ito at may pagka inosente. 

Nagdistribute ng mineral water si Yohan. Tinanngal ko yung sumbrero at telang nakabalot sa ulo ko. Pawis na pawis ako. Wala ng araw kaya hinubad ko na yung long sleeves ko. May sando pa naman ako sa loob. Wala naman sa isip ko yon kase talagang pawis na pawis na ko saka ganoon din naman yung suot nila ate Ai at ate Dawn. 

"Sharlene" Tawag ni Donny. Pagtingin ko sa kanya mukang galit yata siya. "May mga lalaki dito hindi ka dapat naghuhubad ng ganyan. 

"Ganito din naman suot nila ate Dawn" depensa ko. 

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now